Lukas
"Umiinom ka na naman." Sabi ni Eris habang inaagaw niya yung baso sa akin. Hindi ako papaawat sa kanya. Masama akong tumingin sa kanya, pagkamuhi lamang ang nakikita ko sa kanya.
Akala ko maayos ko, masyado akong naging desperado, dapat hindi ko sinunod si Eris. Mas lumala pa ang lahat. This pain is killing me. Sa tuwing naalala ko sa isipan ko na ayaw niya sa akin. Hindi ko matanggap, hinding hindi. This is worst than the time Eris left me. I dont know how could I get over it. Anikka is the love of my life. Sana pinatay na niya lang ako.
"Lukas nandito naman ako e, ako na lang." Aniya pero tinabig ko ang kanyang kamay. Hindi ko siya kailangan. Manhid yata itong babaeng ito at hindi niya ramdam iyon. Masyado siyang nagpupumilit sa amin, dahil doon nasira kami ni Anikka.
"Just stay away please!"
"Lukas let me love you again." Maiyak-iyak na niyang sabi.
"Pakiusap Eris, wala ka nang babalikan sa akin. Umalis ka na bago pa mawala ang natitira kong respeto sayo."
Pagkaalis niya ay ibinuhos ko ang lahat. I let myself cry, habang inaalala ang mga nangyari kanina. Those are not supposed to happen. Hindi rin ito kasalanan ni Eris, kasalanan ko ito dahil naging pabaya ako.
I should have hold Anikka, fight for her, kahit na ilang beses na niya akong ipagtabuyan.
Anikka
Natauhan ako nang tapikin ni NIcole.
"Oh ayan pinaghain ka na namin, baka sakaling mabawasan yang sakit. Alam naman namin na stress reliever mo yan e. Kaya yan kain na." Ani ni Nicole habang inaabot sa akin ang isang platong carbonara.
Agad akong umiling, ayoko yung amoy para akong nasusuya. Teka? Favorite ko naman ito dati pero bakit para akong masusuka pag naamoy ko.
"Layo niyo nga sa akin yan." Sabi ko ng hindi ko na makayanan yung amoy. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko talaga sa carbonara.
"Ang selan selan mo girl gustong gusto mo naman ito dati e. Ito na lang spaghetti." Pagkamaamoy ko pa lang ay tinabig ko na ito, tulad din ng carbobara, ayoko rin ang amoy nito, hindi ko talaga makukuhang kainin ang mga ito.
"Anikka, ano bang nangyayari sayo. Mga paborito mo yung nakahain tapos ayaw mo. Masyado ka ba talagang depressed kay Lukas." Napatingin ako sa nagsasalita na si Nicole, hindi ba obvious na sobra pa rin akong nagdudusa sa sakit na dulot niya. Siguro nga iyon ang dahilan kung bakit wala talaga akong gana at ganito akong umasta.
Uminom na lamang ako ng tubig, wala rin naman akong balak kainin ang mga pagkain sa lamesa.
"Hala Anikka, please huwag naman ganito, kumain ka. Pinapatay mo lang ang sarili mo." Sabi ni Mitch at tumapat pa sa akin. "Live Anikka, Live. Huwag mong hayaan na sila ang manalo. You better grip your self up, mag-ayos ka, maging malakas ka."
Mapait akong napangiti kay Mitch. Sobrang tama ang kanyang sinabi, masyado akong nagpapapalugmok sa Lukas na iyon. Pero kasi ang sakit sakit e. Ganito pala ang pakiramdam. Lagi kong pinagtatawanan yung mga di makakain pag broken hearted. Now, same thing happens to me, hindi rin ako makakain, sobrang lungkot ko.
Yeah I'll try to make this thing up. Hindi dapat ako magpaapekto.
"Uy may kukunin nga pala ako doon sa may admin. Samahan niyo naman ako." Tumango na lamang ako at agad na lang umalis, wala rin naman kaming gagawin doon.
Comments
The readers' comments on the novel: Respectfully Yours