Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 77

Malamig ang kanyang boses, dahilan para mapahinto si Madeline. Pagkatapos, sinabi niyang, "Naglalaba."

Lumapit si Jeremy at tiningnan niya ang itim na damit na hawak ni Madeline. Biglang napuno ng galit ang mga mata niya. "Naglalaba ka ba ng damit ng ibang lalaki sa bahay natin?"

Nagalit siya at sinipa ang timba sa harap ni Madeline.

Bumuhos ang tubig sa katawan ni Madeline, dahilan para mabasa siya ng husto.

Napatayo sa takot si Madeline, kapit na kapit ang puting damit niya sa kanyang katawan. Kitang-kita ni Jeremy ang magandang hubog ng katawan ni Madeline.

Para bang nagbanggaan ang yelo at apoy sa kanyang mga mata. Nag-init ang katawan ni Jeremy.

Hinila ni Jeremy si Madeline palapit sa kanya. Pagkatapos, kinurot niya ang baba ni Madeline, at sapilitang iniharap si Madeline sa kanya.

"Mukhang sa loob ng tatlong taon mo sa kulungan, bukod sa hindi mo alam kung paano magpakabait, natuto ka pa kung paano ako inisin, hmm?"

Dumampi sa mukha ni Madeline ang hininga ni Jeremy.

Hindi mapigilang matawa ni Madeline. "Mr. Whitman, ayaw ko pang mamatay, kaya hindi kita gagalitin. Tsaka, ayaw ko din namang labhan yung damit ng ibang lalaki, pero anong magagawa ko? Hindi naman mangyayari 'to kung hindi dahil sa biglang nabaliw ang pinakamamahal mo at sinabuyan ako ng kape. Buti na lang humarang si Tito para iligtas ako."

"Heh." Suminghal si Jeremy, "Tito? Masmalambing pa yung pagtawag mo sa kanya kaysa sakin. Gaano katagal mo na ba siyang kilala? Naawa pa siya sayo at niligtas ka mula sa mainit na kape. Madeline, ang galing mo talaga. Paano mo siya inakit? Ganito din ba ang ginawa mo?"

Pagkasabi niya nun, bigla niyang pinunit ang damit ni Madeline.

Sa sobrang lambot ng damit ni Madeline, madali itong napunit ni Jeremy.

Agad na nahubaran si Madeline. Kahit na nasa loob siya ng bahay, gininaw ng husto si Madeline.

Nakatingin siyang maigi kay Madeline. Nakangiti si Madeline nang biglang tumulo ang kanyang luha.

Napahinto si Jeremy habang tinitingnan niya si Madeline. Mistulang gusto nang mamatay ni Madeline.

Para bang mga net ang iba't ibang sugat sa kanyang katawan. Napahinto si Jeremy nang makita niya ang mga ito.

Napansin ni Madeline na biglang huminto si Jeremy, kaya naman suminghal siya. "Mr. Whitman, bakit ka tumigil? Tingin mo ba masyado akong marumi kaya tumigil ka?"

Ngumiti siya at tumingin sa mga sugat sa kanyang katawan. Naluha siya at sinabing, "Tsk, nakakainis. Mas madumi na ako ngayon. Pasensya na kung nandiri ka, Mr. Whitman."

“Madeline…”

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman