HAPTER 23
“Okay.” mabilis na sagot niya.
Pagkatapos noon, hindi na muling nag–reply si Kiel. Malamang ay nasa eroplano na ito.
Pinatay niya ang kaniyang cellphone at nagmaneho pabalik sa mansion. Pagdating, nadatnan niyang may ilang taong naglalabas–masok ng mga bagahe.
Si Ysabel, naka–puting bestida ay nakatayo sa gitna ng mga tao habang marahang nag–uutos.
“Regalo ito sa akin ni Xavier. Napaka–espesyal nito, kaya pakiingat–ingatan n’yo.”
Magalang na sumagot ang mga tao, “Huwag po kayong mag–alala, ma’am, iingatan namin ang mga gamit n’yo.‘
Tumango lang si Ysabel at ngumiti. Kung makaasta ay parang ito na ang bagong Mrs. Valerio.
Naroon lang siya, nakatayo at nagmamasid mula sa hindi kalayuan. Kagabi, noong pinirmahan niya ang mga papeles para sa marriage annulment, may kakaiba siyang lungkot na naramdaman. Pero ngayon, tunay niyang napagtanto na ang mansion na kanyang tinitirhan nang maraming taon ay naging estranghero na sa pakiramdam niya… seems like she doesn’t belong here anymore.
Hindi siya lumapit, ngunit napansin agad ni Ysabel ang presensya niya. Saglit itong tumigil sa pagmando sa mga tao saka lumapit sa kanya.
“Sorry, Mayumi. Inaayos pa ang apartment na nirentahan ko, kaya hindi muna ako pwedeng tumira doon. Si Xavier ang nagsabing dito muna ako sa mansion pansamantala,” paliwanag ni Ysabel. “You wouldn’t mind, would you? Hindi ka naman siguro maiistorbo?”
Ngumiti siya nang peke. Alam niyang pinaplastic lang siya ni Ysabel at pinoprovoke na magalit, but she will not give that satisfaction she wants.
“Kapag sinabi kong naiistorbo ako sa presensya mo, aalis ka ba?” diretsahan niyang tanong.
Natigilan si Ysabel… Hindi niya inasahang sasagutin siya ni Mayumi nang ganoon ka–diretso.
})
Sa pagkakaalala niya, madalas nagpaparaya si Mayumi. Bakit parang naging palaban na ito? Kahit noong wedding anniversary nito at ni Xavier, pinili ni Xavier na siya ang makasama pero hindi nagpakita ng anumang galit si Mayumi at nagpanggap na parang walang nangyari.
Sa paglipas ng mga taon, ilang beses na siyang nagpapadala kay Mayumi ng mga intimate photos nila ni Xavier gamit ang ibang mga account… at minsan ay siya pa ang mismong nagme–message para subukan si Mayumi, pero kailanman ay hindi siya pinatulan ni Mayumi. Kaya hindi niya inasahang sasagot ito sa kanya ngayon.
Mabilis niyang kinalma ang sarili. Akmang sasagutin nya ito nang makitang palapit si Xavier sa kanila kaya pinili niyang tumahimik.
Napansin ni Mayumi ang biglang pag–aatubili ni Ysabel. Yun pala ay nasa likod na niya si Xavier.
“Of course not. Hindi ka nakakaistorbo, Ysabel,” marahan nitong sabi sa dalaga saka matalim na tumingin sa kanya.
“Bakit, Mayumi? Noong ako ang naiistorbo sa pagtira mo dito sa mansion ng limang taon, hinayaan kita, hindi ba?” matalim ang tingin na pinukol ni Xavier sa kanya.
Lumapit ito kay Ysabel at pumagitna sa kanilang dalawa, para bang sinisiguro nitong protektado si Ysabel laban sa kanya. Malamig ang tingin ni Xavier na para bang siya ang kaaway. Para tuloy siyang may kaharap na mabangis
+30 Bonus
na hayop.
Napangiti siya nang pait. “Hindi naman magtatagal, magiging maluwag na din naman itong bahay.” walang emosyong sagot niya.
After all, hiwalay na sila, wala na siyang balak na tumagal pa doon. Lilipat na din naman siya ng tirahan. Magiging libre na ang dalawa. Pero sana naman ay hinintay muna ang pag–alis niya bago ito nagpapasok ulit ng babae. Kaka -file pa nga lang niya ng divorce papers nila!
Nakatitig lang si Xavier… “What are you talking about, Mayumi?”
Ano pa nga ba ang ibig sabihin? Inis na tanong niya sa sarili. Kakapirma lang nila sa divorce papers kahapon at siya mismo ang nag–asikaso kanina. Pero heto si Xavier, agad na isinama sa bahay ang babae nito.
Tapos siya pa ang tinatanong kung ano ang ibig niyang sabihin? Siyempre, ang ibig niyang sabihin ay magbibigay- daan na siya sa bago nitong kasintahan.
Pero hindi na niya iyon binanggit. Nagbubulag–bulagan si Xavier at wala siyang gana pang magpaliwanag. Tumigil na siya sa pakikipagtalo at umakyat para kunin ang mga gamit niya.
Matapos pumirma ni Xavier kagabi, bahagya na niyang inayos ang mga dadalhin niya. Pagmamay–ari ng pamilya Valerio ang mansion kaya wala siyang karapatan doon. Hindi niya din dadalhin ang kahit anong regalo ni Xavier sa kanya. Kaya sa limang taon niyang buhay–may–asawa ay nagkasya lang sa isang maleta ang mga gamit niya.
Pero hindi siya nagrereklamo. Alam niyang kung talagang galit si Xavier at ibig siyang pahirapan, pwede siya nitong ibaon sa utang–na–loob at habang buhay na pagsisilbihan ang mga Valerio ng walang katapusan.
Pero sa kabutihang–palad, hindi pa ganoon katindi ang galit ni Xavier sa kanya.
Nang makita ni Xavier si Mayumi na umaakyat nang hindi man lang siya tinitingnan, lalong nag–init ang kanyang ulo. Hindi niya mabasa ang nasa utak nito. Ano ba ang sinasabi nitong magiging maluwag na ang bahay? Gumagawa na naman ba ito ng issue para magpapansin sa kanya?
Ano na naman bang drama na ito ni Mayumi? Sa loob lang ng ilang araw, tila nagbago na ang kanyang asawa. May mga kakaiba itong kilos na hindi na niya mabasa. Nagpapakita na ito ng katigasan ng ulo.
Ano pa kaya ang maaari nitong gawin para painitin ang ulo niya sa mga susunod na araw?
Lalo siyang nainis habang nag–iisip, kaya sinundan niya ito.
Pero pagdating niya sa hagdan, nadatnan niyang palabas na ng kwarto si Mayumi… may hawak nang maleta.
Comments
Cedella is a passionate storyteller known for her bold romantic and spicy novels that keep readers hooked from the very first chapter. With a flair for crafting emotionally intense plots and unforgettable characters, she blends love, desire, and drama into every story she writes. Cedella’s storytelling style is immersive and addictive—perfect for fans of heated romances and heart-pounding twists.

Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME