Login via

As Long As My Heart Beats novel Chapter 12

“AT LONG LAST, the king has arrived.” Kaagad na naningkit ang mga mata ni Brett nang madatnan niyang prenteng nakaupo sa sofa sa loob ng kanyang opisina si Andrei. Kagagaling niya lang sa meeting kasama ng mga tinipon niyang manager ng lahat ng branch ng Buddies’.

He was physically and emotionally drained. And to see Andrei’s grin was the last awful thing on his mind right at that moment.

“Pinapasok na ako ni Chef Luis. He told me that you’d be glad to see me. And seeing the rage in your eyes right now, I could say that he was right.”

Naupo na siya sa kanyang swivel chair. “Bukod sa manira ng araw ng ibang tao, ano pa ba’ng talento mo?”

Alam niyang dapat ay magpasalamat siya kay Andrei dahil tinulungan nito ang ama ni Katerina na mahanap ang girlfriend niya pero hindi niya pa rin mapigilan ang sariling maging sarcastic. Lalo na ngayong nakikita niya ang paghahamon sa mga mata ng lalaki at ang pagngisi nito. Bukod doon, alam niyang may pagtingin rin ito kay Katerina. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito noong mismong araw na sinundo nito ang dalaga sa apartment papuntang Infanta.

Unless Katerina comes back and claim that she still loves Brett, this man in front of him will remain his rival.

“Stop grinning and get straight to the damn point, Benett.”

“Hindi ako eksperto sa pagmamahal, Santillan. But I know enough to say that one shouldn’t give up on love… unless of course, he already feels like he’s on the losing team.” Pumalatak ito. “Are you on the losing team, Santillan?”

Nagtagis ang mga bagang niya. “Save your preach, Benett. I don’t need a lesson for losers 101.”

“Sabagay, sa dami nang pinagdaanan mo, sigurado namang natuto ka na kahit paano.” Nagkibit-balikat ito pagkatapos ay nakipagtagisan ng tingin sa kanya. “I like Katerina. And I want to fight for my feelings. In fact, nakahanda na ang passport ko. My flight to California was set tomorrow night at eight.” Natigilan siya. “Kaya mamili ka. Either you will follow her or I will, Santillan. And when I do, I swear, I will try my damnest to make her fall for me. After all, kami naman talaga ang para sa isa’t isa.”

Mataman siyang napatitig sa lalaki. For the first time, he was able to see the wounds that Andrei has been trying to conceal for quite some time, kaya bahagyang nabawasan ang bigat na nararamdaman niya para rito. At the end of the day, pareho lang silang nagmamahal kay Katerina. Pareho lang sila nitong umaasa kahit na walang kasiguruhan.

Napasulyap si Brett sa kanyang wristwatch. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay naghihintay na sa kanya sa kotse si Luis sa labas. Ito ang nag-volunteer na ihatid siya pagkatapos ng meeting niya. “Ahead pala ako ng isang araw sa ’yo kung gano’n.”

Tumayo na siya at hinila ang maleta niya na nakalagay sa ilalim ng mahogany table na iniregalo ng mga staff niya sa kanya noong nakaraang araw. “I guess, I’ll just see you there, Detective.”

Sandaling gulat na nakatitig lang sa kanya ang lalaki bago mayamaya ay mapait na napangiti. “Katerina’s probably the sweetest little thing I’ve ever met. Be a man worthy for her love, Santillan.” Sinabi nito bago tumayo na rin at inilahad ang palad sa kanya na tinanggap niya. “Best of luck, man.”

Pormal na ngumiti si Brett bago lumabas na ng kanyang opisina. Habang nasa biyahe sila ng kaibigan na maghahatid sa kanya sa airport ay napahugot siya nang isang malalim na hininga. Wala pa ring kasiguruhan ang pagsunod niya sa babaeng pinakamamahal. Pero sa loob ng limang araw mula nang umalis si Katerina, may isang bagay siyang na-realize.

Ang pagmamahal pala ay parang paglalaro lang ng basketball. A man couldn’t quit just because he was tired. Before he could rest, he needed to wait until the game was over with a burning hope in his heart that at the end of the game, he would be able to get the winning shot.

I’m sorry, Kate. Hindi ko tinupad ang sinabi ko sa ’yo. I know I should wait but heck, I can’t.

Three months later…

San Francisco, California

MATAMIS na ngumiti si Katerina habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Nasa dalampasigan siya nang mga sandaling iyon na fifteen minutes ang layo kung gagamitin niya ang kanyang bisikleta mula sa tinutuluyan niyang bahay ng kanyang lola sa side ng kanyang ama.

Hindi na nakasama sa kanya ang ama sa pagpasyal dahil abala ito sa pagtulong sa paghahanda para sa farewell party nila dahil bukas ay nakatakda na silang bumalik ng kanyang ama sa Pilipinas.

Hinayaan ni Katerina ang mga paang mabasa ng para bang naglalambing na alon. Ibinukas niya ang mga braso at sinalubong ang mabining hangin. Habang isinasayaw-sayaw niyon ang buhok niya ay hinayaan niya ang sariling malunod sa ganda nang pagsikat ng araw. Hope filled her chest once more.

She was right. Tanging ang panahon lang ang makakapaghilom sa pusong sugatan. Sa nakalipas na tatlong buwan ay nagawa niyang hanapin ang sarili. Her relatives were enthusiastic. Halos hindi magkamayaw ang mga ito sa kagustuhang makilala siya at ilapit ang loob sa kanya. And her father was a wonderful man. Binusog siya nito ng pagmamahal at ng kwento ng pagmamahalan nito at ng kanyang ina. He told her stories about how her brothers made his head ached when they were still alive. Napangiti siya sa naisip bago pumikit.

“Bukas mo na ba talaga gustong bumalik? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Naalala niyang tanong ng kanyang ama bago siya nagtungo sa dalampasigan noong araw na iyon. “Kung hindi ka pa handa, pwede naman tayong mag-stay pa rito, anak.”

“Sigurado na po ako. I’m coming back to my hope, Dad. Ayoko nang patagalin pa ang paghihintay niya. Ayoko na rin pong mahiwalay pa sa puso ko, Daddy. Mahirap pala.”

Natawa ito. “Fine. Stop with those mushy lines already. You’re just making me miss your mother all the more.”

Chapter 12 1

Comments

The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats