Login via

As Long As My Heart Beats novel Chapter 10

“LUMIPAT si Ninong Martin ng bahay nang magising siya mula sa comatose. This place is actually half an hour away from your original house.” Hindi na napansin ni Katerina ang mga sinabing iyon ni Andrei habang nagmamaneho. She was too caught up by the wild thumping of her heart.

Ikaw ang aking tanging yaman na ‘di lubusang masumpungan… Pakiramdam niya ay muli siyang bumabalik sa pagkabata habang papalapit nang papalapit patungo sa mga taong akala niya ay hindi niya na mahahanap pa. Habang pinagmamasdan ang mga mayayabong na punong nadaraanan na para bang kumakaway sa kanya ay paulit-ulit na tumutugtog sa kanyang isip ang kanyang paboritong kanta na itinuro pa sa kanya ng mga madre sa orphanage na kanyang kinalakhan.

Nang sa wakas ay maabot na ng kanyang mga mata ang bahay na animo kastilyong nakatayo sa gitna ng mga nagtataasang puno ay muling dinagsa ng kaba ang kanyang dibdib. Ika’y hanap sa tuwina nitong pusong ikaw lamang ang saya…

Nang tuluyang huminto ang kotse ni Andrei ay napahugot siya nang ilang malalalim na hininga bago niya tinanggap ang kamay ng binata na nakalahad sa kanya. Slowly, she stepped out of the car.

Bigla namang bumukas ang malaking pinto ng bahay. Mula roon ay lumabas ang isang matandang lalaki. Nangilid kaagad ang kanyang mga luha. Ang mga mata nito, ang buhok, at ang ilong ay katulad ng sa kanya. In an instant, she could tell who he was. Nakabukas ang mga braso nito habang naglalakad papalapit sa kanya.

Sa ganda ng umaga, nangungulila sa ’yo sinta…

Nananakbong tinawid niya ang distansiya sa pagitan nila. Habang yakap niya ang ama, pakiramdam niya ay siya ang alibughang anak sa kwento ng mga madre… na pagkalipas nang maraming mga taon ay muling nagbabalik sa piling ng ama. When she felt his embrace, the warmest she had ever felt, she knew that the vagabond in her would finally cease wandering around. May matutuluyan na siya.

At mali si Brett. Dahil hinanap siya ng kanyang ama, hindi siya nito sinukuan kahit sumuko na siya. Ang pangyayari nang mga sandaling iyon ang patunay.

“Daddy…”

Narinig niya ang pagtangis nito. “I miss you so much, princess. P-patawarin mo sana ako, anak. Dahil walang alam si Daddy sa fashion. Had I known about that industry years ago, sana nahanap na kita. Sana hindi lang ako sa Pilipinas naghanap. Sana-“

Humigpit ang pagkakayakap ni Katerina sa ama. Napakatagal tagal niyang nangulila para isipin pa ang panahon. “It doesn’t matter, Dad. You found me.”

NAG-UNAHAN sa pagtulo ang mga luha ni Katerina nang puntahan nila ng kanyang ama ang sementeryo kung saan naroroon ang kanyang pamilya. Althea, iyon pala ang pangalan ng kanyang ina. At mayroon pala siyang dalawang kapatid na lalaki na Lorenzo at Kyle ang mga pangalan.

“Ano’ng… ano’ng nangyari sa kanila?” basag ang boses na tanong niya. “Bakit sila… nandyan?”

Kaya pala panay ang hintay ni Katerina na may lumabas pa mula sa pinto pero wala na pala talagang lalabas... dahil nasa ibang lugar na pala ang kanyang ina at mga kapatid, lugar na sa ngayon ay hindi niya pa mararating.

“I’m so sorry, anak. But it was all because of me.” Namamaos ang boses na sagot ng kanyang ama. “Hindi ko sila naprotektahan.” Inilahad nito sa kanya ang mga pangyayari noong mismong araw na nag-celebrate siya ng kanyang ikalawang kaarawan, kasabay niyon ay ang unti-unting pagbigat ng kanyang nararamdaman. “I failed your mother. I failed your brothers and I… I failed you, too. Patawarin mo ako, anak. Hindi ko gustong magkalayo tayo.”

Napatayo si Katerina at napahawak sa kanyang sentido. Parang dam na tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga alaala na kanyang mga pinagdaanan. Muntik na siyang magahasa ng kanyang amain. Siguro, kung hindi niya nakilala si Brett ay tumalon na siya sa tulay noong gabing iyon.

She had spent almost twenty-five years of her life wandering like a lost soul. Fate gave her no choice but to go through all that. She had lost three people she was never given the chance to know… all because of her father’s rival in politics.

Mahigpit na hinawakan ng kanyang ama ang palad niya. Nanghihingi ng pang-unawa ang mga mata nito. Dahil nakaupo sa damuhan ay lumuhod si Katerina para magpantay ang kanilang mga mukha. Agony was visible in his handsome but weary face. Hinaplos niya ang mga hapis na pisngi nito. “Ngayon pa lang kita nakita at nakasama pero ang puso ko, mahal na mahal ka na… kasi nakilala ka na niya kaagad. Pero kasabay nang pagsibol ng pagmamahal na ‘yon ay ang sakit, minsanang sakit na lahat, dulot ng mga nalaman ko.”

Tumulo ang kanyang mga luha. “Everything is too big for me to digest. Nang sabihin kasi ni Andrei na may naghahanap sa akin, hindi ko alam na ikaw lang. But don’t get me wrong, Daddy.” Mabilis na sinabi niya kasabay nang masuyong pagngiti. “I love you. And I’m glad I saw you. It’s just that…” Malalim siyang napahinga. “I thought I would get to meet a family, a real one, my own.”

Tinitigan ni Katerina nang deretso sa mga mata ang ama. “Okay lang po ba kung aalis na muna ako? I just need to breathe, Daddy. I need to digest everything I’ve heard. Gusto kong maramdaman ang tuwa na nagkita na tayong dalawa at the same time, gusto kong magluksa nang mag-isa. I… I wanted to mourn and take everything in and then, let go once and for all.” Nakikiusap na tinitigan niya ito. “Will you let me do that, Daddy? Babalik rin ako sa ‘yo, pangako.”

Lumuluhang tumango ang ama. “Daddy has waited for you for so many years, baby. What’s a few more days?” Halos pabulong na sagot nito. “Sige, umalis ka. Nandito lang ako, hihintayin kita.”

Ipinahatid siya ng kanyang ama kay Andrei. And her heart was yelling for a single name. There was only one man in the world she wanted to be with, her Brett. Gusto niyang tumakas pansamantala sa sakit na dulot ng katotohanan. At sa yakap nito, alam niya, sigurado siya, na makakatakas siya.

“THEY SAY misery loves company. Gusto ko sanang patunayan kung totoo nga ang kasabihang ‘yon. ‘Care to drink with me, handsome?” Mula sa pagkakayukyok sa wine glass ay iniangat ni Brett ang mukha, paharap sa babaeng nagmamay-ari ng boses na iyon na naramdaman niyang naupo sa tabi niya sa counter.

Ilang oras na siya roon. Dahil hindi niya mapilit ang sariling pagtuunan ng pansin ang trabaho ng bagong manager na itinalaga niya sa branch ng Buddies’ sa Rizal ay hindi rin siya nagtagal roon. He just kept messing around all day. Natawa siya nang mapait.

Pero sa pagbaling ni Brett ng mga mata sa babae ay ang mukha ni Katerina ang nakita niya. Mariing naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha bago niya ibiniling-biling ang ulo. Sa muling pagdilat niya ay ibang mukha na ang bumungad sa kanya. Naaalala niya na ang babae, ito ang agad na ngumiti sa kanya pagpasok niya pa lang sa bar na iyon.

“So, care to drink with me?” Mapang-akit na tanong nito, kasabay niyon ay pinaglandas nito ang mga daliri sa kanyang kamay paakyat sa kanyang braso. “Kahit kailan, hindi naging masarap ang maglasing nang nag-iisa.”

Nagkibit-balikat si Brett pagkatapos ay itinaas ang kanyang wine glass. “Sure.”

Chapter 10 1

Chapter 10 2

Comments

The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats