123: Masamang Balak
MASAMA ANG TINGING ipmukol sa akin ni Javier nang dumating ito sa bar. Wala naman akong ibang
pagpipilian. Si Javier lang ang alam kong maituturing kong totoong kaibigan.
“Pwede bang magbati na nga kayo, napapagod ako sa pang-aabala mo nang wala sa oras eh,” reklamo
nitong naupo pa rin sa katapat kong upuan. Kumuha ito nang isang bote nang beer at binuksan gamit ng
key holder nito.
“Pasensya na, alangan namang uminum akong mag-isa.”
“Pareho naman kasi kayong may issue kaya ganun. Hindi mo siya masisi kung hindi sapat ang tiwala niya
sa’yo. Kung hindi naman sinabi ni Moira ang tungkol sa post mo baka hindi pa rin naman kayo nagkaayos
agad. Kaya bakit sinisira mo na.”
“Alam ko naman ‘yon. Nagpapasalamat pa rin ako sa ginawa ni Moira, pero alam mo namang wala akong planong sabihin sa kanya ‘yon. Bakit ba kasi napakabobo ko? Alam mo bang mas mahirap pa siyang lapitan kaysa noong unang beses na nagkita ulit kami.”
“Eh anong gusto mong gawin?”
“Ano bang dapat?” Balik tanong ko dito. Ang dami kong gustong gawin pero parang ang hirap naman eh.
“Three years ago, nag-efforts ang asawa mo para mahalin mo siya, why can’t you do the same for her, now? Pero bago mo gawin yan layuan mo muna si Atasha.”
“Javier, hindi ko nilalapitan si Atasha!” depensa ko.
“Pero… hinahayaan mo siyang lumapit, ang pagbalik ko sa anak n’yo sa parents mo, sign na iyon sa asawa mo na welcome pa rin si Atasha sa buhay mo. Binibigyan mo lang kasi siya nang dahilan para mas
magselos eh,” sermon nito.
“Bakit parang mali lahat ng pinaniniwalaan ko, Javier?” mabigat na tanong ko dito.
“Siguro kasi hindi perpekto ang buhay natin. Iba kasi ang sitwasyon n’yo ng asawa mo. Ang karibal niya ay dating kapatid niya na nagpahirap sa kanya at mas pinili mo noon. Kapag patuloy mong ipinaramdam sa asawa mong hindi mo siya magiging priority kahit kailan. Letse baka ganito na lang tayo maya-maya. Magresign na lang ako bilang assistant mo,” naiiling na saad pa nito.
“Pwede ka namang magresign bilang assistant ko, pero walang resignation bilang kaibigan.”
“Tsss… ang corny mo, uminum ka na nga lang. Sabi mo dati bawal magbar kapag may asawa na diba,” naiiling pang saad nito saka uminum nang alak pero natigilan itong napatingin sa bandang likuran ko. Napagaya rin ako dito, kaya kita ko ang isang lalaking mukhang lasing na na kinuwelyuhan nang isang
lalaki.
“Gago ka ba..” galit na asik ng lalaking nakahawak sa kuwelyo nang isa.
103 Maanfig Natal, 1
“Dibo si Clarence ‘yon?”
“Ano?” noon ako napatitig sa mukha nang lasing na lalaki. Kaya napatayo ako palapit sa mga ito.
“Ikaw ang gago, ikaw tong bumanga, sira ulo.” ganting asik ni Clarence kahit hindi na makatayo nang
maayos.
Chain
“Taranta— “natigil ang aktong pagsuntok nang lalaki kay Clarence nang isang kamay mula kung saan ang pumigil sa braso nang lalaking napadaing ng paikutin ang kamay nito. Mabilis ko namang inalalayan si
Clarence na tila nagulat rin. “Tang ina ka bitawan mo ako, hayoo ahhhhgggk..”
“Bakit pumapatol ka sa lasing?” matalim ang matang tanong ni Javier dito.
“Ahgghh boss tama na, mababali ang kamay ko,” samo nang lalaking halos mnapayuko na. Javier is good at martial arts, dito ako natuto ng mga self-defense nito.
“Bitawan mo na,” utos ko kaya kaagad naman nitong pinakawalan ang lalaking napasigaw pa na mabilis na rin namang umalis at nagmura na dinuro pa kami.
“Oy… kayo pala, isang baliw at isang tanga, pss..” palatak ni Clarence na muntik pang matumba nang tabigin nito ang kamay ko. “Paki-alamero.”
“Sira ka ba? Naghahanap ka ata talaga nang away ah,” sermon ko dito.
“Iyong… gagong ‘yon ang nagsimula. Kayang-kaya ko ‘yon…” mayabang nitong sagot kahit halos baliko na ang dila nito. At nagsimulang maglakad palayo pero bago pa ito makadalawang hakbang ay para itong naupos na kadilang natumba, na kung hindi maagap si Javier baka nabagok pa ang ulo nito.
“Ano bang problema niya?” nagkakamot ang ulong tinulungan ko na lang si Javier na alalayan si Clarence. “Buhay nga naman. Gusto ko lang maglibang, hay.” reklamo ko saka namin dinala ito sa table namin.
Pina-upo ko ito sa pang-isahang couch na naroon sa puwesto namin.
Comments
LUCK DRAW >
Vote
2.4K
C 128 A3 Hat
Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia’s stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.

Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)