"THANK you for the words of wisdom, Brylle," sarkastikong sinabi ni Throne pagkalipas ng mahabang sandaling pagkatulala. "The whole world makes sense again." Inagaw niya mula sa pinsan ang dala nitong bote ng alak pagkatapos ay walang lingon-likod na lumabas na ng bahay nito. Nang makalabas na ay natigilan siya.
Saan nga ba siya pupunta? Bigla siyang naduwag na umuwi sa malaking bahay na naghihintay sa kanya sa Forbes Park na siguradong mga katulong lang ang kanyang madaratnan. Napasulyap siya sa pagmamay-aring pulang Ferrari sa garahe. He felt like emptiness was about to swallow him any moment.
"It's a long journey when you're on your own, man," anang boses ni Brylle kasabay ng malakas na pagtapik sa kanyang balikat. Ni hindi niya man lang namalayan na sumunod pala ang pinsan sa kanya. "Bakit ba kasi hirap na hirap kang palayain ang sarili mo at amining nagmamahal ka na nga talaga? Lesson number two, love can be liberating, Throne." Inagaw ni Brylle ang bote ng alak na hawak niya. "Hangarin mo namang maging masaya kahit minsan. Deal with Jethro the jerk once and for all. Suntukin mo siya hanggang gusto mo. Apologize to Cassandra afterwards and just love Christmas Llaneras."
His jaw clenched. "I can't. Nangako ako kay Cassandra na-"
"Damn it, Throne!" Mas malakas na tinapik siya ng pinsan. "Hinayaan kita sa plano mong maghiganti dahil wala akong nakikitang direksiyon sa buhay mo noon! Alam kong sagad na sagad ka na at konti na lang, bibigay ka na. Revenge prevented you from losing your sanity. Because you were this close," Pinaglapit ni Brylle ang dalawang daliri nito na halos gahibla na lang ang layo sa isa't isa. "From going down the drain. Pero iba na ngayon. You now have the chance to belong to someone, man. Grab it. Own it. Love it."
Marahas na napabuga ng hangin si Throne. Inalis niya ang kamay ni Brylle sa kanyang balikat pagkatapos ay dumeretso na sa kotse.
"For heaven's sake, Throne! Take a damn leap!"
Naikuyom niya ang mga kamay sa narinig na pahabol ng pinsan bago tuluyang pinaandar palayo ang sasakyan nang walang tiyak na patutunguhan.
Habang nagmamaneho ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bigla ay pumasok sa isip ni Throne si Christmas, ang matatamis na ngiti ng dalaga at ang buhay na buhay na mga tawa nito habang sumasayaw sa gitna ng ulan.
Itinigil niya ang kotse. Binuksan niya ang bintana sa kanyang gawi at inilabas ang kamay. Pinakiramdaman niya ang bawat patak ng ulan na bumabagsak sa kanyang palad.
"For heaven's sake, Throne! Take a damn leap!"
Comments
The readers' comments on the novel: Caught Between Goodbye And I Love You