Sumama na ang loob ni Madeline. Paano siya makakaramdam ng pagsisisi?
Kahit na magawa niya pa, huli na ang lahat.
…
Unti-unting nasanay si Madeline sa kanyang pinagtatrabahuan. Palakaibigan ang kanyang mga katrabaho at pinag-uusapan nila ang tungkol sa isang pagdiriwang para kay Madeline habang tanghalian.
Nang tanghalian na, nag-uusap ang lahat na gusto nilang kumain nang lumapit ang department manager na si Elizabeth Snow.
Maganda at bata pa si Elizabeth Snow. Maestilo din ang kanyang kasuotan. Paglapit niya, pinagsaklob niya ang kanyang kamay at seryosong sinabi. "Nakatanggap tayo ng isang napakahalagang proyekto. Ang kasalukuyang pausbong na influencer na si Lolly Tate ay ikakasal na sa kanyang kasintahan. Pumunta sila kina Mr. Whitman at nakiusap sa amin na magdisenyo ng isang pares ng couple rings, isang kwintas, at isang pulseras para sa kanila. Naglagay sila ng sampung milyong dolyar na customization fee. Kung makukuha natin ang deal na ito, makakakuha ang department natin ng 10% na award bonus."
"Wow!"
"Ibig-sabihin ba niyan na bawat isa sa atin makakakuha ng mahigit sampung libo?"
Natuwa ang lahat at maging si Madeline ay nagalak din. Hilig niya ang pagdisenyo ng mga alahas at nagustuhan niya lamang ito dahil kay Jeremy.
"Kaya dapat kumain na lang kayo ng simpleng tanghalian at huwag nang kumain sa labas. May isang buwan lamang tayo." Sinabi sa kanila ni Elizabeth na kaunti na lamang ang oras nila. "Pakitignan ang mga requirements sa project na pinadala ko sa mga email niyo."
Naunawaan ng lahat, pero malaking parte din dito ang malaking bonus. Pakiramdam nila na kahit ano ay magiging masarap kapag nakuha nila ang pera. Kaya bumalik ang lahat sa kanilang pwesto sa trabaho.
Hindi pa gutom si Madeline kaya binuksan niya ang kanyang inbox.
Nang babasahin na niya ang laman, lumapit si Elizabeth sa kanya.
"Ikaw ba si Elizabeth Crawford?" Tanong niya.
Kaagad na tumayo si Madeline at ngumiti. "Kumusta, Miss Snow. Ako si Madeline Crawford."
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman