Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 41

CHAPTER 41

CHAPTER 41

MAYUMI’S POV:

+25 Bonus

Napakabilis ng lahat ng pangyayari. Pagka-react niya, nakadapa na si Ysabel sa lupa, namumula ang mga mata, at nakakunot ang mukhang parang kawawa at api.

Sa isang iglap, naunawaan agad niyang kung bakit iyon ginawa ni Ysabel… para magmukha itong tinulak niya.

Tulad ng inaasahan, paglingon ay nakita niya si Xavier na nakatayo sa likuran niya, dilim ang mukha at matalim ang tingin sa kanya…. ang tingin na puno ng galit at hindi makapaniwala.

Bago pa man siya makapagsalita, naunahan na siya ni Ysabel, nanginginig ang boses nito na puno ng kunwaring papaawa.

“Xav, huwag mong sisihin si Mayumi. Kasalanan ko talaga ito. I shouldn’t have come tonight.”

Tahimik na lumapit si Xavier, pero madilim ang mukha. “Ako ang nagdala sa’yo rito. Whether you should have come or not is not for her to decide.”

Habang nagsasalita, mabilis na humakbang si Xavier para tulungan si Ysabel na makatayo mula sa lupa.

Pagdaan ni Xavier sa kanyang tabi ay bigla siya nitong siniko nang malakas sa balikat. Alam niyang sinadya iyon ni Xavier. Maluwang ang bakuran, hindi siya nakaharang sa daan nito. Alam niyang ginawa nito iyon para ipaghiganti si Ysabel sa kanya.

Ni hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Sa ilang salita lamang ni Ysabel, hinusgahan na agad siya ni Xavier.

Sanay na siya, pero kahit paano, may sumikip pa ring kirot sa kanyang lalamunan.

“Ysabel, okay ka lang ba?” tanong ni Andra at dali-daling lumapit kay Ysabel.

Saglit na tumingin si Ysabel sa kanya bago humarap kay Andrą, sabay ngiti nang banayad.

“Ayos lang ako. Aksidenteng nadapa lang ako.”

“Huwag mo siyang pagtakpan, Ysabel!” galit na sagot ni Andra. “Nakita ko mismo, tinulak ka niya!” Habang nagsasalita, matalim ang titig na ibinato ni Andra sa kanya. Lihim siyang napangiti ng pait. Magkapatid nga ang dalawa… mabilis ang mga itong manghusga sa kanya, mas pinaniwalaan pa nila si Ysabel kesa sa kanya.

Nanahimik lamang siya. Pero dahil sa pananahimik niya, inakala ni Andra na guilty siya.

“I hate you, Mayumi. Bakit mo inaapi si Ysabel? Dahil ba kinakampihan ka ni Grandma ay nagiging mayabang ka na?” Lagi mong kinakawawa si Ysabel. Pero nakalimutan mong andito pa kami ni Kuya para ipagtanggol siya sa’yo!” galit na sabi ni Andra.

Wala siyang nasabi dahil hindi niya alam ang isasagot. Napakabilis ng pangyayari at mukhang nakuha ni Ysabel ang dramang gusto nito kaya napaniwala ang magkapatid.

Nang makita ni Andra na tahimik lang siyang nakatayo doon ay lalo itong napikon. Luinapit ito sa kanya

lt

CHAPTER 41

saka siya tinapakan sa paa nang madiin.

+25 Bonus

Biglang tumulo ang luha niya sa sakit ng pag-apak ni Andra sa paa niyang kanina pa namamaga. Mula sa maliit niyang daliri, kumalat ang sakit papunta sa buong katawan at diretso sa puso. Parang pinipiga ang dibdib niya.

Napaupo siya roon mismo, at bumuhos ang malamig na pawis sa kanyang noo kasabay ng kanyang mga luha. Hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya. Sobrang sakit na gusto niyang sumigaw doon mismo, pero halos hindi siya makahinga, kaya wala siyang magawa, 1

“Uy, isang tapak lang ‘yon. Kailangan pa ba ‘yang dramang ganyan?” puna ni Andra. “Sobra ka naman, Mayumi. Tigilan mo nga ‘yang pag-arte!” Tila natigilan din si Andra sa reaksyon niya.

“Nakita mo, ‘di ba Kuya? Halos wala nga akong lakas. Paano naman sasakit nang ganyan?” dagdag pa nito na parang naghahanap ng kakampi kay Xavier.

Marahil natakot si Andra na baka malaman ni Grandma ang ginawa nito sa kanya kaya mabilis nitong idinamay si Xavier bilang saksi.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME