Kabanata 49:
Unexpected
_________
Ethan
Magdamang ko lamang tinitigan ang mukha ni Clarity at hindi natulog. I'm so very happy because finally, nakabalik na ako sa kaniya. Nakuha ko na ulit siya.
Ang mahaba niyang pilik-mata ang mas lalo pang nagpapaganda sa kaniya.
Nagulat pa nga ako kanina ng sinabi niyang buntis siya at magkakaanak na kaming dalawa. I didn't know that I am shooter, huh?
Hinawakan ko ang tungki ng ilong ni Clarity at pinindot-pindot iyon. Hahaha. Naalimpungatan naman siya at taka akong tinignan, "Why are you awake?"
"Just wanted to see you... sleeping."
Namula naman ito sa tinuran ko at nagsumiksik sa dibdib ko. I chuckled. Ang lakas pa rin talaga ng epekto ko sa kaniya, "W-wag ka nga."
Niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ng buhok. I really love this woman. Siya ang babaeng nagpapsaya sa akin at kumo-kompleto ng araw ko. Hindi ko na siguro kakayaning mawala pa siya sa akin... hindi ko na kakayaning iwanan niya pa ulit ako.
Umalis lang naman ako para buuin ang sarili ko. Para sa pagbalik ko ay hindi na ako duwag at ipaglalaban ko na ang pagmamahal ko kay Clarity.
"I love you, Kier."
Ngiti lamang ang naging tugon ko dito.
NAPASAPO ako sa aking mukha dahil kanina pa humahagulgol si Clarity sa akin, ayaw ko kaseng pagbigyan ang kagustuhan niya, "Please Kier, I want Kley and Crius to sit beside me..."
"Ahhhhh! Stop it Clarity! No one will sit beside you kung hindi ako iyon."
"B-but.."
Lumamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
Walong buwan na ang nakalipas ng bumalik ako sa Blisk Dynasty. Ang lahat ay nagkasiya at nagtipon dahil sa aking pagbabalik.
Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis... si Kley at Crius lamang ang pinaglilihian ni Clarity!
"B-baby... please ako nalang? Nandito naman ako e."
Umiling-iling pa ito sa akin at itinuro ang dalawa na nasa likuran ko, "I want them, Kier. Ayaw ko sayo huhu ang baho mo."
Napatanga nalang ako dahil sa tinuran niya.
Ako?
M-mabaho ako? Eh, kaliligo ko nga lang!
"Look Clarity, 'wag naman sila ang paglihian mo."
Umangat ang kanang kilay nito at nagulat pa ako ng sigawan ako nito. Tsk. Mukhang wala ata akong magagawa. Kabanas.
"Gusto kong—"
"Fine!"
Nilisan ko ang kusina at iniwan silang tatlo doon. Narinig ko pa ang pagsipol ng kapatid ko at napapalatak nalang ako ng dahil doon. Hindi man lang ako pinigilan.
Nakakainis masyado.
"B-baby huhuhu..."
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Clarity na umiiyak habang humahabol sa akin. Naalarma naman ako dahil baka madulas siya kaya mabilis ko siyang dinaluhan.
"Baby... I thought you're going to—"
"B-bakit mo ako iniwang mag-isa? Huhu."
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride