Kabanata 48:
Greatest Hello
__________
Queenly
"Where's my daughter?!"
Napabalikwas ang ilang Prekh at Brejik dahil sa biglaang pagsigaw ng asawa ko. Kagabi pa nawawala si Clarity at ngayon ay hindi siya mahanap. I'm worrying about her.
She's pregnant at hindi ko alam kung nasa mabuting kamay ba ang anak ko.
"Lei, please calm down... we'll do anything just to find Clarity."
Napahimas naman si Lei sa kaniyang noo bago ako tinitigan at tumango, "Yeah yeah." he kissed my forehead bago nilingon ang mga Prekh at Brejik, "All of you, find her now!"
Mabilis na sumunod and mga ito. Nang mawala sila sa paningin ko ay hinarap ko ang asawa ko na tumataas baba ang dibdib. He's really mad.
Really...
"Wala ka bang alam, Sweet?"
Umiling ako sa naging tanong nito sa akin, "Heart, I really don't know what's happening to our daughter. Kahapon mukha naman siyang okay..."
Kinabig ako nito habang hinahalikan ang ulo ko, "Everything's gonna be okay, Sweet."
Yumapos rin ako dito pabalik. I can't lose my daughter. Siya na lang ang natitira kong anak.. kung hindi lang nawala si Kaleb, mas masaya siguro kaming pamilya ngayon.
Marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto namin at iniluwa non si Clarity na mugto ang mga mata, "Clarity!"
"M-mom!"
Agad ko itong niyakap ng makarating ito sa harapan ko. Naramdaman kong namasa ang suot kong kamiseta tanda na umiiyak ang aking anak, "What's wrong, Clarity? Where have you been? Heck, pinag-alala mo kami, anak."
Walang naging sagot si Clarity sa tinugon ko. Masaya akong makitang maayos lang ang lagay ni Clarity pero sa nakikita ko sa mukha niya ay mukhang may dinaramdam siya.
Kumalas sa pagkakayakap sa akin ang anak ko at ang ama naman nito ang isinunod, "Si K-Kier..."
"What about Kier?"
"Hindi siya pumunta..."
Hagulgol pa rin ni Clarity ang tanging maririnig sa aming silid. Anong hindi pumunta ang kaniyang sinasabi?
"What do you mean, Clarity? Matatagalan pa bago bumalik ang Alpha."
Tumango-tango lamang ito. Nang mahimasmasan ito ay bigla naman itong nataranta, "Oh damn! My baby!"
Hinawakan ni Clarity ang kaniyang tiyan at nakahinga ng maluwag. I smiled. She's now a mother. And soon i'll be the grandmother of her unborn child.
"Anak, 'wag mo masyadong guluhin ang iyong isipan. Babalik ang Alpha. Alagaan mo muna ang inyong anak at mabuting intindihin muna ang kapakanan nito."
Sumang-ayon kaming dalawa ni Clarity sa sinabi ng kaniyang ama. Alam kong babalik ang Alpha. May naiwan siya dito kaya kailangan niyang bumalik.
At alam kong mahal niya ang anak ko.
Walang tutol sa relasyon nilang dalawa.
_________
Clarity
Kanina pa ako nakatulala sa kisame ng aking kwarto. Wala akong maisip gawin. Hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sa isipan ko at pumunta ako sa Freiya Garden ng gabi ng araw na iyon.
Hindi ko man lang inisip ang kalagayan ng anak namin.
I'm such a bad mother.
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride