Login via

Respectfully Yours novel Chapter 58

Anikka

"Pasalamat ka mabait kami! Kundi nakuu! Magtatampo kami sayo kahit broken hearted ka." Ani ni Nicole habang nakapamaywang pa sa akin, tila isang akong batang pinagagalitan ng kanyang ina.

"Hay nako, tigilan mo na nga si Anikka sa pagmumuryot mo. Kitang nalulungkot ang tao dito, gusto mo pang palungkutin lalo. Dapat sikapin natin siyang pangitiin sa mga oras na ito." Ani ni Yen habang inaakbayan niya ako.

Ikaw naman Anikka, kaibigan mo kami, dapat pinagsasabihan mo kami ng mga problema mo. Huwag mo naman kami itulad kay Eris. Madadamayan mo kami." Mapait lamang ako ngumiti sa kanya. I'm really sorry for that ayaw ko lang naman kayo pag-aalahanin. Kahit papaano ay nabawasan ang poot sa akin dibdib, dahil atleast alam ko na may makakaramay ako.

Maya-maya ay napatitig lamang ako sa aking desk ng may mapansin akong kulay silver na papel. Agad ko itong dinampot, pero itinaob ko rin ito agad.

"Ano yan girl?" Ani ni Nicole sabay kuha nung kulay silver na papel, hindi na rin ako nakapalag sa kanya dahil sa bilis ng kanyang mga kamay.

"Oh! silver aniversary pala ng kumpanya niyo. Wala kang balak pumunta girl."

"Use your coconut Nicole, kitang may Lukas Aragon na nakasulat diyan!"

"Kaya nga dapat na mas pumunta diyan si Anikka."

"Ewan ko sayo Nicole, siraulo ka talaga."

Palipat-lipat na lamang ako ng tingin sa dalawa, halos mahilo at sumakit ang aking tainga sa pagbabangayan nila.

"Tama ka Yen, di ako pupunta." Sabi ko, ayoko pa siyang makita. Hindi ko kaya,mas lalong sumariwa pa ang sakit sa akin.

"Ano ka ba Anikka, pumunta ka dito." Pagpupumulit ni Nicole.

"Para saan pa." Sabi ko, oo tama dapat hindi ko na siya makita pa. Ayoko na talagang masaktan.

"Ang bitter mo naman masyado, ipakita mo kay Lukas kung sino ang pinakawalan niya. Ipakita mo yung Anikka Celyne Fuentes na matapang."

"Ay oo nga girl! This is revenge!" Ani ni Yen habang pumapalakpak pa. Napailing lang ako sa kanila. No I should not go there. Ayoko siyang makita, sa tuwing nakikita ko siya ay namumuhi ako sa kanya, masasaktan lang ako.

"Kaya mo yan girl."Sabay nilang sabi sa akin habang hawak nila ang aking mga kamay. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Yes I admit, I'm weak right now, pero binibigyan nila ako ng lakas ng loob para bumangon. Tama dapat bumangon ako at kalimutan ang lalaki na iyon. Hindi pwede na magdusa ako sa kasalanan niya sa akin.

............................

Nakabalandra sa aking harapan ang kulay red na long gown. Nag-aalanagan ako kung itutuloy ko ba o hindi. Kaya ko ba silang harapin, si Lukas o baka si Eris. Baka masaktan lang ako, ayoko na talaga. Ayoko ng madagdagan yung kirot.

"Ano ka ba Anikka, kaya mo yan. You must face them. Rise!" Tumango lamang ako kay Nicole, siguro nga dapat ko talaga silang harapin, kailangan maging matapang ako.

"Ok Tita Berns do your magic to her."

And this will be a change

............................

Lukas

"By my date." Hindi ko na lang siya pinakinggan. Wala akong pakialam sa kanya

"This is the last thing na hihingin ko sayo, pagkatapos nito wala na." Napalingon ako sa kanya,

"Huwag mo nga ako pinagloloko Eris!" Hindi ko mapigilan na masigawan siya. Hindi niyo ako masisi. Siya ang dahilan ng lahat ng ito, kung bakit ako miserable ngayon, yung bakit ayaw na sa akin ni Anikka.

"After this, sasabihin ko kay Anikka na wala talagang namamagitan sa atin, na ako ang may pakana ng lahat. Just let me feel you. Kahit plastikan lang, iparamdam mo sa akin na mahal mo ko." Napailing ako, no hindi pwede, si Anikka lang ang pwedeng makaranas ng pagmamahal ko at hindi siya. Ayokong gawin iyon, ayokong panghawakan niya ang kunyaring pagpaparamdam na mahal ko siya, dahil gusto ko na siyang mawala. Siya ang gumulo sa amin ni Anikka.

Pero..

Iyon din naman ang paraan para magkaayos kami ni Anikka, kailangan niyang aminin ang kanyang pagkakamali. Kapag ako lang, she will never believe me, ni ayaw na niya akong pakinggan

Napapikit ako ng mata, hindi ko alam ang dapat gawin, mukhang kailangan kong kumapit sa patalim.

"Fine." Nakapikit kong sabi.

Nasa labas lamang ako at hinihintay si Eris, sabi niya kasi sabay kami na pumasok.

Um-oo na lang ako, para masiyahan siya at tuluyan na siyang lumayo. I'm just doing this for Anikka, para patunayan sa kanya na walang namamagitan sa amin.

Maya maya ay may humintong limousine sa harap ko.

I saw my Anikka getting out of the car.

Hindi ko maiwasan na mapatanga sa kanya. She's so gorgeous to her red gown, too perfect to be my queen. Napangiti ako, konting tiis na lang, magkakaayos na tayo.

Papalapit siya sa akin, ayan na. Papansinin niya ba ako? Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

Napakaganda niya. To think that she is the fairest to all of them.

Pero nilagpasan niya ako.

Ni hindi man lang siya tumingin sa akin, parang hindi kami magkakilala.

Napayuko ako at pinipigilan ang aking mga luha.

Please dont be like this Anikka, masakit.

Nagulat ako na may biglang lumapit sa akin na mga press.

"We heard that you already have a fiancee, that's good for you Mr. Aragon."

"Can you introduce that lucky girl to us." Tila gusto ko siyang hilahin dito, at ipagmalaki sa kanila na siya ang mahal ko. Sana nga magagawa ko pa iyon.

"I am." Bigla akong napatingin sa kanya, bakit siya. I never propose to her. Hindi ito kasama sa usapan namin.

"Oh such a beautiful lady, bagay kayo." Gusto kong tumutol. No! Hindi totoo si Anikka pa rin ang fiancee ko, ang girlfriend ko, ang mahal ko. Siya lang ang babaeng babagay sa akin.

Napatingin ako sa kanya, ngiting ngiti siya na nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Ngayon lamang itong bagay na ito. Pagkatapos nito ay tapos na.

"Please Lukas, ngayon lang ito." Hindi na lang ako kumibo. Oo ngayon lamang ito mangyayari at hindi na mauulit. Pagkatapos naman ito ay maayos rin ang lahat.

Chapter 58 1

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours