"KUNG ako lang ang may-ari nitong bar, ipina-ban ko na ang Throne Madrigal na 'yon. He's a stress-carrier!"
Under normal circumstances, Christmas would have laughed at the intensity in Dana's voice. Pero masyado pa siyang nalulunod sa hapding nararamdaman para ngumiti man lang. Parang sirang plakang paulit-ulit sa kanyang isip ang masasakit na salitang binitiwan ni Throne. Kaya lalong hindi maampat ang kanyang pagluha.
Isa pa, naaawa rin siya sa sinapit ni Seth. Nahuli pa niya ang pagrehistro ng lungkot sa mga mata ng lalaki bago siya hinila ni Throne palabas. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya ikinatuwa ang pagiging possessive ng huli. Dahil hindi niya iyon matatawag na batayan para isiping may katugon din ang nararamdaman niya para kay Throne bukod sa pinagdudahan pa siya ng binata.
Yes, that might prove that he had a thing for her but it wasn't enough to prove that it was love. Dahil kung mahal siya ni Throne ay maiintindihan siya nito.
Napasulyap si Christmas sa hawak na cell phone. Just call, Throne, and explain. Susubukan kitang intindihin... pangako. Pero lumipas ang ilang oras ay ni hindi man lang naisipang magdala ng text message ng binata hanggang sa senyasan na sila ng female staff ng resto bar.
Mapait na ngumiti si Christmas. Ibinulsa niya na ang cell phone, inayos ang sarili at pinahid ang kahuli-hulihang luhang pumatak sa kanyang pisngi pagkatapos ay sabay-sabay na silang lumabas ng kanyang mga kagrupo mula sa backstage.
Pinilit niyang ngumiti nang marinig ang masigabong palakpakan na kaagad na isinalubong sa kanila ng mga customers. Kasabay ng pag-alingawngaw ng tunog ng piano ni Kylie ay ang pagsisimula ng unang requested song sa kanila nang gabing iyon.
Mariing ipinikit ni Christmas ang kanyang mga mata. Hindi niya sineryoso ang kanta nang mag-practice sila kanila pero hindi niya inakalang iyon pa pala ang magiging theme song ng kanyang puso para sa gabing iyon.
"It's not easy letting go. Time just seem to run so slow. Every night just seem to last forever. It's not easy letting go, not when hearts are saying no. Can't we talk it out 'cause it's not easy letting go..."
Kasabay ng pagtulo ng mga luhang hindi niya napigilang pumatak ay ang pagsagi sa kanyang alaala ng napag-usapan nila ni Throne nang nagdaang araw.
"Tell me something about yourself, Chris," out of the blue ay sinabi ni Throne habang pinapanood nila ang paglubog ng araw sa Manila Bay.
Noong una ay tinawanan lang siya ni Throne nang sabihin niyang gusto niyang pumunta roon pero sa huli ay pinagbigyan din siya ng binata.
Napangiti si Christmas. "Ano pa ba'ng maikukwento ko? Parang lahat na yata, nasabi ko na sa 'yo."
"What about your dreams? Or your plans years from now?"
"Teka... ano nga ba?" Sandali siyang napaisip bago pumitik sa ere. "Ah, alam ko na! Simple lang naman ang pangarap ko, eh. I just want to be married to the man I love. To build a family with him and hopefully..." Masuyo niyang tinitigan ang binata na kasalukuyan pa ring tutok na tutok ang atensiyon sa paglubog ng araw. "And hopefully... grow old with him."
Comments
The readers' comments on the novel: Caught Between Goodbye And I Love You