Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 51

Kabanata 50:

Wedding

__________

Clarity

3 years later...

"Sho! Come back here!"

Napasapo nalang ako sa aking noo ng tumakbo si Sho palabas ng dressing room. This is our big day. Today is our wedding... And I'm glad that we made it.

Lumingon naman sa akin si Tzuoxi at ngumuso. Sa kanilang dalawa, si Shofe ang masyadong makulit samantalang si Tzuoxi naman ay kabaliktaran nito. Well, Shofe is girl at lalaki naman ang kambal nito.

"What is it baby?"

"S-showfi... she left me."

I don't know. Nang sumapit ang ika-dalawang taon nila sa mundo namin ay hindi ko alam kung paano nila nagamay ang pagsalita ng Ingles. They're fluent!

Umupo ako at pinantayan ko ang anak ko, "Nasa labas lang si Shofe. Hindi ka niya iniwan." I smiled at him pero mas lalo lamang itong ngumuso.

Tumayo na ako at tinignan ang repleksiyon sa salamin. Nakakatuwang isipin na sa dami ng mga problemang kinaharap namin ni Kier, kami pa rin pala ang magkakatuluyan sa huli.

Inayos ko ang hikaw ko at hindi ininda ang pagbukas ng pintuan ng dressing room, "Omgggg Clarity! You look so gorgeous on your gown!"

Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Celine. I smiled at her. Malaki rin ang naging gampanin niya sa buhay ko. Siya ang nagturo sa akin kung paano ko magagamit ng tama ang aking kapangyarihan.

"Thank you, Cece."

Inirapan lamang ako nito at dumiretso sa likuran ko, "I'm so happy for you, Clarity. Akala ko hindi na kayo magtatagpong muli matapos ang—"

"Shhh." I cut her off. Ayoko ng pag-usapan pa ang mga bagay na nangyari na. Ang mga bagay na tapos na.

Dahil ang mahalaga ay ang kasalukuyan. At ang mangyayari sa hinaharap.

"Opx. Sorry hehe."

Inayos niya ang ribbon sa likod ng gown ko habang nag-uusap kaming dalawa sa salamin, "Ohhh? Where's the twin?"

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng dressing room at hindi ko nakita si Tzuoxi. Hay nako, baka sinundan na naman yung kambal niya.

"Lumabas si Shofe, baka sinundan."

"Alam mo... natutuwa ako sa pangalan ng kambal. Parang pangalan kase nila Sho at Tzuoi."

Humarap ako kay Celine at tinitigan ito. Ang pangalan ng kambal ay binase ko talaga sa kambal na iyon dahil may malaking parte sila sa puso ko. Naging bahagi sila nito.

"Accurately."

"Ohhh— you mean-"

"Yup!"

Her mouth formed into letter O. Kung nasaan man ang kambal na iyon ay sa tingin ko masaya sila para sa aming dalawa ni Kier.

We heard a continous knock at the door, "Come in."

Iniluwa non si Kley kasama si Crius. Tumikhim pa ang dalawa upang makuha ang atensiyon naming dalawa, "The ceremony will start within 30 minutes."

"Pero wala pa ang kambal?"

"They're already there, Luna."

Napa-ahhh naman ako sa sinabi ni Kley. Lumapit ito sa akin at iminuwestra ang kaniyang braso kaya kumapit ako dito. Naglakad na kami palabas ng dressing room at nagulat pa ako ng may mga Prekh at Brejik na nasa labas.

"We need them to protect us."

Tumango lamang ako sa sinabi nito. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong nagbabangayan ang dalawa. I smiled. Gustong kong muling sumaya si Celine sa pamamagitan ni Crius...

Pero hindi niya pa nakakalimutan ang kuya ko.

Ohhh! My brother!

Masaya kaya siya para sa akin?

Para sa amin dahil mag-iisang dibdib na kami ni Kier? Na kahit kailan ay hindi siya naging tutol sa relasyon naming dalawa.

Stop it, Crius! Tatadyakan kita.

Ito naman. I'm just joking. Geez.

Pwes hindi ako natatawa sa joke mo!

Napa-iling nalang ako sa naging sagutan ng dalawa. Binuksan ko kase ang isip ko at binasa ko kung ano ang nasa isip nilang dalawa.

Nagbabangayan pa rin kase...

"Hop in, our Luna."

Tinignan ko si Kley bago tumango at ngumiti. Pumasok na ako sa Crufse at siya naman ay pumunta sa kaniyang upuan. Ang dalawa ay nasa kabilang Crusfe at nauna na sa amin.

Napaluha ako. Matinding kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon. Ang saya-saya sa pakiramdam.

"Hey! Don't cry, Luna. Magagalit sa akin si Kuya nito e."

"Uhh, I'm sorry."

Napakamot pa ito sa kaniyang batok at natawa na lamang ako. Baka kase masira rin ang aking makeup sa ginagawa ko.

Within ten minutes ay nakarating kami si Freiya Garden. Lumabas si Kley ng Crufse at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya ang kaniyang kamay at tinulungan akong makalabas.

Nilanghap ko ang sariwang hangin na dumampi sa balat ko. Ang saya lang.

Parating na ang Luna!

Magsi-ayos na kayo!

Grufé klor prumíts te ebád!

Lumingon ako sa gilid ko at nagulat ako ng makita kong wala na si Kley doon. Ohh?

"Clarity..."

Nagawa ang paningin ko sa likod at nakita ko sila Ina at Ama. Mabilis ko silang niyakap ng mahigpit at kumawala na ang aking luha, "M-mom..."

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride