“KATE, NO U-TURNS please. Hindi na tayo babalik na naman sa nakaraan. ‘Tapos na ‘yon. Let’s move forward.”
Napakagat-labi si Katerina pagkarinig sa isinagot na iyon sa kanya ni Brett sa telepono. Kaagad na pinutol nito ang mga sasabihin pa sana niya nang ikuwento niya ritong may balita na siya tungkol sa pinagmulan niya.
“Pero Brett-“
“Magkita na lang tayo mamaya, okay? I love you.”
Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makapagsalita nang mawala na ang binata sa kabilang linya. She sighed. Ang dami niya pa namang gustong ibahagi sa kanyang boyfriend, ang kanyang kaba sa nalalapit na pagkikita nila ng kanyang pamilya, ang saya na malamang may naghanap rin pala sa kanya, ang excitement na makilala ang pinagmulan niya, at ang pagmamalaki sa puso niya sa nalamang Eirene Morrison pala ang totoo niyang pangalan.
Pero mukhang hindi interesado si Brett. Palibhasa ay para bang naka-program na sa isip nito na pareho lang sila ng sitwasyon, na hindi na sila babalikan pa kahit kailan ng mga taong nang-iwan sa kanila.
They were getting married in three months’ time. She was hoping that they could clear things out within that time.
“My case is proving to be different than yours, Brett.” She breathed heavily. “At patutunayan ko ‘yan sa ’yo. I just hope that when that time comes, you can at least show that you are happy for me.”
Hindi niya na tinawagan uli si Brett. May pagkakataon pa naman para makapag-usap sila pagbalik nito sa restaurant tutal ay bukas pa naman ang nakatakda niyang pagsama kay Andrei pabalik sa tunay niyang tahanan. Sa loob nang ilang sandali ay muling namasa ang kanyang mga mata. It felt so comforting to know that she wasn’t an orphan, after all.
Pabalik na sana siya sa mini stage para muling tumugtog nang mag-ring ang cell phone niya. Si Andrei ang nasa kabilang linya. Nagpalitan na sila nito ng phone numbers matapos nilang mag-usap kanina.
“Are you ready for tomorrow?”
Ngumiti siya. “More than ready.”
“HEY, I MISS you today.”
Kaagad na nabura ang maghapon na pagod ni Brett nang marinig ang malambing na sinabing iyon ni Katerina. Kasalukuyan itong tumutugtog nang dumating siya sa Buddies’ kaya hindi niya na inabala pa. Dumeretso na siya sa kanyang opisina at doon pansamantalang nagpahinga.
Sinibak niya sa trabaho ang manager ng branch ng Buddies’ sa Antipolo nang mapatunayan niyang ginagamit nito ang pagiging manager para gipitin at ipitin ang mga suweldo ng mga empleyado roon. Halos buong araw siyang nanatili roon para ayusin ang mga records sa binakante nitong posisyon kaya pagabi na nang makabalik siya sa opisina.
Halos isang linggo pa siyang magpapabalik-balik roon para obserbahan ang pamamalakad ni Cedric, ang assistant manager roon na ngayong araw lang ay ginawa niyang manager.
“I miss you, too, babe.” Namamaos niyang sinabi bago tumayo at sinalubong ang dalaga. Nang yakapin niya si Katerina at magiliw nitong gantihan ang yakap niya ay payapa niyang naipikit ang kanyang mga mata. He has been alone so long that he wasn’t used having someone with him. That’s why he was grateful that she was patient with him. “I love you.”
“I love you, too.” Sagot ni Katerina saka bahagyang humiwalay sa kanya. Hinaplos nito ang mga pisngi niya. “Naaalala mo pa ba ‘yong ikinuwento ko sa ’yo kanina? About my parents-“
Kumunot ang noo niya. “I thought we’re moving on together? Bakit mo pa binabanggit ‘yan? They are not coming back, Kate. Katulad ni Mama. Just accept that, okay? And move on.”
Tuluyan na siyang bumitaw sa kanyang girlfriend. He refused to be affected by the sadness in her eyes. He had been through all that before. Umasa rin siya noon pero nabigo at nasaktan lang siya. Ayaw niyang matulad rin si Katerina sa kanya, ayaw niyang masaktan rin ito gaya niya. He couldn’t take the pain back then that’s why he resorted to changing his self. And he will be damned if he would let the same thing happen to the woman he loved.
“Pero Brett, makinig ka muna kasi-“
“Sshh.” Siniil niya na ng halik sa mga labi si Katerina para matahimik na ito, silently hoping that it would make her forget all those things, the way it made him forget.
“SHALL WE GO?”
Kabadong ngumiti si Katerina pagkatapos ay iniabot kay Andrei ang dala niyang travelling bag. Sa kabila ng nerbiyos ay nagawa niya pang maaliw nang alalayan pa siya nito papasok sa nakabukas ng pinto ng kotse. Bihira na sa mga pulis ngayon ang kasing gentleman nito. “Thank you.”
Nagkibit-balikat ang lalaki. “Anything for the lovely supermodel.”
Natawa siya na agad ring nahinto nang mapasulyap sa hawak na cell phone. Noong nagdaang gabi pagkatapos niyang mag-empake ng mga gamit ay sinubukan niya pa ring tawagan si Brett para ipaalam rito ang nakatakda niyang pagpunta sa Infanta, Quezon para makilala ang kanyang pamilya. Pero sa pangatlong pagkakataon ay hindi siya nito pinagbigyan.
“Kate, babe, if this is about your parents again, stop it, alright? Matulog ka na. May pasok pa tayo bukas.”
Comments
The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats