16: I’m His Date
“SIR, NANDITO NA ANG invitation ng mga Saavedra.” Imporma sa akin Javier saka inilapag sa harap ko ang isang gold invitation card. “Masyado pa raw busy si Mr. Saavedra kaya hindi ka pa mahaharap. Pero
puwede mo raw siya kausapin after the party.”
“Ganun ba? Okay, salamat.”
“Kailangan mo rin pala may kasama sa–
#
“I will be his date..” anang tinig na nasa may pinto ng private office ko. It was Atasha. Wearing her red sexy dress na hapit sa katawan nito. “Invited rin sila Dad, kaya ako na lang ang date mo.” Kompiyansang
presenta pa nito.
“Okay sige.”
“Sir…” sabat ni Javier na tila nag–aalangan. Pero nagsalita pa rin nito. “Ang nakalagay sa—
“Excuse me Javier, I’m Zade’s girlfriend if you’re unaware. Kaya puwede akong maging date niya,” Iritagong
sikmat ni Atasha dito.
“Alam ko, pero pangalan ng asawa ang nasa invitation.” Magalang na paliwanag ni Javier na ikinasimangot ni Atasha. Kaya nagawa kong buksan ang invitation card.
“At paano nila nalaman ang pangalan ng asawa ni Zade, sekreto lang naman ang kasal nila ni Yuri?”
“Hindi ko alam?” Kamot ang noong sagot ni Javier.
“Baka dahil kay Clarence.” Nasabi ko kasabay nang pag–init ng ulo ko.
“Oh you mean that Saavedra guy, hmp. Mayabang iyon. Walang taste.” Paismid na saad ni Atasha. “Kaya, dapat akong isama mo for sure mang–iinis lang ang lalaking ‘yon.”
Sa sinabing ‘yon ni Atasha lalo lang akong naasar. Maliban sa pamilya namin at sa ilang malapit na tao walang ibang outsider ang nakaka–alam ng tungkol sa kasal namin ni Yuri sa side ko. Pero si Yuri ipinaalam niya sa lalaking ‘yon ang tungkol sa annulment namin.
“Okay, ikaw na lang ang isasama ko.” Walang gatol kong pasya na ikinatalon sa tuwa ni Atasha sabay
yapos pa sa akin.
Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang pag–iling ni Javier na halata ang pagtutol mula dito. Pero sa isiping naroon sa party si Clarence at makakalapit na naman ito ni Yuri. Gusto niyang sunugin ng buhay si
Clarence Saavedra.
“Bibili ako ng dress, gold ang theme right. I’m so excited.” Kinikilig na saad ni Atasha.
“Tara na maglunch na rin tayo. Javier sumama ka na,” ani kong tumayo na rin ako
“Ano, bakit kasama siya. Lunch date nati-”
“Atasha anu ka ba, ilang ulit ko nang sinabi sa’yo, hindi magugustuhan ni Mom kapag nalaman niyang
nagdi–date tayo At siya nga pala huwag mo na ulit tatawagan si Mom tungkol sa annulment, napagalitan tuloy ako”
“Ano? How— I mean, I’m your girlfriend, Zade.”
“Kasal pa rin kami ni Yuri. You have to understand that.” Nahahapong paliwanag ko dito.
“Kainis. Hanggang kailan ba ako maghihintay kasi.”
“Sympre until the annulment is over. Iyon ay kung—” kusang ininitin nito ang sasabihin na nakangising umalis.
“Ano bang problema niya ha?” Asar na baling sa akin ni Atasha. “Dapat sisantehin mo na lang yang si
Javier eh.”
“Magaling si Javier sa trabaho niya at malaki ang tiwala ko sa kanya. Kaya hayaan mo na lang siya. I’m sure nagbibiro lang ‘yon.” Kumbinsi ko dito pero sa tingin ko may gustong iparating sa akin si Javier.
Sa kilalang restaurant kami nakarating pero ikinagulat kong naroon ang bodyguard na hinire ko para kay
Yuri. Wala naman akong planong i–kulong si Yuri sa bahay, kaya ito lang ang naisip kong tamang paraan.
Makakalabas lang siya kapag kasama ako o ang mga bodyguard na itinalaga ko dito.
“At nandito pa ang—” dinig kong saad ni Atasha na nakatingin sa direksyon nila Yuri at ng kaibigan nitong
si Moira na mukhang seryoso ang usapan. Habang sa di kalayuan naroon ang bodyguard nito. Pero
ikinagulat kong bigla na lang naglakad palapit sa mga ito si Atasha.
NATIGIL ANG seryosong usapan namin ni Moira nang umagaw sa atensyon ko ang tunog ng takong ng sapatos na palapit sa direksyon ko, kaya napatitig ako doon. Para makita si Atasha na sexing–sexy sa sout nitong red dress na hapit sa katawan nito habang pulang pula ang labi. At Mula sa sulok ng aking mga
mata ay kita ko si Zade na tila nagulat pa na nakatingin sa akin.
Pinigilan ako ng security kaninang lumabas. Dahil sa utos raw ni Zade na makaka–alis lang ako kung may bodyguard akong kasama. Kaya wala akong choice kundi ang pumayag. At ang masaklap pa dapat isang metro lagi ang distansya sa akin ng dalawang lalaki. Isang naka–upo ngayon sa kabilang mesa katabi namin at isang nasa kotse at nagbabantay.
2
Comments
Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia’s stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.

Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)