CHAPTER 39
DONYA CORAZON POV:
+25 Bonus
Pagkaalis ni Mayumi ay maingat niyang binuksan ang regalo nito sa kanya. Sa loob nun ay isang lumbar pillow.
Napangiti siya nang makita ang regalo ni Mayumi, matagal nang masakit ang kanyang likod, marahil dahil na din sa katandaan. Madalas niya itong hilutin lalo na kung matagal siyang napapa-upo.
Matagal nang hindi nakadalaw si Mayumi sa kanya pero nitong nakaraan ay nag-video call sila at marahil ay napansin nito ang struggle niya sa pananakit ng kanyang likod kaya naisipan nitong iyon ang ibigay sa kanya.
“Hindi ko akalain na napaka-thoughtful pala ni Ma’am Mayumi, Senyora,” mahinang sabi ng kanyang personal maid na si Gina.
“Ganyan talaga siya noon pa.” buntong-hiningang tugon niya.
Noong una, kinaibigan niya si Mayumi dahil minsang iniligtas ng ina nito ang kanyang anak na si Lucio. Pero habang tumatagal ang pagsasama nila, lalo niyang minahal ang bata.
Marahil ay hindi ito nakikita ng karamihan, ngunit sa kanya ay napakalinaw…. napakaalaga ni Mayumi sa kanila. Ito ang palaging kumikilos sa likod ng lahat, inaasikaso ang maliliit na bagay na walang ibang iniintindi, tahimik ngunit laging tama ang ginagawa.
Alam niyang habang naroon pa si Mayumi, nananatiling hindi nakikita at hindi pinahahalagahan ang mga pagsisikap nito. Ngunit sa araw na mawala si Mayumi, doon lang nila mauunawaan kung gaano kalaki ang puwang nito sa kanilang buhay.
She was like a sun that shines everyday. Dahil nakasanayan ng lahat ang init na ibinibigay niya, hindi nila nakita ang tunay na halaga nito. Ngunit sa sandaling hindi na siya muling lumitaw, doon lamang nila mararamdaman kung gaano ito kaimportante.
Nakakapanghinayang lang na bulag ang apo niyang si Xavier, mahina ang puso at hindi marunong makaramdam. Hindi ito karapat-dapat sa isang mabuting babae tulad ni Mayumi. She doesn’t deserve to be treated the way Xavier treated her.
Habang iniisip iyon ay dahan-dahang tumulo ang mga luhang kay tagal na niyang pinipigilan.
Nang makita iyon ng kanyang maid ay agad siya nitong hinawakan sa braso. “Senyora, malakas na ang hangin dito sa labas. Tulungan ko na po kayong makabalik sa loob.”
Umiling siya at tiningnan ang papalayong anino ni Mayumi. “Gusto kong panoorin ang pag-alis ng batang iyon. Matanda na ako, at nagpasya na si Mayumi… tuluyan na niya akong iiwan.” sambit niya na puno ng dalamhati.
Natigil siya sandali bago muling bumuntong-hininga. “Kapag matuloy ang divorce nila ni Xavier, mababawasan na ang pagkikita namin ni Mayumi,” malungkot niyang sabi.
“Baka magbago pa ang isip ni Ma’am Mayumi, Senyora…”
Alam niyang sinabi lang iyon ni Gina para pagaanin ang kanyang loob.
t
CHAPTER 5d
“Hindi,” umiling siya. “Para ko na siyang anak na lumaki sa harap ko. Akala ng lahat mahina at malemon ang puso niya, but in truth, she’s more stubborn than anyone else. Sa pagkakataong ito, hindi na siya babalik.”
Muli siyang napabuntong-hininga. Hindi na alam ng katulong kung ano pa ang sasabihin.
Alam ng lahat kung gaano niya kamahal si Mayumi. Pero ano pa ang silbi niyon, hindi mahal ng kanyang apo ang pinakamamahal niyang si Mayumi. Hangga’t ayaw ni Xavier kay Mayumi, wala ding magagawa ang suportang binibigay niya sa babae.
Lalo na… matanda na siya, mas dumami na ang kanyang puting buhok, kuba na siya at sumasakit na ang mga katawan. Kung papakiusapan niya si Mayumi na ipagpaliban ang diborsyo, maaaring papayag ito pero hindi niya gagawin iyon. Kapag namatay siya ay tiyak magdi-divorce din ang dalawa. Bakit pa niya pahihirapan si Mayumi sa piling ng apo niya?
Muli siyang tumingin sa anino ni Mayumi. Wala na ito, malayo na…
“Tulungan mo na akong pumasok,” utos niya kay Gina.
Bago tuluyang pumasok sa bahay, muli pa siyang tumingin. Sa totoo lang, may inihanda rin siyang regalo para kay Mayumi. This gift would be her final attempt… habang buhay pa siya, tutulongan niya si Mayumi at ang kanyang apo na si Xavier sa huling pagkakataon.
*****
Pagkatapos maihatid ni Mayumi si Grandma, muli siyang bumalik sa mansion para muling magpaalam.
Pero pagpasok sa pintuan, nadatnan niya ang sala na puno ng tawanan nina Estrella, Andra at Ysabel Masiglang nagkukuwentuhan ang mga ito at halatang magkakasundo.
Si Xavier at Lucio naman ay nakaupo sa sofa, tila nag-uusap tungkol sa kompanya. Nagsisi tuloy siya kung bakit pa siya bumalik. Mukhang ma-out of place na naman siya, at sisirain lang niya ang kasiyahan ng lahat. Hindi naman talaga siya welcome doon.
Naisip niyang umatras na at tahimik na umalis.
*****
Napansin ni Xavier mula sa gilid ng kanyang mata ang papalayong pigura ni Mayumi. Bakit parang may kakaiba kay Mayumi ngayong gabi, pero hindi niya mawari kung ano.
Naiinis ba ito dahil dinala niya si Ysabel? Napakaliit namang bagay niyon. Kailan pa siya naging ganito kakitid mag-isip?
Ang pagkakakilala niya sa kanyang asawa ay pasensyosa ito at malawak ang pang-unawa. Nababagabag nà siya sa mga ginagawa ni Mayumi sa mga nakaraang araw. Napabuntong-hininga na lang siya, hindi na nya alam kung ano ang gagawin sa asawa.
Lucia Morh is a passionate storyteller who brings emotions to life through her words. When she’s not writing, she finds peace nurturing her garden.

Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME