Te Amo, Forever And Ever
CHAPTER ONE
“BEAST,” mahinang sabi ni Jamie Elaine Grassner, o Jeg, sa best friend niyang si Keith James. Inirapan niya ito. Naiinis siya rito dahil wala siyang kaide-ideya na isasama siya ni Keith sa isa sa mga escapade nito.
Maaga pa lang ay nasa condo unit na niya ito sa Alabang. Magpapasama raw ito sa kanya at hindi siya tinigilan nito hangga’t hindi siya naisasakay sa kotse nito. Sa pagkamangha niya ay isang private hangar ang pinuntahan nila at umiikot na ang elise ng twelve-seater chartered plane na naroon.
Keith almost dragged her to the plane and made her sit on a seat next to the window. He even fastened her seat belt. Before she knew it, the plane was already taking off the runway. Ni wala siyang ideya kung saan siya balak dalhin ni Keith.
Keith chuckled. “Huwag kang sumimangot, pumapangit ka. I promise, Jeg, mag-e-enjoy ka sa pupuntahan natin,” sabi nito na tila hindi apektado kung magusot man ang mukha niya sa pagsimangot. Tila nagsasayaw sa pagkaaliw ang mga mata nito.
“Where are we going?” nakairap na tanong niya. Kahit anong pagkaasar niya rito ay hindi niya magawang magtaas ng boses dito. Baka kasi kung ano ang isipin ng mga pasahero na kasabay nila.
“We’re going to Palawan. To an island resort, to be more specific. Today is Saturday and we’ll be back on Monday,” nakangising sabi nito. Tila sinasabi ng ekspresyon ni Keith na naisahan siya nito.
“Palawan? Island resort? For three days?” nanlalaki ang mga matang pag-uulit ni Jeg sa mga sinabi nito. Halos lumaki ang mga butas ng kanyang ilong. Sa sobrang pagkaasar niya ay hindi siya nakatiis at pinisil niya nang mariin ang ilong nito.
“Aw, Jeg! That hurts!” nakangiwing sabi nito. At dahil pinipisil niya ang ilong nito ay nagbago ang tunog ng boses nito. Muntik na siyang mapahalakhak dahil doon, mabuti na lang at napigilan niya ang kanyang sarili. Mapulang-mapula na ang ilong nito nang bitiwan niya.
“You love to do that!” reklamo pa nito.
Hindi siya nakonsiyensiya. Humalukipkip siya at hindi ito pinansin para ipakita na naaasar pa rin siya.
“Jeg,” tawag nito.
Hindi pa rin niya ito pinansin. Imagine, dadalhin siya nito sa isang resort sa loob ng tatlong araw at wala man lang siyang dalang kahit ano. Ni hindi siya nakapag-empake ng mga gamit niya.
“Okay, I’m sorry. I’ve been there; I mean sa resort. Nakarating na ako roon at nagandahan ako. So, I thought, why not share that magical place with my best friend? Trust me, you’ll love it there, Jeg.”
“Sana man lang, sinabi mo agad sa akin. Why do you love doing this? I mean, why do you love to surprise me with this kind of stuff? Noong isang buwan lang, halos atakihin ako sa puso nang isama mo ako sa pagba-bungee jumping mo,” reklamo niya.
He sighed. “Pinagsisihan ko na `yon, remember? Isang linggo mo akong hindi pinansin. This time, hindi naman kita tatakutin. Gusto ko nga na mag-enjoy ka, eh.”
“Whatever, Keith!” pagtataray niya, sabay irap. Pagkatapos ay pumikit siya. That was her way of saying that she didn’t want to talk to him anymore. Alam ni Keith ang ugali niyang iyon. Kapag nagpumilit ito na kausapin siya ay tiyak na lalong sasama ang mood niya.
She heard him sigh.
Matalik na kaibigan niya si Keith mula pagkabata at magkaibigan din ang kanilang mga pamilya. Parehong eskuwelahan ang pinasukan nila noong elementary at high school. Pagdating ng college, she took up Business Management while Keith took up Engineering. Nagkahiwalay sila nang pareho silang mag-take ng master’s degree sa kani-kanilang mga kurso. Siya ay sa University of the Philippines, samantalang si Keith ay pumunta sa Chicago at doon nagpakadalubhasa.
Nang maka-graduate si Jeg ay tinulungan niya ang kuya niyang si Redd sa pamamahala ng kanilang family business na chain of restaurants. Bukod doon ay may sarili rin siyang all-girl accessories boutique. Nag-hit ang business niya at sa katunayan ay dumarami ang inquiries tungkol sa pagfa-franchise niyon.
Her parents were now travelling around the globe, enjoying the fruits of their labor. She had already proven herself kaya nang magpaalam siya na gusto niyang tumira sa isang condominium unit ay pinayagan siya ng kanyang pamilya. She was spending her own money like Keith.
Nag-iisang anak si Keith kaya nang makatapos ito ay ito na ang namahala sa construction firm ng mga ito. Bukod doon, naging abala rin ito sa paglalagalag. He was a traveler and he loved the adrenaline rush. Kung saan-saan na ito nakakarating. Gayunman, napakamakabayan nito dahil mas gusto nitong i-explore ang Pilipinas. Kapag nagandahan ito sa isang lugar ay paulit-ulit nitong pupuntahan iyon.
“Everybody, may I present to you the top view of the Peace Island. Please enjoy the view...”
Ang malamyos na tinig na iyon ng isang magandang babae na nakatayo sa harap ng eroplano ang pumutol sa pagmumuni-muni ni Jeg. Dumilat siya at dumungaw sa bintana.
Napasinghap siya nang makita ang tanawin. It was a breathtaking view down below. Naiintindihan na niya kung bakit “Peace Island” ang pangalan ng isla. Mula sa chartered plane na kinalululanan niya ay kitang-kita niya na hugis-kamay na naka-peace sign ang islang iyon. Maayos iyong nababalanse ng greeneries na nakikita niya habang sa mga parteng hugis-daliri naman ay walang ibang makikita kundi mga puno ng niyog. Napakaputi ng buhangin doon at ang dagat ay kumikislap na tila may mga diyamante. There was actually a world class resort down below.
Nasabik si Jeg na makita nang malapitan ang isla. Naisip tuloy niya na baka siya na lang ang hindi nakakaalam sa lugar na iyon. She was not sure if it would be too much to say that what was down there was a playground of the rich and the famous.
Bumaling siya kay Keith. Pakiramdam niya ay nagniningning ang mga mata niya.
“So?” agad na tanong nito. She could see that he was pleased by her reaction. “Ano? Gusto mo pa akong awayin?”
Ngumiti siya. “Gusto mong awayin pa kita?” balik-tanong niya. Bigla siyang na-excite sa adventure na iyon. Hindi na problema ang mga damit o swimsuit niya dahil nahuhulaan niya na ang resort na iyon ay kompleto sa mga shop at boutique. Thank God she brought her wallet.
Comments
The readers' comments on the novel: Te Amo, Forever And Ever (Filipino)