132 Pangaerts+
132: Panganib-1
132: Panganib
EARLIER
Claim
“ANONG GINAGAWA mo dito Gener,” tarantang usig ni Daisy sa biglang pagsugod ni Gener sa mansion.
“Ang sabi mo magpapadala ka nang pera, diba?” ganting usig ni Gener dito na tuloy-tuloy nang pumasok. Kaya napahabol siya dito nang prente itong naupo sa pang-isahang sofa.
“Alam mong hindi tayo puweding makita nang kahit na sino na nag-uusap, hindi ka ba nag-iisip!” namumula ang mukhang sermon ni Daisy sa lalaki.
“Wala si Gaston dito, at umalis rin ang maids n’yo. Kanina pa ako nag-aabang. Kung baliwlang ako dapat kanina pa ako pumunta. Kaya hindi mo ako puweding basta na lang baliwalain lalo na ngayong gipit ako.” kalmadong saad nitong prenting sumadal pa sa sofa. “Wala na akong natatangap na pera mula sa Montefalco Royal dahil dumidiretso na sa bangko ang lahat ng shares ko,” matiim na reklamo nito.
“Kung bakit naman kasi nilustay n’yo ang lahat!” pikang saad ni Daisy dito. Masyado na atang naging komportable si Gener sa pakikipag-usap sa kanya. Makinig ka, huwag ka na ulit pupunta dito,” gigil na
banta ni Daisy saka kinuha ang phone nito para magsend nang pera kay Gener. “Wala pang nangyayari kaya
tumigil ka sa katangahan mo.”
“Ang dami mo pang sinabi, akala mo hindi ka rin lumulustay ng pera nang asawa mo,” patuyang sagot nitong ngumisi nang makita ang perang ipinadala ni Daisy. “Bakit kasi pinatatagal mo pa?” naiiling na saad
nito saka itinago ang phone sa bulsa.
“Huli na ‘yan. Mag-antay ka na lang na magpakita ang abogado ni Charlene para sa mana ni Yuri. Hindi kita
obligasyon Gener. Baka mapansin pa nang asawa ko o ni Clarence ang galaw ng pera ko kaya huli na ‘yan!” madiin nitong paalala.
“Sabi mo eh. Kumusta nga pala ‘yong Jennie?” nakangising tanong nito.
“Hindi ko alam, at sana lang hindi gumagawa nang kabalbalbalan ang babaing ‘yon.”
“Bakit naman kasi hindi pa natin tinuluyan eh,” gumalaw ang panga ni Gener sa sinabi. Dahil sa isip nito
hindi parin maiwasan ang pag-aalala. Hindi puweding masira ang mga plano nila dahil lang sa isang
hamak na katulong.
“Sa tingin ko wala pa ring silang alam.” sagot niya kay Gener. “Kung bakit kasi biglang umeksena si Yuri
Pabalik na si Oliver kaya dapat masiguro mong mawawala sa landas natin ang babaing ‘yon. Sa susunod kasi mag-iingat kayo.” sermon niya. “Sige na, umalis ka na at baka bumalik na ang mga katulong.”
“Oo na, dapat kasi pinadala mo kaagad.” nakangising saad ni Gener na tumayo na, subalit kapwa sila nagkatinginan nang marinig ang pagbukas nang gate na bakod.
At ganun na lang ang panlalaki nang mata ni Daisy nang makita si Yuri, mula sa bintanang salamin.
132 Pangart-
Claim
“Gener, maytago ka. Duman ka sa likod, nandito si Yuri,” taranta namang napatakbo si Gener sa bandang kusina. Ikatlong punta na niya sa bahay ng mga Saavedra kaya kabisado na niya ang bahay.
“Huwag ka diyan…” mahinang sigaw ni Daisy pero nawala na si Gener at nagtungo na sa kusina.
Hindi nagtagal ay pumasok na sa main entrance si Yuri na masaya niyang sinalubong. She never like Yuri dahil sa malaking pagkakahawig nito sa ina nito. Pero nagawa niyang i-welcome ang babae.
“Salamat naman at nadalaw ka hija. Kaso maglalaro daw ng golf ang daddy mo. Kaya baka mamaya pa ‘yon,” aniya dito.
“Ganun po ba?” Kita niyang nag-alinglangan si Yuri pero ngumiti na rin.
“May kailangan ka ba sa Daddy mo? You can tell me para masabi ko sa kanya,” pang-eengayo niya dito.
“Wala naman Tita, naisip ko lang dalawin si Dad,” sagot niya, pero napabaling siya sa pinto patungo sa dining room kung saan pasimpling sumulyap si Gener kaya kinabahan siya. Napansin niyang napalingon rin
si Yuri sa direksyong tinitingnan niya.
“Bakit ikaw lang mag-isa hija?” mabilis niyang tanong saka ngumiti. At inis na nagmura sa isip. Kaya hindi nakaligtas sa mata niya ang pagkunot ng noo ni Yuri.
“Nakaabala ho ata ako Tita,” anito.
“Naku, hindi may kausap lang ako kanina pero ayos na. Teka gusto mo ba nang juice, sandali ipagtitimpla kita,” presenta niya saka mabilis nang tinungo ang komedor. Pero hinila siya ni Gener sa kusina.
“Bakit nandito ka pa?” halos pabulong niyang usig dito.
“Hindi ako makalabas, nakalock ang kitchen door mula sa likod.”
Comments
LUCK DRAW >
Vote
2.7K
132 Pangant
Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia’s stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.

Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)