Login via

Respectfully Yours novel Chapter 63

Lukas

Bro, ako ang nahihilo, hindi ka mapakali." Sita sa akin ni Ken, sino ba ang hindi mapapakali. Ni hindi man lang sinasagot ni Anikka ang tawag ko. I know she will be here soon, pero hindi ko maiwasan na kabahan. Paano kung may mangyari sa kanya o ano?This day must be perfect for us.

"Hindi man lang sinasagot ni Anikka yung tawag ko."

"Relax bro, sisiputin ka niya, di ka niya matatakasan. Halos punuin mo na ng security guards yung bahay nila."

"Alam ko naman yun, paano kung may dumukot sa kan---"

"Pwede relax, kasal mo ito. Baka mahaggard ka niyan papangit ka. Kailangan pogi ka pa rin sa kasal mo." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba ang tingin mo sa akin?"

"Mukha kang kabayo." Natatawa pang sabi ni Ken.

"Saka mahal ka ni Anikka. Ito na yung araw niyong dalawa. Wala ng pipigil" Huminga ako ng maluwag, tama tama. Wala nang sinuman na hahadlang sa amin at dapat panghawakan ko na mahal niya ako.

Matutuloy ito, relax.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong dumating na ang bridal car ni Anikka. I'm so excited to see her. HIndi pa kami nagkikita since last night! Sabi kasi bawal kaming magkita sa gabi ng kasal, baka hindi matuloy. To make sure sinunod ko na rin, since it is a small sacrifice naman. I am going to be with her to the rest of our lives.

Pumasok kami sa loob ang take our positions to the entourage. I hope I have my parents with me to witness this special day.

"Lukas I am so proud of you today. Your parents will be proud too. You became a very good man Lukas and I hope you will be a good husband to Anikka." Napangiti ako sa sinabi ko kay Lolo.

"I will." Lolo tapped my shoulders and he accompany me here. I am glad that he still here with me kahit na ikakasal na ko.

As I stand here waiting for my girl walking on the aisle. As the door opens, I can finally seee her. Napakaganda niya, she's the most beautiful girl I've seen, wala ng iba. She's my only one.Masayang masaya ako, sa wakas ay ikakasal na rin kami, sa kabila ng mga nangyari sa amin. Akala ko tuluyan siyang mawawala sa akin, pero hindi.

Hinding hindi talaga ako papayag na magkahiwalay kami, dahil akin siya. Akin lang.

I never thought I am going to get married. I thought love isn't for me. I realized love is also for everyone, with the right person. Anikka is the one for me. She made me realize I can love someone again. I love her more than enough and finally I am marrying her.

She's here walking----But so slow.

Medyo naiinis ako dahil ang bagal niyang mag-lakad. Pwede ba niyang bilisan? Para naman makasal na kami agad, baka mamaya may pumigil pa sa amin and I will never agree on that! Papatayin ko ang sinuman na pipigil sa kasalan namin na ito.

I just can't wait to call her Anikka Celyne Fuentes-Aragon, my wife. The woman I will only love until forever

Ayokong sabihin na I will love her till my last breath, simply because my love for her is eternal, walang kamatayan at walang sinuman ang makakasira noon.

Hanggang sa nasa harapan ko na siya, kasama na pati sila tito at tita. Agad naman akong nagmano sa kanila. Kahit hindi pa nila sabihin na alagaan at mahalin ko ang anak nila, handa na akong gawin iyon, higit pa sa aakalain nila. Gusto kong ipakita na I really deserve their daughter. Na hindi ko siya sasaktan at habangbuhay na mamahalin

Habang nakikinig sa sermon ng pari,nakatingin lamang ako sa mga tao, To her parents and to her na matamis na nakangiti sa akin. I wish that my parents are still alive para masamahan nila ako sa araw na ito.

Pero kahit wala sila physically, alam kong nandito lang sila at masaya para sa akin.

"Kung sinoman ang tumututol sa kasalan na ito,ay maari ng magsalita." Panimula ni Father. Don't they dare na tumutol, dahil kahit nasa simbahan ako ay makakapatay talaga ako.

I'm here with my happiness, wala sinuman ang may karapatan na tumutol, kundi mawawalan siya ng saya sa buhay.

Nakahinga ako ng maluwag nang wala na tumutol. Mabuti naman.

"Lukas, do you take Anikka Celyne Fuentes to be your lawful wedded wife, to live in holy state of matrimony. Will you love, honor, comfort, and cherish her from this day foreward, forsaking all others, keeping only into her for as long as you both shall live."

"I do." Agad kong sabi. Hindi ko na kailangan na pag-isapan na. Walang duda na mahal na mahal ko si Anikka at siya lang ang babaeng itinitibok ng puso ko, kahit ano pa man ang mangyari.

I love her, kahit na magsuot pa siya ng makakapal na salamin, mahahabang palda na halos sumayad sa lupa, mga long sleeve na blouse. Siya pa rin ang pinakamagandang babae na nakita ko at tanging mamahalin ko.

Anikka

Hindi ko mapigilan ang aking mga luha sa pagtulo. Hindi dahil sa malungkot ako o nasasaktan, kundi ang saya saya ko. I am finally getting married. Ni minsan hindi ko akalain na aabot ako dito. Tingin ko tatanda lang ako ng dalaga. Who would have thought that I am getting to get married with this man, who is a playboy, asshole and pathetic. HIndi na siya playboy because he is now faithful to me, subukan niya lang! I know I am his only one and he is my only one.

Chapter 63: Epilogue 1

Chapter 63: Epilogue 2

Chapter 63: Epilogue 3

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours