"YOU'RE scaring me, Calix."
Mula sa binabasang dokumento ay nag-angat ng mukha si Calix at walang-emosyong tumingin sa kanyang ama na nasa bukana ng pinto ng kanyang opisina. Mag-iisang linggo na mula nang makabalik siya sa pagtatrabaho. May mga pagkakataong nahuhuli niyang sumisilip ang ama sa kanyang opisina, pero nanatili siyang walang kibo. Ayaw niya na munang makarinig ng anumang insulto mula rito.
"Napadaan ako noong isang araw sa bahay mo. Manang Soledad told me the whole story between you and Chryzelle."
"Oh..." Pigil ang emosyong napatango-tango si Calix. "Then please do come in, Dad. Kung mang-iinsulto na naman kayo na hanggang sa marriage ko, palpak ako, pumuwesto sana kayo malapit sa akin. Para ako lang ang makarinig at hindi pati ang mga staff na nagdaraan. My heart's really broken, you see." Muli niyang ibinalik ang atensyon sa binabasang reports. "So I'm asking you to at least, save my pride even for the meantime."
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Calix ang pagsinghap ng kanyang ama bago niya narinig ang mga yabag nito papasok. Naupo ito sa silya sa tapat ng kanyang mesa.
"Hindi ka nagwawala. Hindi ka naghahamon ng gulo. Hindi ka rin nagpapakalasing. Araw-araw, pumapasok ka at nagre-report sa opisina. Nalaman ko mula sa ilang empleyado na nag-o-overtime ka rin." Inagaw sa kanya ng ama ang folder na pinag-aaralan niya. "What the hell is your problem, Calix? Kung nagagalit ka sa akin, sabihin mo, ipakita mo. Makipag-away ka sa akin tulad ng dati. You're killing me with your silence and behavior!"
"Dad," Frustrated na sagot ni Calix. "Kapag nagpakagago ako, nagagalit kayo. Hanggang ngayon ba naman na sinusubukan ko nang magpakatino? Saan ba ako lulugar?"
Natutop ni Calix ang noo. Mula noong gabing iwan siya ni Chryzelle ay halos hindi na siya umuwi sa kanilang bahay. Mababaliw siya roon. The house held so many memories. Pero ayaw niya namang lumipat sa bagong bahay nila. The emptiness there would suffocate him. Kaya nagbabaon na lang siya ng damit at halos sa opisina na natutulog. Sinisikap niyang huwag hanapin si Chryzelle dahil baka kung anong kabaliwan na naman ang pumasok sa kukote niya para muli lang pabalikin ang asawa sa buhay niya. But hell... he really missed her so much.
"I'm sorry, son. Naging bias ako pagdating sa 'yo. I just don't know what to do with you. Many times over the past years, God knows I wanted to talk to you, but you were so out of control. Masyado nang napuno ang puso mo ng galit para sa akin kaya hindi na kita maabot. Kaya nag-focus na lang ako sa kuya mo na alam kong hindi pasasakitin ang ulo ko." Natawa si Arthur pero walang buhay iyon sa pandinig ni Calix. "And that was wrong, I know."
"Hindi ko naman kayo masisisi," mapait na sagot ni Calix. "Hindi naman kasi ako magaling. Hindi ako perpekto. Heck, I can't even blame you for wishing I was the one who should have died because believe me, Dad, I also wish I'm dead right now."
"Calix!" Horror filled his father's voice. Marahas na napabuga ito ng hangin bago hinawakan nang mahigpit ang kanyang kamay. "I'm so sorry. I was so devastated by Clarence's death. Hindi ko bibigyan ng dahilan ang mga nasabi ko sa 'yo noon. I'm sorry. But I want you to know that you have exceeded my expectation the past years. And I'm so proud of you." Bumitiw ito sa kanya, pagkatapos ay tumayo.
"Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad kaagad. I've never really been a good father to you, that's why you grew up like that. Pero napatunayan mo na ang sarili mo sa mga nakalipas na taon, Calix." Malungkot na ngumiti ang ama. "Hindi ko lang alam kung paano ka lalapitan para i-congratulate. I've never really said this, but I'm proud you are my son." Naglakad na si Arthur patungo sa pinto. "I understand your pain but let it out, Calix. Don't do this."
Paalis na sana ang ama nang tawagin ito ni Calix. Puno ng pag-asa ang mga matang humarap ito sa kanya.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa na lumapit siya at niyakap ang kanyang ama na ginantihan naman nito ng mas mahigpit na yakap. Tinapik-tapik din nito ang kanyang likod. In his father's arms, he felt like a little boy once more.
"I'm sorry too, Dad."
Five months later...
UNTI-UNTING sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Chryzelle nang pagbaba niya ng taxi, ang masayang anyo ng kanyang pamilya ang kaagad na sumalubong sa kanya sa bahay nila sa Cavite. Naroroon din ang dalawang bibong pamangkin na mga anak ni Celeste.
Natawa pa si Chryzelle nang makitang si Aiden at ang girlfriend nitong si Carla ang siya pang naghawak sa banner na may nakasulat na: Welcome Back, Chryzelle! Naipakilala na sa kanya noon ng kaibigan ang girlfriend nito sa pamamagitan ng Skype tatlong linggo na ang nakararaan.
Ibinaba niya ang bitbit na mga maleta, pagkatapos ay inilahad ang dalawang braso sa ere. Naluluha namang pumaloob doon ang kanyang ina at niyakap siya. Bago siya umalis papuntang Oklahoma, USA ay ipinagtapat niya sa mga magulang ang lahat. Wala siyang itinago sa mga ito. At gaya ng dati ay hindi siya hinusgahan ng mga ito o si Calix man. Nangako ang mga magulang na palagi siyang susuportahan sa anumang maging desisyon niya. Bilang patunay ay ang kanyang ina muna ang siyang nag-asikaso sa bakeshop habang wala siya.
She would always feel blessed for having such a wonderful and understanding family.
Halos limang buwan na ang nakalilipas nang tawagan ni Chryzelle ang ate Diana niya, ang nakatatandang pinsan niya na siyang nakapag-asawa ng foreigner na taga-Oklahoma City. Malapit sila sa isa't isa. Nagkataon nga lang na hindi na sila nagkikita dahil sa Amerika na ito permanenteng naninirahan. Nagpaalam siya sa pinsan kung maari bang magbakasyon na muna siya roon, tutal naman ay mayroon siyang tourist visa. Dahil piloto ang asawa nito na madalang din nitong makasama sa bahay, agad itong pumayag. Excited pa siyang sinundo ng ate Diana niya sa airport. Ito ang nagsilbing tour guide niya sa loob ng apat na buwang pagliliwaliw roon.
At that time, Chryzelle knew that the best thing to do was to leave the country for a while. She needed to be alone-be apart from her family, from her friends, and most of all, from Calix. Nirespeto naman ng pinsan ang pribado niyang buhay kaya hindi na ito nag-usisa sa dahilan ng bigla niyang pag-alis sa Pilipinas.
Hanggang anim na buwan dapat ang itatagal ni Chryzelle sa Oklahoma. Pero hindi na rin siya makapaghintay na bumalik. Nang pakiramdam niya ay handa na siya, muli siyang umuwi sa sariling bansa. She had missed her family. But above all, she had missed Calix. Dahil sa kabila ng lahat ay ang asawa pa rin ang hinahanap-hanap ng puso niya.
Ngayon lubos na napatunayan ni Chryzelle na sadyang makapangyarihan ang pag-ibig. Dahil sa kabila ng mga sakit na naranasan kay Calix, mas matimbang pa rin ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito.
And now, after five months, she can finally say that she had healed. Nakatulong ang paglayo niya para magamot ang sugat sa kanyang puso. Handa na siyang harapin muli si Calix. Because right at that very moment, she could proudly say that she had matured. Naliwanagan ang isip niya sa ilang buwang pagbabakasyon. She would never expect for a fairytale anymore between her and Calix. What she was looking forward now was a real story from real people who had gone through a lot but were still in love.
Araw-araw, mula nang pumunta si Chryzelle sa ibang bansa ay ibinabalita sa kanya ng mga magulang ang ginagawang pagdalaw ni Calix sa bahay ng mga ito. Parati raw siyang kinukumusta ng kanyang asawa.
Bigla ay sumagi sa isipan ni Chryzelle ang mga napag-usapan nila ng kanyang ina noong nagdaang araw habang nag-eempake siya pabalik sa bansa.
"Actually, sandali lang si Calix dito ngayong araw dahil may aasikasuhin pa raw siya. He just came here to extend his love for you." Natawa ang ina sa kabilang linya. "'Please tell her that I love her, 'Ma. And that I miss her. And please... please include that I'm looking good.' Those were his exact lines before he left."
Alam ng kanyang ina na hanggang ngayon ay hindi naman nawala ang pagmamahal niya para sa asawa. Ito ang kumausap sa kanya noon na huwag na munang ituloy ang annulment, na pag-isipan muna niya, at saka na lang ituloy kung gugustuhin pa rin niya sa kanyang pagbabalik mula sa Oklahoma.
Her smile grew wider at the memory. "I miss this," bulong niya sa kanyang ina. "I miss home."
"But you're not in your home yet," makahulugang sinabi ng ina. Nang bumitiw ito ay inabutan siya ng isang ticket na kunot-noo niya namang tinanggap. Napaawang ang kanyang bibig nang mapag-alamang ticket iyon para sa concert ng iniidolong si Jed Madela. "Oh, God, 'Ma!"
"Sa front seat pa 'yan."
Nanlaki ang mga mata ni Chryzelle. "This is more than a welcome back present."
"I know." Iwinasiwas ng ina ang mga kamay sa ere. "Magpahinga ka na. Mamayang gabi na 'yan. Sabay-sabay tayong pupunta. I'm excited to watch the concert... and more."
Hindi na nagawa pa ni Chryzelle na bigyan ng kahulugan ang ibang sinabi ng ina dahil sunod-sunod na siyang sinalubong ng yakap ng ama at kapatid, pati ng kanyang mga pamangkin na kumapit sa kanyang mga hita. Natawa na lang siya.
NABIGLA si Chryzelle nang makita ang mga kamag-anak at kaibigan na nasa ikalawang hanay ng upuan na yumakap at bumati pa sa kanya pagdating niya sa Araneta Coliseum kasama ng mga magulang. Nakita niya rin ang mga staff niya sa bakeshop. Naroroon din si Derek na kumaway sa kanya.
"May reunion pala," bulong niya sa kapatid. "Hindi n'yo man lang sinabi sa akin. Pero hindi ba tayo masyadong magagastusan nito, Ate? Puro tayo nasa front seat. Nakakalula ang presyo."
"Libre lang itong tickets sa atin kaya 'wag kang mag-alala," natatawang sagot ni Celeste, pagkatapos ay hinila na siya paupo.
Iginala ni Chryzelle ang paningin sa paligid at pilit na naghagilap sa mga taong naroroon. Pero hindi niya nakita ang hinahanap. Babae ang katabi ni Derek at hindi ang matalik na kaibigan nitong si Calix.
Nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya.
"Looking for someone?" May himig-panunukso sa boses ng kanyang ina na nasa gawing kaliwa niya.
"No, 'Ma." Pinilit niyang tumawa. "I'm just... looking around my staff. I've missed them."
Ilang sandali pa ay nagdilim na sa buong paligid.
"What if I told you it was all meant to be? Would you believe me? Would you agree? It's almost that feeling we met before. So, tell me that you don't think I'm crazy when I tell you love has come here and now..."
Umalingawngaw ang pamilyar na awitin na alam ni Chryzelle na mula mismo sa bibig ng paborito niyang singer. Ilang sandali pa ay tumutok ang spotlight kay Jed Madela. Nasa gilid ito ng stage habang tumutugtog ng piano. She suddenly felt sentimental with his first song choice. Iyon ang awiting naging paborito niya na dahil iyon ang unang kantang tumagos sa puso niya na background sa restaurant kung saan sila unang nag-date ni Calix.
Pero mahina lang ang pag-awit ni Jed Madela. Para bang naging background lang ng buong lugar ang maganda nitong boses.
Nagsalubong ang mga kilay ni Chryzelle.
"Good evening, everyone, and Happy Valentine's to the people watching tonight."
Nabigla si Chryzelle sa pamilyar na boses ng lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas mula sa backstage ang isang matandang lalaki na kahit kailan ay hindi niya malilimutan. For he was the older version of the man she had fallen in love with.
It was Arthur Ledesma, the king behind the Ledesma Commercial Banking Corporation. Dito natuon ang iba pang spotlights.
Ano'ng ginagawa nito roon?
Comments
The readers' comments on the novel: Wish List Number Ten: Love Me Again