“Fine I’m leaving!” Padaboy nitong sagot sabay talikod. Alam niyang dapat sinusundan niya si Atasha pero hinayaan na lang niya ito.
“Sir, tumawag na si Gray,” nagmamadaling turan ni Javier na ikina–angat ng tingiti niya dito. “Natrace na
niya ang lokasyon ng asawa mo!” Tila may spring ang puwet niyang napatayo mula sa swivel chair.
“Nasaan, puntahan natin.”
“Nga–ngayon na sir, kasi…”
“Kung busy ka. I’ll go there myself. Humanda sa akin ang babaing iyon,” matiim niyang saad sabay kuha
nang susi ng kanyang kotse.
Napapakamot namang napasunod si Javier dito.
“Hindi na ako makakapag–asawa kung ganito katigas ang ulo mo. Malamang mabaliw ka pa lalo kapag tuluyan ka ngang nilayasan ng asawa mo,” mahinang lintaya ni Javier na sumunod na sa lift. “Huwag mo
masyadong ipahalatang excited ka Sir.”
“Ano?” Pikang baling niya dito.
“Hindi ako excited! I’m pissed off!”
“Okay sabi mo eh.” Tumango–tango pang sagot ni Javier na halata namang hindi kumbinsido sa sagot niya.
kaya lalo lang siyang naasar.
“I DON’T think you’ll be safer here, Yuri.” Puna ni Clarence na dumating ring sa apartment ko. “Marami akong properties sa tingin ko…”
“Clarence ano na ba? Ayos lang ako dito. I swear. Saka safe naman ako eh. Maganda ang security ng building at isa pa. Ayaw kong maging pabigat sa iba.”
“Hindi ka pabigat okay, magkaibigan tayo,” giit ni Clarence.
“Kasi naman ang kulit mo na rin, Clarence,” sermon dito ni Moira na galing lang sa malit kong kitchen at dala ang niluto nitong fries, nagcrave kasi ako bigla at talagang inutusan pa nito si Clarence para daw magsawa ang anak ko sa fries. “Kasama ko si Yuri kaya safe siya, saka pinapalitan mo na nga ang lock. Sa lahat ng floors dito itong apartment lang ni Yuri ang may digital lock.”
“Mabuti na ‘yon. Para hindi ako mag–aalala. Siya nga pala, invited kayo sa party next week okay. Dalawa kayong date ko.”
“Ang harot mo naman Clarence, dalawang date talaga ang gusto mo? Make up your mind okay.”
“Bakit may boyfriend ka ba? Wala naman diba?”
“Grabe ang sakit mong magsalita,” pairap reklamo ni Moira dito sabay tabig ng kamay ni Clarence na aktong kukuha nang fries.
“Sa buntis at sa naglutu ‘yan.”
“Akong bumili n’yan.” Ungot naman ni Clarence na ikinangiti ko pa.
“Alam n’yo sana datipa pala akong namuhay mag–isa, malayo sa pamilya ko. Siguro mas masaya pa ako ngayon.” Nasabi ko na lang sa mga ito
“Ngayong narealized mo nang hindi naman kailangan ipilit ang sarili mo sa pamilya o sa asawa mo, dapat mas maging masaya ka na. At magfocus ka na lang sa magiging baby mo.”
“At sympre sa annulment mo. Oras na magfile na ang asawa mo ng annulment, gagamitin ko ang koneksyon ko para mapawalang bisa kaagad ang kasal n’yo.” Pag–aassure naman ni Clarence sa akin.
“Tama! Alam mo Yuri suwerte ka ring nakilala mo itong si Mr. Knight and Shining Armor mo.”
Naka–ngusong saad ni Moira. Alam ko ang gusto nitong ipahiwatig naiinis itong masyadong attentive sa
akin si Clarence.
Pero sa tingin ko sadyang mabait lang si Clarence at matulungin kaya ganun. Wala naman akong
nararamdaman o nakikitang may romantic feelings siya para sa akin. And I feel the same way too. I just
feel safe with Clarence.
“Hindi ko na alam kung paano ka pa pasasalamatan Clarence. Kaya huwag mong damihan ang utang na
loob ko sa’yo kasi baka wala na akong maipambayad,” pabirong saad ko dito.
“Ayos lang, sabi ko nga ikaw lang ang kaibigan ko na galante ako.”
“Eh bakit sa akin kuripot ka, ice cream lang libre mo kanina.”
“Ice cream lang naman ang sabi mo ah saka—” natigil sa pagsasalita si Clarence ng tumunog ang doorbell
na ipina–install rin nito.
“Are you expecting someone?” Kunot noong tanong nito.
Umiling ako ng balingan ko si Clarence,” wala naman. Kayo lang naman ang nakaka–alam na nandito ako.”
“Ako na.” Presenta ni Clarence na kaagad na ring tumayo. Subalit may parti sa pagkatao kong tila inaataki ng kaba at mula kung saan dinig ko pa ang banta sa akin ni Zade.
r
“Sinasabi ko sa’yo pagsisisihan mo kapag nahanap kita.”
“Anong ginagawa mo dito!” Muntik nang umalsa ang puwet ko sa upuan ng marinig ko ang pamilyar na tinig ‘yon na nagpabulis nang kabog ng pulso ko. “Hinanap ba talaga ako ni Zade. Nagawa ko pang lumingon sa direksyon ng pinto dahil doon.
“Hindi ko alam na mas natindi pa sa baliw ang asawa mo, girl.”
Zindy Rivera
Mukhang mas lalong nag–iinit ang ulo ng Zade ko.
Hello everyone, maraming salamat sa walang sawang support. Sa mga di dipa naka–add sa nyong libarary. Please add na at palambing ng #VQTE sa mga nakadream app diyan… Thank you so much po. May update ako mamaya. kay Marcus. Sana suportahan pa rin n’yo si Marcus para manatili siya sa top 10. Maraming salamat po.
38
Comments
LUCK DRAW >
Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia’s stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.

Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)