Pagkakamali 148
83: Palusot 101.2-1
83: Palusot 101.2
AKALA KO kakagat si Yuri sa pagbibiro ko kanina, pero inirapan lang ako nito. Pero ayos na rin. At least tagumpay ang attempt kong kami ang magkasama sa kuwarto.
Paglabas ko sa banyo ay nakasandal ito sa headboard ng kama at mukhang may ka–usap ito sa phone kanina.
“Tapos na ako,” ani ko pa dito. Agad naman itong tumayo para kunin ang bathrobe at walang imik na nagtungo sa banyo.
Nang masiguro kong naliligo na ito saka ko tinext si Dan at Javier para magpasalamat.
Kaagad namang nagreply si Dan nang ‘goodluck‘ at may emoji ng braso pa ng muscles ang
sinend nito.
Another message arrived
Javier: “Sana naman hindi ka na manipa nang kama ngayon,” nakikinita ko nang ngisi nitong nakaka–asar.
Me: “I won’t.”
Javier: “Well, see. Kapag wala ka pang nagawang tama ngayon ewan ko na lang.”
Me: ” Salamat sa tulong, sisirain mo pa ang mood ko. Lintek ka.” asar na nilagyan ko pa nang emoji ng angry face.
“Kaya wala kang girlfriend eh.” asar na monologue ko.
Alam kong dapat akong maging maingat na hindi mahalata ni Yuri na plinano ko ang lahat. Pero nagtataka ako kanina kung bakit hindi ito nagreklamo na magkatabi kami sa backseat.
Madalas kasi sinasamaan ko nito ng tingin kapag didikit ako dito.
That night I sneak my way into Yuri’s room. Ilang sakong self–control ang kinailangan kong pairalin nang mahiga ako sa tabi nito at yakapin ito. Pero nag–away lang kami. Kaya hindi na puwede ang ganung gimmick ko.
Maya maya pa ay lumabas na rin si Yuri. Balot ang katawan ng bathrobe na hindi umabot sa tuhod nito. Kaya hindi ko napigilang mapasipol na ikinabaling nito sa akin.
“Mas sexy ka pala kapag ganyan ang sout mo. Pero I’m sure mas sexy ka sa nighties na nasa cabinet.”
<83 Palusot 101 2-1
Claim
“Paano naman nagka–nighties dito?” kunot noong usisa nito. Kasama ‘yon sa ipinarequest ko kay Javier para sa room reservation. Just in case.
“Ewan, pero bago lang eh.” sagot ko kahit hindi ko pa naman nakita. “Sabi ng hotel staff puwede raw gamitin. Charge na lang. Gamitin mo na para komportable ka,” suhesyon ko pa.
At dahil hindi ito kumilos kusa akong nagtungo sa cabinet na naroon. May set rin ng pajama para sa akin. Kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit nakakabanas minsan ang mga walang prenong banat ni Javier. Malaking tulong talaga ito sa akin.
Kinuha ko na ang pajama at inabot ko naman kay Yuri ang sexy na nighties na naroon.
“Hindi ko isusuot ‘yan,” tangi nitong nanlalaki pa ang matang napatitig sa sexing nighties.
“Bagay sa’yo, hindi naman see through kaya okay lang yan,” udyok ko pa.
“No thanks. Masyadong revealing at ang iksi ng shorts.” Hinawakan nito ang damit saka umiling. “Sa nipis ng tela nito baka di lang kabag ang makuha ko magdamag.”
“Bahala ka, ako naman magbabayad. Kita mo nga may tag pa wala pang gumagamit n’yan. Kaya sige na. I’ll take the pajama,” ani ko saka ako tumalikod para isuot ang pajama. Sinadya kong iwan ng pang–itaas na damit sa cabinet. Saka ko inalis ang bathrobe na suot ko. Exposing may well maintain body. Umbok nga lang ang bestfriend kong gising na naman. Buti na lang medyo makapal ang bandang garter kaya inipit ko na lang. “Talo ko pa ang tinamaan ng mahabang el niño.” mahina kong sambit.
“Ibalik mo na ‘yan hindi ko isusuot ‘yan,” dinig kong tangi ni Yuri kaya hinarap ko na ulit ito.
“Okay, nag–ooffer lang naman ako. Tulog na tayo wifey ko.” ani ko pa saka ko kinuha ang nighties at itinapon sa sofa. Saka ako pumuwesto na sa kama. Si Yuri naman kinuha ang dalawang ekstrang unan para ilagay sa pagitan namin.
As if naman hindi ko kayang alisin ‘yon mamaya. Sa isip–isip ko na lang.
“Paano naging king size ang ganitong bed?” reklamo nito saka naupo na rin sabay baling ng tingin sa akin. Kita kong namula ang mukha nitong napatitig na naman sa katawan ko. She was obviously trying to act un–affected. Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi. Pero masamang tingin ang ibinalik nito sa akin.
“Feeling mo ba, model ka d’yan dahil sa abs mo?” nanunuyang usig nito.
“Wala ako sinasabi, kung naiingit ka, puwede ka namang gumaya,” hamon ko dito na lalong ikinamula nang mukha ni Yuri.
<83 Palusot 101 2-2
Claim
83: Palusot 101.2-2
Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia’s stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.

Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)