Login via

Caught Between Goodbye And I Love You novel Chapter 1

Here we stand today like we always dreamed, starting out our lives forever. Night is in your eyes, love is in our hearts. I can't believe you're really mine forever...

Halo-halong emosyon ang lumukob kay Christmas habang naglalakad palapit sa altar. Gusto niyang matuwa dahil ang araw na iyon ang katuparan ng matagal na niyang pinapangarap, ang maikasal kay Throne, ang lalaking tanging minahal niya. Pero kahit na katiting na tuwa ay wala siyang makapa sa puso niya nang mga sandaling iyon.

Humigpit ang pagkakahawak ni Christmas sa bouquet nang malinaw na niyang makita ang gwapong mukha ni Throne. Matamis na ngumiti ang binata sa kanya. Muli ay nakaramdam siya nang matinding pangamba. She wanted to smile to show her family and friends that she was fine. But she couldn't do it... because deep inside, she was broken.

"Just say the word, Chris. Nasa labas lang ang kotse ko. You still have time."

Ang mga salitang iyon ng Kuya Jethro niya ang nagpagising kay Christmas. Pinilit niyang ngumiti pagkatapos ay sinulyapan ang nag-aalalang mukha ng kapatid. "Mahal ko siya, Kuya Jet."

"Siya ba, mahal ka?"

Natahimik siya. Nang makarating na sila malapit sa altar ay kitang-kita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ng kanyang Kuya Jethro nang iabot ang kanyang kamay kay Throne. Tinanguan niya ang kapatid at siya na ang kusang kumawala rito.

"'Wag kang magkakamaling saktan ang kapatid ko, Throne Madrigal. You haven't seen me at my worst."

"Do you believe in karma, Jethro?" sa halip ay sinabi ni Throne pagkatapos ang ilang segundong pananahimik. Unti-unting sumibol ang kaba sa dibdib ni Christmas sa nakikitang pagtatagisan ng tingin ng dalawang lalaki.

"What in the world are you talking-"

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Throne. "Oh, you mean you don't know anything about karma? Then let me tell you something about it. It strikes."

Christmas had anticipated so many scenarios but never in her wildest dreams had she anticipated this. Nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang pigilan ang pagpatak ng mga luha pero hindi niya magawa. Nagsisikip ang dibdib na napapikit na lang siya nang mariin...

Chapter One

"THERE'S just so much a brother can take," nagtatagis ang mga bagang na naibulong ni Throne habang nakatitig pa rin sa tulalang si Cassandra, ang bunso at nag-iisa niyang kapatid. Halos dalawang linggo nang naka-confine si Cassandra sa ospital buhat nang makunan dala ng matinding depression nang iwan ito ng boyfriend.

Kumuyom ang mga kamay ni Throne nang makita ang muling pagtulo ng mga luha ng kapatid at unti-unti ay lumakas ang pag-iyak hanggang sa mag-hysterical ito. Walang nagawang pinindot niya ang buzzer malapit sa kama. Ilang sandali pa ay pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse. Nang tangkang muling tutusukan ng pampakalma si Cassandra ay mabilis na lumabas na siya ng kwarto, umupo sa isa sa mga silya roon pagkatapos ay frustrated na naihilamos ang mga palad sa kanyang mukha.

Mula nang magkamalay si Cassandra noong nagdaang araw pagkatapos ang insidente ay naging ganoon na ang kapatid niya, tulala. Ayon sa doktor ay labis na naging traumatic para sa kanyang kapatid ang nangyari at gusto iyong kalimutan sa pamamagitan ng pagtakas sa realidad.

"He left me, Kuya! He left me when he found out I was pregnant! He left me!" Napahugot si Throne ng malalim na hininga nang maalala ang sinabing iyon ng umiiyak na si Cassandra nang tawagan siya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kuya Throne. Ang sakit. Ang sakit-sakit."

Nang mga sandaling iyon ay gusto ni Throne na puntahan kaagad si Cassandra pero kasalukuyan siyang nakatali noon sa isang business conference sa China. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng panibagong overseas call mula sa kanilang mayordoma at ipinaalam na itinakbo ang kanyang kapatid sa ospital.

He shut his eyes as mixed emotions flitted across his face. Cassandra was all he had. Ang mga magulang nila ay nasa magkabilang panig ng mundo at may kanya-kanya nang buhay. Bata pa lang sila ay madalas na nilang masaksihan ang pagtatalo ng mga magulang hanggang sa mapagpasyahan ng mga ito na maghiwalay noong disi-sais anyos siya at magwawalong taong gulang naman si Cassandra.

Nang magtrabaho ang mga magulang sa ibang bansa ay naiwan sila sa poder ng kanilang abuelo, sa side ng kanilang ama pero hindi rin sila napalapit sa matanda dahil masyado itong istrikto. Kaya naman laking gulat niya nang bago yumao ang kanyang abuelo noong beinte-cuatro anyos na siya ay sa kanya nito ipinamana ang Madrigal Lending company, na ang abuelo niya mismo ang nagtatag. Kunsabagay, wala namang hilig doon ang kanyang ama na nag-iisang anak nito.

Ang pintor na ama ni Throne ay may sarili nang pamilya sa Amerika habang ang kanyang ina naman ay ilang ulit nang nagpalit ng kinakasama. Greeting cards na lang ang ipinadadala ng mga magulang kung kailan gustuhin ng mga ito.

Throne had lost faith in love. His parents denied him the chance to believe that such an emotion existed. That was why he was so worried when Cassandra told him one day that she was in love. Natali siya sa mga trabaho sa opisina at si Cassandra naman ay sa mundo ng pagmomodelo kaya halos bihira na rin silang magkita. Hindi na niya gaanong nabantayan ang kapatid sa nakalipas na mga buwan.

Dalawang buwan pa lang ang nakararaan nang masaya pang ipakilala sa kanya ni Cassandra si Jethro bilang boyfriend, ang kaklase niya noong kolehiyo sa UP. Nabigla siya nang malaman na kalahating taon na pala ang relasyon ng dalawa. Sumang-ayon siya sa relasyon ng dalawa tutal naman ay masaya ang kapatid niya kay Jethro bukod sa wala namang masamang record ang lalaki. Pero ngayon...

He felt a burning flame in his chest. Ni wala man lang siyang ideya na nabuntis ni Jethro ang kanyang kapatid. Muling dumilim ang kanyang anyo.

Comments

The readers' comments on the novel: Caught Between Goodbye And I Love You