Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 79

Ngumiti si Madeline. Paalis na sana siya nang makita niyang nakatingin sa kanya si Jeremy. "Mag-almusal ka muna."

Ano?

Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang narinig.

Kailan pa siya natutong makipag-usap ng maayos sa kanya at kailan pa ba siya nakakain ng kasama siya, lalong-lalo na sa agahan?

"Madam, nakahanda na po ang almusal niyo." Ngumiti si Mrs. Hughes kay Madeline.

Pagkatapos niyang mag-alinlangan sandali, lumapit na rin si Madeline para kumain.

Tiningnan niya ang hapagkainan. May nakahaing cereal at toast at pati na rin ang tinapay na gawa mismo ni Mrs. Hughes. Gusto ni Madeline ang ganitong almusal.

"Umupo ka dito." Hinila ni Jeremy ang bangko sa tabi niya.

Tumingin si Madeline sa kanya at sinabing, "Hindi, masyadong malapit. Baka madumihan kita, Mr. Whitman."

Pagkatapos, umupo siya sa bangko na salungat sa inuupuan ni Jeremy.

Agad na dumilim ang mukha ni Jeremy. Para bang may nagbabadyang bagyo.

Kinabahan si Madeline nang makita niya ang reaksyon ni Jeremy. Yumuko siya para kumain ng cereal at nanahimik na lamang.

Tumingin si Jeremy kay Madeline at suminghal. "Talagang ayaw mo nang makasama ang asawa mo ah. Hindi ka na ba makapaghintay na makita yung lalaking yun?"

Yung lalaking yun?

Napahinto si Madeline. Naguluhan siya at napatingin sa mga mata ni Jeremy.

"Madeline, di ba sinabi mo ako lang ang mamahalin mo sa buhay na 'to? Patapos na ba ang buhay mo ngayon?"

Nagtagumpay siya sa pang-iinis niya kay Jeremy.

Tumingin si Madeline kay Jeremy at nginitian niya si Meredith. "Ms. Two-faced, anong sinasabi mo? Bahay ko 'to. Hindi ba ako pwedeng mag-almusal kasama ang asawa ko?"

"..." Nagbago ang ekspresyon ng mga mata ni Meredith. Humigpit ang hawak niya sa kanyang pitaka at naglabasan ang mga ugat sa kanyang mga kamay. Subalit, magaling pa rin siya sa pag-arte. Lumapit siya kay Jeremy na may lungkot sa kanyang mukha. "Jeremy, hindi ba ako dapat nagpunta dito? Tingin ko nagseselos nanaman si Maddie."

Binaba ni Madeline ang kanyang kubyertos at tumayo. "Mukha kang nasuntok sa mukha. Tingnan mo nga sarili mo. Parang nilamukos yang mukha mo."

"..." Nanggigil sa galit si Meredith.

"Busog na 'ko. Maglandian na lang kayo dyan."

"Saan ka pupunta?" Ang tanong ni Jeremy kay Madeline.

"Syempre, papasok ako sa trabaho." Ngumiti si Madeline. "Hindi naman ako gaya ng mayayamang babae dyan na kayang magtsaa at magshopping buong araw."

Sumimangot si Jeremy at lumapit kay Madeline. "Ihahatid na kita."

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman