Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 298

୮

156 Lumikha nang kaguluhan 1

156: Lumikha nang Kaguluhan-1

156: Lumikha nang kaguluhan

Claim

“UPO KA MUNA,” ani ko nang dumating si Clarence bandang hapon. Dalawang araw na ang lumipas nang matapos ang wake para sa ama ni Moira. At sa mga nalaman ko tungkol sa babaing nabuntis ni Clarence. Alam kong dapat na naming sabihin kay Clarence ang totoo. –

“Ano pala ang sasabihin mo,” malumanay na tanong ni Clarence na nasulyap sa dalawang batang naglalaro

sa playpen. “Ang saya nila.”

“Oo naman…” nakangiting saad ko. Hindi man amim ni Clarence alam kong nararamdaman nitong gusto

nitong lapitan at yakapin si baby Zen.

Maya maya pa ay lumabas naman si Zade mula sa kumedor dala ang dalawang tasa ng kape. Halos magkasunod lang dumating ang mga ito.

“Magkape ka muna, masyado kang nagmamadali,” ani Zade na mukhang gusto na namang asarin si

Clarence pero nakangiti naman. Naupo ito sa tabi ko matapos ilapag ang tasa para kay Clarence.

“Bakit ako wala?”

“Hmm, bawal ka nang kape, gumagawa tayo nang baby diba.” Walang prenong saad ni Zade na ikina-init ng

mukha ko. Pero hinawakan nito ang kamay ko saka hinalikan ‘yon.

“Ano ba, maglalambingan ba kayo sa harap ko?” asar na reklamo ni Clarence na nakasimangot.

“Langya, huwag mo namang sabihing wala kang natutunan sa turo ko, kaya ganyan ka pa rin kasungit ngayon?” pangbubuksa dito ni Zade na napailing pa bago higop ng kape nito. Ako naman kinuha ko ang

envelop na nasa tabi ko.

“Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero…” napabuntong hininga ako nang iabot ko kay Clarence ang

DNA test result nito at ni Baby Zen.

“Gusto naming itago na lang sana, para sa ikakabuti nang relasyon n’yo ni Moira, pero sa tingin ko dapat

୮ mo nang malaman ang totoo, Clarence,” ani Zade na sumeryoso ang mukha.

“What—”

“Buksan mo na lang ‘yan para maunawaan mo,” udyok nito kay Clarence. Bagaman nasa mukha nito ang pagkalito nagawa nitong buksan ang envelop. At ganun na lang ang pagkabigla sa mata ni Clarence

matapos basahin ang detalye.

“Anong… anong ibig sabihin nito?” gulat na bulalas na tanong nitong napatitig sa direksyon ng dalawang

bata.

“Hindi rin namin alam kung paano ipapaliwanag, pero sa tingin ko may kinalaman ang step mother mo sa

nangyari.” paliwanag ni Zade, habang nanlalaki naman ang mata ni Clarence sa pagkabigla. “Ang batang

ipinalibing ni Tamara Fernandez ay ang namatay na anak ni Atasha.”

1/2

3055 LumacherThang Kaguluhan 1

“At si baby Zen ang ipinalit na nagkataong anak pala ni Tamara.”

“Puta” pigil ang boses na bulalas ni Clarence na halos magkulay kamatis ang buong mukha nito. Hanggang sa leeg.

Claim

“Naniniwala kami na walang alam ang step-mother mo at sina Natasha na anak mo ang batang ipinalit

nila.”

“Kalukuhan ‘to… sh*t! Paano kapag nalaman-putang ina!” napalakas na mura nito.

“Sana nga kalukuhan lang, iyon rin ang gusto ko sana para na rin wala nang dahilan si Moira para tangihan ang kasal na aluk mo. Pero wala na tayong magagawa tungkol kay Baby Zen.”

“Pero hindi puweding malaman ng babaing ‘yon na buhay ang bata, magugulo lang kami ni Moira,” panic na

saad ni Clarence na nasabunutan pa ang sarili. “Damn it!”

“Huwag ka nang magalit d’yan. Hindi namin ipinaalam sa’yo ‘to para lang ibigay sa’yo si Baby Zen. Kami na ang magiging pamilya niya mula ngayon. Iyon ay para walang dahilan iyong babae na maghabol pa sa’yo. Kung ako lang masusunod mas okay sana para mahirapan ka rin kaso—awch! Aray naman, asawa ko.”

“Kita mo na ngang problemado na ang kapatid ko nang-aasar ka pa.” sermon ko kay Zade pero ngumisi lang ito nang nakakaluko.

“Hindi pweding malaman ni Moira ang tungkol dito, baka—”

“Kaya nga sa amin na si Baby Zen, ang gusto lang nitong asawa ko. Ipaalam sa’yo para aware ka sa existence ng anak mo, diba. Iyon lang. At ito na ang una at huling beses na pag-uusapan natin ang tungkol dito.” ani Zade na biglang sumeryoso saka kinuha sa kamay ni Clarence ang papel na halos magusot na. At maging ako ay nagulat nang magsimila itong punitin ang dokumento.

“Baby Zen is my son. Anak namin siya ni Yuri.” Walang gatol na deklara ni Zade na ikinatigalgal ni Clarence. “In return?” kapwa kami napatingin dito. Kaya pinanlakihan ko nang mata si Zade na ngumisi naman. Bago nagsalita. “Hindi mo pweding unahan ang kasal namin ni Yuri,”

Comments

LUCK DRAW >

M

Vote

2.7K

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)