59: Para–paraan
59: Para–paraan
“WALANG HIYANG- buwisit na Martin na ‘yon,” asar na monologue ko. Kanina ko pa gustong magwala sa inis. Wala atang epekto sa lalaking iyon na kasal pa rin kami ni Yuri.
“Sir, ang init ng panahon pero ganyan ka pa ka–init, baka ma–heatstroke ka niyan,” noon ako napatitig kay Javier na abala sa phone nito at pangiti–ngiti pa.
“Oras ng trabaho nagse–cellphone ka,” iritadong sita ko dito. Pero matamis na ngumiti lang si Javier.
“Pag–inaway mo ako hindi kita tutulungan kay Ma’am Yuri,” baliwalang sagot nito.
“At paano mo ako matutulungan sa asawa ko, aber? ‘Wag mo na nga akong asarin. Badtrip na nga ako sa lintek na Martin na ‘yon eh.” Napangiwi ako nang biglang kumalam ang
sikmura ko.
“Ah iyong karibal mo. Mahirap nga ‘yon. Nalaman ko noong mga panahong nababaliw ka sa kakahanap sa asawa mo. Madalas kasama niya si Martin nakasuport kay Ma’am Yuri.”
“Ano?” Mabilis na napalapit ako dito kaya naitulak ko ang nakasalansan na files sa table
nito.” Paano mo nalaman?”
“Sir! Ano ka ba!” Pikang sermon nito at kaagad na inayos ang nagulong files. He carefully check the position of files, na parang may sira sa utak. “Mag–ingat ka naman.”
“Alam mo kapag ako nainis, guguluhin ko lagi ang mesa mo. Subukan mo kayang maging
normal na tao.”
“Normal sa akin ‘to.”
“Fine, paano mo nalaman ‘yon?”
“Ah.. doon sa magandang babaing sinasabi ko sa’yo,” anito saka naupo ng tuwid at inayos ang damit nitong laging well–pressed.
“Sino?”
“Iyong kadate ko simula noong isang araw,” pamesteryosong sagot nito kaya lalo akong
naasar.
“Wala akong paki–alam—”
“Talaga ba, eh paano kung ito ang kadate ko?” Buong pagmamalaking ipinakita nito ang
54 Para paraan
picture sa phone nito kasama ni Moira at sa gulat niya hinablot niya ang phone ni Javier.
“Ito iyong… bestfriend ni Yuri! Alam mong girlfriend siya ni Clarence diba?” kunot noong tanong ko dito. “Gusto mo ba nang gulo?”
Claim
“Nagbreak na sila, niyaya niya ako ng date kaya pumayag ako. Siya pala iyong tumulong sa akin sa grocery last time,” nagmamalaking saad pa nito. “May hang out date sila ng kaibigan niya mamayang gabi kaya maaga akong lalabas ha. Sasama ako sa gimmick nila.”
“Iyong kaibigan niya— si Yuri ba?” Tila lumukso ang puso ko sa balita ni Javier.
“Oo daw. Wala naman daw siyang ibang friend. Magce–celebrate raw sila nang break–up nila
ni Saavedra.”
“Sasama ako!” Mabilis kong sabat dito.
“Eh baka magalit si Ma’am Yuri,” anitong nagkamot pa nang sintido nito.
“Di huwag mong sabihing kasama ako. Sagot ko na ang pandate mo.” Presenta ko na
ikinatawa nito.
“Talaga ba? Galante ka na rin ngayon sir. Kaso sasama rin ata si Martin kaya baka hussle,
double date kami eh.”
“Then gumawa ka nang paraan para makaalis si Martin. Dahil ako ang magiging date ni Yuri. Kuha mo. Gamitin natin iyong bagong bili kong kotse. At kapag napaalis mo si Martin, may
bunos ka sa akin.”
“Aba, sir mukhang magpapa–impress ka nang husto ah. Mamahaling cake, flowers. Bagong luxury car tsk… tsk… Hindi ka na kuripot ngayon,” nakatawang saad nito habang naiiling. “Dati ang tipid ng budget mo sa asawa mo eh—”
“Kailangan mo pa bang sabihin ‘yan? Gagawin mo ba o hindi?” pikang sita ko dito.
“Oo naman, dapat malaki ‘yan ha.” naninigurong saad nito. “Sige isasama na kita, pero dapat hindi magmukhang inaya kita. Baka di pa ako nagsisimula e mabasted na kaagad ako.”
“ANO BANG NAKAIN mo at gusto mong magbar tayo?” reklamo ko kay Moira. Naroon ako sa apartment nito. Ayaw na kasi nitong magpunta sa bahay dahil break na daw ang mga ito at si Clarence. Bagay na hindi ko na ipinagtaka. Madalas silang mag–away sa kung anong dahilan pero kalaunan nagkakabati rin naman.
“Ipinaalam na kita kay Baby Zayu at ay Senador G kaya huwag ka nang tumangi, kung ayaw mong pati tayo magbreak na din,” nakasimangot na banta nito. Kaya wala naman akong nagawa kundi tangapin ang s3xing dress na ihinanda nito para sa akin. Makintab na old rose fitted dress iyon at sa tingin ko hindi aabot sa tuhod ko. Pareho ang style ng dress namin
59 Para paraan
Claim
magkaiba lang ang kulay at ang cut. Pero backless ang dress nito kompara sa damit kong simpling sleeveless na may v–neckline.
Wala akong nagawa kundi ang magbihis na rin at pagkatapos nag–apply na ako ng light make–up. Hinila ko pa ang dress para umabot sa tuhod ko pero bumaba naman sa bandang cleveage ko kaya ibinalik ko rin sa dati.
Pagbaba namin ng building ay siya namang pagdating ni Martin. Naguguluhan ako sa sinabi nito kahapon. “Nakangiti ang mga bituin kahit malungkot ang puso ng mga tao,” hindi ko alam kung bakit pamilyar sa akin ang mga ‘yon.
“Wala na akong kotse kaya, hiniram ko na muna si Martin DJ. Siya ang date mo kasi nakakahiya naman kong third wheel ka diba?” pabulong na sambit nito kaya nawala ang isipin ko tungkol doon.
“Ang ganda mo Yuri,” kita ko pang humahangang titig sa akin ni Martin. At ipinagbukas pa ako ng front seat.
“Salamat,” sagot ko na lang. “Sino nga pala ang ka–date mo?” Maya maya usisa ko kay Moira nang nasa biyahe na kami.
“Malalaman mo rin later.” anitong ngumisi lang. Sa unahan ako naupo dahil ayaw ko namang magmukhang driver namin ni Martin.
“Hindi ba masyadong sexy ang suot mo, Yuri?” Hindi nakatiis na puna ni Martin panay kasi ang sulyap nito sa direksyon ko.
“Sisihin mo ang isang ‘yan.”
“Huwag ka ngang masyadong conservative Martin, karapatan ni Yuri na ipagmalaki ang kasexyhan niya sa madlang earth. Saka kasama ka naman ni Yuri kaya safe siya at—-” natigil ang sasabihin ni Moira nang magring ang phone. Pero kaagad na tumaas ang sulok ng labi nito. At baliwalang hinawi ang imaginary long hair nito.
“Bakit hindi mo sinagot?” puna ko dito.
“Hindi na ako nakikipagchika sa mga ex ko, kaya walang dahilan para sagutin ko ang tawag ng ampalaya mong kapatid,” pairap na sagot nito. “Don’t you dare tell him na magkasama tayo okay,” banta pa nitong nakaingos.
“Okay…” napapakamot kong sagot. Mukhang seryoso na nga itong tapusin ang relasyon nila ni Clarence. “Ano ba kasing pinag–aawayan n’nyong dalawa?”
On the other side.
Pikang ibinaba ni Clarence ang phone niya. Ilang ulit na niyang tinatawagan si Moira pero
50 Para paraan
panay ang reject nito ng calls niya.
“Mister Oliver sa tingin mo bakit niya ibinalik sa akin ang kotse?” Asar na tanong nito kay Oliver na abala sa ginagawa nitong report. “Badtrip ang babaing ‘yon ah.”
Claim
“Baka naman desidido na nga siya sa break–up n’yo?” baliwalang sagot nito na ikinalaglag ng hawak niyang ballpen.
“Ano? Seryoso ka ba? Moira likes me, kaya bakit niya seseryusuhin ang break up. Kasalanan naman niyang iginigiit niyang magkabalikan sina Yuri at ang tanga–tangang Dela Merced na ‘yon.”
“Sir Clarence hindi naman lahat ng tao masama at walang paki–alam. Baka naman totoong desidido na si Zade Larzon na ayusin ang relasyon nila ni Ma’am Yuri. Suportahan mo na lang ang kapatid mo.”
“Come on Mister Oliver, hindi basta basta magbabago ang mga taong masasama ang ugali. Pare–pareho lang sila!” Pikang giit niya na ikina–iling nito.
“Ikaw ang bahala, pero sa tingin ko nasa bar sila ngayon,” anitong ipinakita pa ang larawan sa socmed nito. Kaya nagmadali siyang hanapin ang post ni Moira. Pero hindi na niya ito mahanap.
“What the hell blinock ba niya ako? Sira ulong babae ‘yon.” pikang saad niya sabay tayo. “Send me the address, humanda siya sa akin. Seryoso ba siyang hiwalayan ako!“gigil niyang sambit saka iniwan ang napapangiting si Oliver.
“Kung mahal mo, huwag mo nang pakakawalan.” makahulugang saad ni Oliver.
Zindy Rivera
HI Everyone, salamat po sa support, later na po ang isa at bz ako kanina. Thank you.. May Ampalayang susugod…
28
Comments
Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia’s stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.

Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)