CHAPTER 43
CHAPTER 43
+25 Bonus
Napaisip siya sa sinabi ni Andra…
“Ginayuma ka ba ni Mayumi? Bakit biglang naging malambot ka sa kanya? Bakit siya na ang kinakampihan mo?” patuloy nito sa pagsasalita pero sandali ding tumigil at may pag-aalalang nagtanong… “Or… huwag mong sabihing nahulog ka na kay Mayumi?”
Sandali siyang natigilan… “T-that’s impossible…”
“Kung gano’n, bakit ayaw mo siyang i-divorce, at bakit pinagtatanggol mo pa siya?”
Napaisip siya, walang mabasa sa kanyang emosyon, maging siya ay nalito rin.
Oo. Hindi niya gusto si Mayumi Santillan, pero bakit nga ba hindi kailanman pumasok nang seryoso sa isip niya ang pag-divorce dito?
Nang makita ni Andra na hindi pa rin siya nagsasalita ay hindi na ito nag-usisa pa. “Kung ayaw mo siyang i -divorce, pwede mo pa rin namang mahalin si Ysabel. Come to think of it, kapag hiniwalayan mo si Mayumi, sa loob ng limang taon na pagsasama n’yo baka malaking ari-arian na ang makukuha niya sa pamilya natin.”
Biglang pumasok sa isip niya ang divorce agreement na pinapapirmahan ni Mayumi kamakailan… Doon, halos wala naman itong hiningi.
Bago pa siya tuluyang makapag-isip, biglang napasigaw si Daisy.
“Ahh!” Tumingin ito sa orasan sa dingding, saka nagmamadaling kinuha ang jacket at susi ng sasakyan.
“Kailangan ko nang umalis, kuya, darating ngayon si Blaze, kailangan kong pumunta sa airport para makita siya, baka hindi ko siya maabutan!” excited nitong sabi.
“Sige, mag-ingat ka,” sabi niya sa kapatid habang kinukuha ang susi ng kotse nito sa bag. Natigilan siya dahil pamilyar iyon.
“Hindi ba’t ‘yan ang kotse na ibinigay ko kay Mayumi? Bakit nasa ‘yo?” nagtatakang tanong niya.
Ni hindi tumingin pabalik si Andra. “Maganda ang kotse at halos hindi naman niya ginagamit. Nakatambak lang sa parking n’yo, kaya hiniram ko. Seriously kuya, I need to go…” At sa isang iglap, wala na si Andra.
Wala na siyang oras para kausapin si Andra dahil mabilis itong umalis. Muli siyang napatingin sa bintana. Saktong papalayo na din ang kotse na gamit ni Mayumi. Kung nakapagmaneho ito ay baka nga hindi naman talaga ganoon kaseryoso ang nangyari sa paa nito.
Pero bakit parang pamilyar ang kotse na gamit nito?… parang nakita na niya ito somewhere.
Iniisip pa lang niya nang kumatok ang doktor sa pinto at sinabing nalinis at nabandage na ang sugat ni Ysabel, at wala naman itong matinding pinsala.
Pagkarinig noon, tuluyan nang inisantabi ang mga naiisip. Pagtingin sa oras, naghanda na siya para ihatid pauwi si Ysabel.
*********
CHAPTER 43
+25 Bonus
Hindi nagkaroon ng oras si Mayumi para asikasuhin ang kanyang sugat. Pagdating niya sa airport, halos eksakto sa napagkasunduang oras, manhid na ang paa niya sa sakit. Bawat hakbang ay parang barena na tumutusok sa buto niya.
Inikot niya ang tingin sa loob ng airport. Aminado siyang hindi siya magaling sa direksyon simula’t sapul. Nang ikinasal siya kay Xavier ay hindi na siya masyadong lumalabas ng bahay dahil sa dami ng gawain sa mansion. Dalawa o tatlong beses na din na-renovate ang airport sa nakaraang limang taon at hindi na ito kamukha ng dati. Namroblema tuloy siya kung saan pupunta at kung saan aabangan si Kiel.
Sandali siyang sumandal sa pader para maipahinga ang paa at handa na sanang magtanong sa pinakamalapit na tao nang tumunog ang kanyang cellphone… si Kiel ang tumatawag.
“Sa labas na ako,” malamig pero kaaya-aya ang boses nito nang marinig niya, may kasabay na ingay ng maraming tao sa paligid. “Nasaan ka?”
Naalala niya ang dinaanan niyang masikip na hallway kanina. “Malapit na ako.”
Ayaw niyang pinaghihintay ang tao. At nang magkaroon siya ng ideya kung nasaan si Kiel, kinabahan siya at bumilis ang paglakad. Biglang sumakit ang paa niya sa pagmamadali… “Aghh!”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME