Inosente at mahinhing kumurap si Meredith, mahinahon at mahina ang kanyang boses.
Subalit, tila ba bulag ang mga kalalakihan sa pinakahalatang pagpapanggap. Ang palabas na ganito ay napakaepektibo sa mga lalaki.
Alam ni Madeline na papayag si Jeremy nang hindi ito pinag-iisipan. Sandali lang, nakita niya itong tumango. "Dumito ka muna kung ganon."
Talaga naman.
Natatawa si Madeline dito, at ramdam niya ka nanghahamon siyang tinitignan ni Meredith mula sa sulok ng kanyang mga mata.
Subalit, ilang segundo lamang nagdiwang si Meredith sa sandaling makita niya si Jeremy na sumulyap kay Mrs. Hughes. Iniutos niya, "Maghanda ka ng isang guest room para kay Miss Crawford."
Hinihigop ni Madeline ang kanyang sabaw at halos masamid siya nang marinig niya ito.
Ang nagdidiwang na mukha ni Meredith ay halos tuluyang maglaho sa isang iglap.
Anong kalokohan ito?
Di ito mapaniwalaan ni Meredith. 'Ako ba ang Miss Crawford na tinutukoy niya?'
Nang pag-isipan niya ito, pakiramdam nito Madeline na di ito tama.
Paanong pababayaan ni Jeremy ang pinakamamahal niya?
Subalit, talagang si Meredith ang tinutukoy niya.
Nang makita na sinusubukan ni Meredith na panatilihin ang mahinhin at mabait na imahe habang malapit nang pumutok ang mga ugat niya sa noo, labis na natuwa si Madeline.
Subalit, di niya inisip na balak talaga ni Jeremy na pabayaan si Meredith. Siguro nahihiya siya na dalhin dito ang lihim niyang relasyon kay Meredith habang nandito ang kasambahay.
Subalit, di nagtagal matapos bumalik ni Madeline sa kwarto, dumating si Jeremy.
Umiling si Madeline at malungkot na ngumiti. "Paano yun magkakaroon ng pake sa akin? Wala siyang magagawa kundi gawin yun dahil sa old master. Ang taong mahal niya ay si Meredith."
Oo.
Sinabi nito sa kanya na mula noong araw na nakilala niya si Meredith, gusto na niya itong kunin bilang asawa niya.
Minahal nito si Meredith, at imposible para dito hayaan na palungkutin ang pinakamamahal nito dahil nakokonsensya ito sa ginawa nito sa kanya.
Higit pa rito, kaya nitong pabayaan ang sarili nitong anak, kaya paano nito magagawang mag-alala sa buhay niya?
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso at sa bahagi kung saan nagsimulang pumintig ang tumor niya. Mabilis na ininom ni Madeline ang gamot na bigay sa kanya ni Adam.
Malalaking butil ng pawis ang bumalot sa noo niya. Napakagat siya nang matindi sa kanyang labi nang maramdaman niya ang sakit na parang pinupunit siya habang siya ay mahinahon. Naisip niya ang sanggol na babae na lumisan sa mundo bago pa niya ito matignan. Kaagad na natakpan ng luha ang kanyang paningin.
Kinailangan nuyang maging matatag.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman