“Ysa, nag-aalala lang naman si Xavier sa ’yo. Hindi mo ba narinig kanina sa telepono? Nanginginig ang boses niya. Akala ko nga may seryosong nangyari.” pabirong sabi ng isang batang doktor na naka-puting coat.
Ang lalaking iyon ay si Patrick, ang matalik na kaibigan ni Xavier mula pagkabata at saksi sa nakaraan nina Xavier at Ysabel.
Namula ang pisngi ni Ysabel habang nakatingala sa lalaking mahigpit na yumayakap dito.
Sinong babae ang hindi mahuhulog sa isang Xavier Luis Valerio? Ang matitikas nitong anyo, ang katawan nitong batak sa gym. Very girls’ dream man. Para itong knight in shining armor na ipagtatanggol ang babaeng gusto nito sa anumang kapahamakan.
“Masyado kang nag-alala kay Ysabel, bro. Hindi pa kita nakitang ganito ka-taranta sa ibang babae,” biro ni Patrick.
Alam niya iyon nang lubos. Pinakasal lang si Xavier kay Mayumi dahil pinilit siya ng pamilya.
At ang “ibang babae” na binanggit niya? Siyempre, si Mayumi ang tinutukoy.
Sa loob ng maraming taon, palaging mag-isa lang si Mayumi sa pagpunta sa ospital.
Minsan, basta na lang sasabihin niya kay Xavier na nakita niya si Mayumi doon, at ang reaksyon ni Xavier? Wala. Malamig, walang pakialam, parang hindi niya mahalaga ang mundo.
Siyempre narinig na ni Patrick ang tungkol sa pagkakabangon ni Mayumi mula sa bingit ng kamatayan at sa pagkalaglag ng bata.
Tinawag pa niyang “bunsong hipag” si Mayumi, at ngayon na siya ang doktor na nag-aalaga sa kanya, dapat may kahit kaunting pakikiramay.
Kahit simpleng bati lang sana.
Pero hindi man lang niya ito tiningnan.
Dahil sa tingin niya, karapat-dapat lang iyon kay Mayumi.
Mula pa noong una, hindi na tama ang pag-aasawa ni Mayumi kay Xavier. At nang nabuntis si Mayumi ngayon, sinubukan pa ni Patrick na subukin si Xavier tungkol dito.
Wala namang alam si Xavier.
Kitang-kita naman, kahit hindi na kailangang isipin pa. Si Mayumi, siguradong gusto niyang gamitin ang bata para itali si Xavier sa kanya.
In her dreams!
“Ipapaayos ko ang VIP room para kay Ysa. She needs to stay for a couple of days para maobserbahan siya.” nakangiting sabi niya.
“Salamat, Patrick…” sagot naman ni Ysabel sa kanya.
“Come on, Ysa. Ang problema mo ay problema rin ni Xavier, at ang problema niya ay problema ko rin. Of course, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.”
Nahihiyang ngumiti si Ysabel, pero nang tumingin ito sa pinto ay nakita niyang naroon si Mayumi at nakikinig sa kanila. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad din niya iyong binawi.


VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME