Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 40

CHAPTER 40

CHAPTER 40

MAYUMI’S POV:

+25 Bonus

Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Ayaw niyang gumawa ng ingay na mapansin ng lahat. Mas maiging tahimik siyang umalis. Total, wala namang pakialam ang mga tao doon kung nandoon man siya o wala.

Papasok na sana siya sa sasakyan nang makarinig ng mga yabag mula sa likuran.

“Are you leaving already?”

Napalingon siya… si Ysabel ang nasa likod niya. Nakahalukipkip at puno ng yabang ang mukha nito. Paano, hindi na ito kailangan magpanggap na mabait dahil silang dalawa lang ang naroon.

Halata sa mga mata ni Ysabel ang galit at poot. Inakala niyang madadala rin siya ng parehong emosyon… ngunit sa gulat niya, wala siyang naramdamang galit. Ang totoo, parang nabawasan pa ang bigat sa dibdib

niya.

Sa totoo lang, ang alitan nila ni Ysabel ay dahil lamang kay Xavier. Ngayon na malapit na silang magdiborsyo ni Xavier, wala nang dahilan para sa anumang poot sa pagitan nila.

“Oo. Kailangan ko nang umalis,” kalmado niyang sagot.

Ngumiti si Ysabel. “Hindi naman dahil nandito ako, ‘di ba?”

Nabigla siya sa diretsahan nitong tanong at sandaling natigilan bago umiling. “No, I—”

“Okay lang kung ako ang dahilan…” putol nito sa dapat niyang sasabihin. “Matagal akong nasa abroad, at ang dami kong narinig tungkol sa inyo ni Xavier. Hindi ka niya gusto, at hindi niya kailanman magugustuhan, Mayumi. Nakita mo naman siguro kung paano nya ako pinapahalagahan? Maraming beses ding ipinakita ni Xavier ang pagkadismaya niya sa’yo, sa harap ko pa mismo. Kaya ngayon na bumalik ako at kami na ulit, siguro naman alam mo kung saan ka lulugar? Wala akong sinisira, kinukuha, o inaagaw sa.yo. The way I see it, he is mine first and was never yours!” Lumapit pa ito at ngumiti nang puno ng kumpiyansa.

Lihim na napangiti si Ysabel nang makitang natahimik si Mayumi sa sinabi niya. Sa totoo lang, bihirang banggitin ni Xavier si Mayumi sa tuwing magkasama sila. Sa mga pagkakataong nagtatangka siyang mag- usisa tungkol sa kasal ng mga ito, iwinawaksi lang iyon ni Xavier nang walang pakialam, parang walang halaga ang usapan.

Sa totoo lang ay hindi niya talaga alam kung ano ang halaga ni Mayumi kay Xavier, pero madalas silang magkuwentuhan ni Andra, na puro reklamo tungkol kay Mayumi. Kinamumuhian nito ang sister-in-law. At dahil kapatid ni Xavier si Andra, sigurado siyang iyon din ang damdamin ni Xavier para kay Mayumi.

Nananatiling tahimik si Mayumi at hindi sumasagot sa kanya kaya lalong lumakas ang kanyang loob.” Kung ako sa’yo, Mayumi, mabuti pang iwan mo na lang si Xavier habang maaga pa. Para hindi na lumala ang lahat at hindi ka maging katatawanan ng lahat.”

“Pero siyempre… payo ko lang naman ‘yan. Kung gusto mong manatili sa inyong kasal ay okay lang din naman, sanay ka na rin namang pinagtatawanan at kahiya-hiya, hindi ba?” Tinakpan niya ang kanyang

CHAPTER 40

bibig at pinigilang tumawa nang malakas bilang pang-iinsulto kay Mayumi

****

+25 Bonus

Napatingin si Mayumi sa aliw na aliw na si Ysabel. Sa totoo lang, hindi siya nainsulto, ang kinakagulat niya ay bakit hindi pa nito alam na divorce na sila ni Xavier? Hindi ba sinabi ni Xavier kay Ysabel?

Akala niya noong gabing pinirmahan nila ang kasunduan ay agad na pumunta si Xavier kay Ysabel para sabihin ang magandang balita.

O baka naman hinihintay lang ni Xavier na tuluyang matapos ang proseso bago sabihin kay Ysabel bilang ” surpresa?”

Doon niya naalala na next month ay birthday pala ni Ysabel. Napangiti siya nang pait. Kung bakit niya alam ang birthday nito ay dahil lahat ng passwords at codes sa mansion ay kombinasyon ng numero ng birthday ni Ysabel. Kaya imposibleng hindi iyon tumatak sa isip niya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Xavier para palitan iyon pero hindi na siya nagtanong pa.

“Sorry, but I really have to go,” paalam niya kay Ysabel.

*****

Biglang natigilan si Ysabel kung bakit parang walang epekto kay Mayumi ang pangungutya niya. Nananatili lang itong walang emosyon. Wala ba itong sasabihing masasakit na salita sa kanya? After all, inagaw niya ang asawa nito!

Papasok na sana si Mayumi sa kotse nito pero nakita niya sa gilid ng kanyang mata na papalapit si Xavier sa kanila. Biglang may naisip siyang kalokohan.

Agad niyang hinawakan ang kamay ni Mayumi, dinikit sa kanyang dibdib at kunyaring itinulak siya nito paatras.

“Ouch, Mayumi… gusto ko lang naman kitang makausap, bakit mo ako tinulak?…” kunyari niyang sabi.

BIG SALE: 3500 bonus free fou you

Comments

Share

Support

get it

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME