“Yuri,” nagitla ako nang biglang pumasok si Zade sa kuwarto. At dali-daling binuksan ang flatscreen tv
doon. Hindi ko na namatayang natapos na ang tawag ni Clarence dahil nakatutok ako sa balita tungkol sa
natagpuang kalansay.
Ilang sandali pa ay nasa harap na nang camera si Natasha. Na ipinagtaka ko.
“Ang totoo may isang katulong kami noon na bigla na lang nawala matapos magnakaw nang pera at alahas,
ayaw kong isipin pero sana hindi naman siya ‘yon. Kasi isang buwan ang lumipas ng mawala siya. Dumating
‘yong asawa para hanapin ang kasambahay, pero dahil matagal na nga na umalis ng walang paalam
hinayaan na lang namin. ” kumpiyansang lintaya ni Natasha sa harap ng camera.
“Masasabi n’yo ho ba kung sino ang taong posibling may kinalaman sa kaso?” tanong nang isang tinig sa
likod ng kamera.
“Hindi ako maaring magsalita dahil wala naman akong katibayan. Kaya sana mag-imbestiga nang husto ang
mga police para malaman ang totoo. Ang alam ko kasi nagkaroon sila nang alitan nang isang katulong, pero
matagal na ring umalis sa amin ang babaing ‘yon.”
“Ma’am, kaya n’yo bang bigyan ng pangalan ang taong posibling maging suspect?”
An hour earlier…
Nanlaki ang mga mata nila Gener at Natasha nang mapanood ang balita habang kampanting nag-aalmusal ang mga ito. Nagkatinginan at namutla si Natasha.
“Gener,” mahinang sambit ni Natasha sa asawa. “anong…?”
“Sabi ko naman kasi sa’yo itapon na natin ‘yon eh,” asar na saad ni Gener sa asawa.
“Anong gagawin natin?”
“Wala. Hindi naman nila ganun kadaling malalaman kung sino ang bangkay at puwede nating sabihing
wala tayong alam sa basement.” Kampating saad ni Gener.
ľ
“Kasalanan naman kasi nang babaing ‘yon ang lahat,” asar na saad ni Natashą.
“Tama na at tumahimik ka, wala na tayong magagawa doon.” asar nitong saway sa asawa nang saglit na
natigilan. “Teka, naalala mo iyong isang babae na kaibigan ni Gina, iyong adelantadang nagdala kay Yuri sa
hospital?”
“Oo,” sagot ni Natasha kaya nagkatinginan ang mga ito. “Are you saying…” sumilay ang ngiti sa labi ni
Natasha. “Why not?”
“Kung ganun kumilos ka na at pupunta tayo doon, bago pa makaalis ang mga reporter.” mabilis silang nagbihis at gamit ang kotse na ipinahiram sa kanila ni Daisy. Nagtungo sila sa Montefalco mansion. Paalis
na ang isang ambulansya pero may mga reporters pa rin.
1/3
148 Blante-
Claim
“Kaya nio bang ibaling kay Eliza ang sisi para mailigaw ang imbestigasyon,” nanantiya ang tingin ibinigay ni
Gener sa asawa.
“Akong bahala, honey, relax ka lang. Wala namang alam ang tangang ‘yon. Baka nga sa ngayon nagdidildil pa rin sila nang asin. Dahil wala na siyang makukuhang matinong trabaho pagkatapos ng ginawa natin.” Kumpiyansang saad ni Natasha. Saka inayos ang sarili bago umibis sa kotse kaya nagmadali naman ang
mga reporters ng makita ito.
She was good at acting kaya kalmado lang si Natasha na hinarap ang mga ito at sinagot ang mga tanong.
“Kaya n’yo bang bigyan ng pangalan ang taong posibling maging susupect?” lakas loob na tanong ng
reporter.
“Oo naman, si Gina Salazar ay ang nagpasok sa dati naming katulong at kaibigan rin daw niya na si Elisa Cortez. Nagkaroon sila nang pagtatalo noon, tungkol sa pera, kaya sana magpaimbistiga ng mabuti ang mga police.” kumpiyansang deklara ni Natasha.
***
LUMIKHA nang nakakabinging ingay ang pagkabasag nang kung ano sa kusina. Kaya nagkatingnan kami ni
Zade. Mabilis naman itong kumilos para alamin ang nangyari.
Pagpasok ko sa kusina, kita kong umiiyak si Manang Elisa na nakatigin sa flatscreen TV. Si Ate Rita naman ay nagmamadaling kinuha ang walis.
“Hi—hindi ho totoo ‘yon Sir…” umiiyak na napahagulgol ang ginang. “Parang ate ko na si Ate Gina kahit bago lang ako sa Montefalco noon… kaya bakit niya sinabi ang ganun.”
“Relax lang ho kayo,”pag-aalo ni Zade dito saka ito inakay palabas ng kusina. Nagmamadali namang nag-abot ng tubig si Aling Susan na tila nag-alala rín.
“Manang,” tawag ko dito. “Iyong Gina Salazar siya po ba iyong katiwala ni Mama?”
“Hindi ko rin po alam Ma’am pero siya po ang Yaya mo. At close nga daw siya sa dating may-ari ng bahay sabi nang mga dati naming kasama. Baka po makulong ako Ma’am… ano na lang—” muli na naman itong
napahikbi.
୮
“Huwag ho kayong mag-alala sa tingin ko hindi alam ni Natasha na nasa amin kayo, kaya niya ginawa ang bagay na ‘yon.” Pag-aalo ni Zade dito.
“Pero Sir?”
“Relax lang po kayo Manang, alam kong hindi n’yo kayang gawin ang sinasabi ni Natasha.” Pagpakalma ko
dito saka ko ito niyakap.
“Salamat pero… tatawagan ko muna ang asawa ko at baka nag-aalala na ‘yon.”
“Ayos lang po, sinabihan ko na si Dad na sabihan ang asawa mo. At pupunta rin siya dito.” ani Zade. “Pero
mas makakabuting magpunta tayo sa police station ngayon.”
145 Blame?
“Sir…baka?” panic na saad nito.
Claim
“Hindi ho kayo makukulong kung kusa kayong pupunta sa police ngayon para pasinungalingan ang sinabi
ni Natasha, at higit sa lakat hindi sapat ang akusayon niya. Puwede pa natin siyang kasuhan nang defamation kapag napatunayan nating wala kayong kinalaman doon.” Kompiyansang paliwanag ni Zade
dito. Hindi ko tuloy maiwasang mapahanga sa husay nang asawa ko. Kinuha nito ang phone nito at
tumawag sa abogado.
“Salamat Sir dahil naniniwala kayo sa akin,” maluha-luha pa ring saad ni Manang Elisa.
“Naging mabuti ho kayo sa asawa ko noon at alam kong naniniwala si Yuri na wala kayong kasalanan.”
Napatango ako dahil totoo naman ‘yon. Alam kong hindi masamang tao` si Manang Elisa.
“Pero hindi ba nakapagtataka, paano nila nakilala kaagad ang isang kalansay na lang?” Hindi ko
mapigilang sambit na ikinatitig sa akin ni Zade. “Unless….”
****
“Mrs. Montefalco. Hindi ho tamang nagbigay kayo ng pangalan sa media na wala kayong ebidensya.”
paliwanag nang police ng isama ito sa police station para sa statement nito.
“Sir sinabi ko lang naman ang alam ko kaya napasugod ako sa bahay. Aba! Ilang taon na kaming nakatira
d’yan pero hindi namin alam na may basement pala,” depensa ni Natasha. “Ang sa akin lang gusto kong
makatulong. Ngayon kong wala na kayong itatanong pa, uuwi na ako at nakalimutan kong uminum ng
maintenance sa altapresyon. Mag-imbestiga kayong mabuti ha,” bilin pa nitong tumayo. Saka lihim na
napangisi.
Subalit ganun na lang ang gulat ni Natasha nang makita si Elisa kasama sina Zade at Yuri? Inataki ito nang kaba pero kaagad ring nakabawi at ngumisi kay Yuri at binalingan ang babae. “Hindi ko alam na
mamamatay tao ka pala Elisa, aminin mo, si Gina iyong kalansay ano!”
Zindy Rivera
Maraming salamat po mga madam sissy… god Bless you all. Kahit may mga nababasa kong commnet na kayso, ‘sound cliche, baka maging dragging ang kuwento, at para na daw pelikula na nahulaan na niya (w/c is good naman kasi dream ko talaga magkaroon ng story na maging movie). Still maganda pa rin naman ang biyaya para kay Zade and Yuri. Kaya maraming salamat. Truly we can please everyone dahil may kanya kanyang type tayong genra… Actually hindi lang romance ang gusto kong isulat. fantasy, mystery, triller and detective stories. Those are my fav. kaya sobrang happy ako na umaangat ang romace genra ko, na may ibang kasamang genra. fantasy na lang ang kulang sana soon. #VOTE#
9
Comments
LUCK DRAW >
2.7K
M
Vote
”
343
149 Depense.
Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia’s stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.

Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)