Login via

As Long As My Heart Beats novel Chapter 11

KAHIT nanginginig pa ang mga tuhod ni Katerina dala nang labis na sama ng loob ay sinikap niyang talikuran na si Brett. Mabibigat ang mga paang naglakad siya palabas ng bar. Tahimik lang si Andrei na nakasunod sa kanya.

Pasakay na sana sila sa kotse nito nang may kamay na biglang humawak at pumigil sa braso niya. Hindi niya na ikinagulat nang sa pagharap niya ay makitang si Brett iyon.

“’Pasok na muna ako sa kotse, Kate. Senyasan mo na lang ako in case you need my help.” Ani Andrei bago sumakay sa kotse nito. And somehow, she was glad. Andrei seemed to understand the situation. Ni hindi niya na kailangang magsalita. Hindi tulad ng lalaking kasalukuyang madilim ang anyong nakatitig sa kanya.

“Shall I give you now the best girlfriend’s award, Katerina? You know, for acting as if you really care for me just a while ago?” Nang-uusig ang mga matang tanong ni Brett. “Na para namang hindi ko alam na kapag wala ako, sumasama ka sa iba? Pero ang galing nang ginawa mo sa bar, Kate. You almost got me there.” Nagtatagis ang mga bagang na pinalakpakan pa siya nito. “Katerina Alvarez, you surely are a very talented woman. I’m amazed.”

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha ng binata. Gusto niya itong intindihin uli dahil alam niya ang mga pinagdaanan nito. Alam niyang nang mga sandaling iyon ay nasasaktan rin ito. Pero hanggang kailan niya ba iyon gagawin? Hanggang kailan niya ba ito uunawain? Does she really need to be the one to always adjust? Paano kapag siya naman ang napapagod? Paano kapag siya naman ang nangangailangan ng iintindi sa mga pinagdaraanan niya? Who could she lean on at times like that when she always had to be the one to understand more in their relationship?

“Tinutulungan lang ako ni Andrei, Brett.” Sinisikap pa ring magpakahinahon na sinabi ni Katerina.

“Wow, great.” Nang-uuyam itong natawa. “And now he’s your new Superman?”

That was the final blow. Hindi na nakapagpigil na muling umigkas ang palad niya sa pisngi ni Brett. “Alam mo ba kung bakit ako napilitan na magsinungaling sa ‘yo? Kasi hindi ka naman nakikinig sa ‘kin! I finally found my family, Brett. Ipinahanap ako ni Daddy kay Andrei. I’ve met him today. And I’ve found out about me and my family today.” Namalisbis ang kanyang mga luha. “Ang dami kong gustong i-share sa ’yo pero hindi mo ako hinayaan. Alam mo bang si Daddy na lang pala ang meron ako ngayon? I’ve lost my mother and my two siblings a long time ago.” She laughed bitterly. “Akalain mo ‘yon, Brett. May pamilya pala ako. May naghanap rin pala sa ‘kin these past several years. But the truth was too painful for me to bear. That’s why I needed to leave my father for a while.”

Muling naramdaman ni Katerina ang paghihinanakit nang makita niya ang unti-unting paglambot ng expression ni Brett. “Dapat kasama ko pa rin si Daddy ngayon, eh. Pero umalis ako. Binalikan kita, Brett. Dahil ginusto kong makasama ka muna. Dahil alam kong kapag katabi na kita, mapapanatag na ang loob ko. Na kahit paano, makakatakas ako pansamantala mula sa sakit na nararamdaman ko.” Pumiyok ang boses niya. “But there you are, kissing another girl while accusing I’m dating another man.”

PILITIN man ni Katerina na magpakatatag ay hindi niya pa rin naiwasan ang paghagulgol. Umalis siya ng Manila na puno ng pag-asa ang puso niya. Pero bumalik siya roon dala ang sakit na dulot ng mga natuklasan niya. Kaya niya pa rin sanang tanggapin iyon kung hindi lang sa taong nadatnan niya na nakikipaghalikan sa ibang babae. At hindi basta kung sino lang ang taong iyon. It was Brett of all people, ang kauna-unahang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya nang husto.

Bakit kailangang sabayan pa ni Brett ang hapding nararamdaman niya? Sa unang bagsak ng unos sa pagitan nila ay agad itong bumitaw sa kanya nang dahil lang sa selos at insecurities nito, mga bagay na hindi ba nito alam ay taglay rin niya?

Nang akmang lalapitan siya ni Brett, mabilis na umatras siya. Rumehistro ang kirot sa mga mata nito. “Bakit… bakit hindi mo na lang inamin sa akin? Bakit hindi mo pinilit sabihin sa akin-“

“Sinubukan ko, remember? Maraming beses, Brett.” Putol niya sa mga sasabihin pa sana nito. “But every time I do, you shut me out. You would say things about your mother, you would compare my case to yours and suddenly, it will just be about you again.” Nanghihina ang mga tuhod na naupo na siya sa sementadong daanan. “Palagi na lang ikaw. Kailan ba magiging tungkol naman sa akin, Brett?”

Tuluyan nang lumapit si Brett sa kanya. Lumuhod ito at iniharap ang mukha niya rito. Maingat na hinaplos nito ang mga pisngi niya. Pero kakatwang hindi niya maramdaman ang init sa ginawa nito, hindi tulad nang dati. Regret was all over his face.

“I know that what happened to your family is still hurting you, Brett. And ever since we met again, I’ve been trying so hard to ease your pain.” Sinabi ni Katerina kasabay nang pagpahid sa kanyang mga luha. “Naiintindihan ko din ang mga pinanggagalingan mo. I’m sorry that I lied. I’m sorry if you felt like I didn’t listen to you when you told me that we should move on together. Kasi iba ang sitwasyon ko sa ‘yo. You know who your parents are. Alam mo lahat nang nangyari sa nakaraan n’yo. Pero wala ako ng mga bagay na ‘yon. You no longer have questions about the past so it was so easy for you to suggest that we move on together.

“But I’m not like you, Brett. Gusto kong malaman kung bakit ako iniwan ng pamilya ko noon, kung ano’ng mali sa akin para gawin nila ‘yon. But believe me, I was thinking about you the whole time I was away because part of the reason why I wanted to know who I really am was because of you, too. Kasi alam kong kapag buo na ako, mas matutulungan kita. Mas masasamahan kita. Mas mauunawaan kita at mas mapagtutuunan ko na ng atensiyon ang relasyon natin kasi hindi ko na kailangang isipin ang tungkol sa nakaraan ko. I always think about you, Brett. But it seems like you… never thought of me the same way.”

“That’s not true. I’m so sorry, babe.” Idinikit ni Brett ang noo sa noo niya. “I just don’t want to get your hopes up. Ayoko lang na umasa at masaktan ka. Ayokong maranasan mo ang mga naranasan ko.”

“But don’t you realize that I’m hurting already?” Halos pabulong na lang na sagot ni Katerina. “Sa pagpipilit mong huwag akong masaktan, lalo lang akong nasaktan.” Bahagya siyang lumayo sa binata pagkatapos ay hinaplos ang mga pisngi nito. Muling tumulo ang masaganang mga luha niya. “Stop hurting every woman on the planet… just because your mother left and your father’s dead.”

Humiwalay na siya kay Brett kasabay nang pagtayo niya. Sumunod naman agad ito. Hinawakan niya na ang pinto ng kotse.

“Kate…” Damang-dama niya ang pagsusumamo sa tinig ng binata. “I’m so sorry, babe.”

Malungkot siyang napangiti. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang nauunawaan niya si Brett, pati na ang takot nito at mga rason nito. Gusto niya itong lapitan at tulad nang dati ay yakapin at aluin. But maybe there were some things that they needed to handle on their own. Isa pa, ramdam niya ang tuluyan nang pagkasagad ng lakas niya. She no longer had the extra energy to tend to his wounds, not when her own wounds were weakening her at the moment.

“’Wag kang umalis agad, please? Ayusin natin ‘to.”

“Pagod… na pagod ako na ako ngayon, Brett. Sa susunod na lang natin ‘to i-resume, utang-na-loob.” Walang lingon-likod na siyang pumasok sa kotse nang naghihintay na si Andrei. Kaagad naman nitong pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

Nanlalatang sumandal siya sa backrest ng upuan. Pero natigilan siya nang biglang itigil ni Andrei ang kotse.

“For heaven’s sake, let those tears come out, Kate! Binabawi ko na ang sinabi kong bawal ang bad vibes dito sa loob ng kotse ko.”

Ilang sandali siyang napatitig sa nag-aalalang anyo ni Andrei bago siya muling napahagulgol. ”The pain will pass, Kate.” Masuyo nang sinabi nito. “It always does.”

NATIGILAN SI BRETT nang pagpasok niya sa restaurant ay makitang naroroon si Katerina at kasalukuyang tumutugtog. Hindi niya na mabilang kung ilang beses niya itong pinadalhan ng text messages at sinubukang tawagan mula noong nagdaang gabi hanggang sa buong maghapon noong araw na iyon. Pero isa man sa mga iyon ay wala itong sinagot kaya hindi na siya umasang tatapusin pa nito ang huling araw sa pagtugtog.

Ang plano niya sana ay puntahan na lang si Katerina sa apartment nito bago matapos ang araw na iyon. Kaya maaga niyang tinapos ang mga trabaho niya sa Antipolo. Dumaan lang siya sa main branch nila sa Manila para kunin ang ilang mga importanteng dokumento bago siya mag-leave na muna sa trabaho. Inihabilin niya na kay Luis ang mga gagawin habang wala siya.

For once, Brett just wanted to do something for his heart. He wanted to get in touch with it and finally be honest with his self. Mahal niya si Katerina at kailangan niya ito sa buhay niya. And he would pursue her-again, no matter how long it would take. Dahil hindi niya na alam kung paano ang mabuhay kung wala ito sa tabi niya. Sinubukan niya na noong nagdaang araw pero hindi siya nagtagumpay. The other woman’s kiss from the bar was nothing compared to that blissful feeling every time he was kissing Kate.

Chapter 11 1

Comments

The readers' comments on the novel: As Long As My Heart Beats