"IT'S AMAZING what you notice when you're not in a hurry or when you just stop for a while and appreciate things around you."
Kahit na nahihilo ay sinikap na imulat ni Chryzelle ang mga mata nang marinig ang para bang namamanghang boses na iyon. Ang maamong mukha ni Calix na titig na titig sa kanya ang unang sumalubong sa kanya. Pilit na ngumiti siya sa asawa, pagkatapos ay lakas-loob nang hinarap ang kinatatakutan. Muli siyang nakaramdam ng pagkahilo pero sa pagkakataong iyon ay nilabanan niya na.
Nasa wheel of fate sila nang gabing iyon sa Enchanted Kingdom. Kasama iyon sa wish list ni Calix. Nang maramdaman ni Chryzelle ang unti-unting pagkawala ng kanyang takot ay saka niya hinayaan ang sariling mabighani sa makukulay na tanawing nasa ibaba dahil nasa pinakatuktok sila ng Ferris wheel nang mga sandaling iyon. Enchanted Kingdom looked more enchanting at night. Saglit niyang nakalimutan ang bigat sa dibdib dahil sa makukulay na liwanag sa paligid.
It was one of her dreams to be in that place with Calix. Ang una at huling punta niya roon ay noong hindi pa nakikilala ang asawa. Nasa kolehiyo pa siya noon nang mapagdiskitahan nila ng ate niya na doon mag-bonding kasama ang kanilang mga magulang. Mula nang ikasal sila ni Calix ay gusto niya na itong dalhin sa ganoong lugar para mawala kahit paano ang stress nito sa pagtatrabaho. She wanted to bring back the playful side of him which happened that very day.
Ayon kay Calix, iyon ang unang beses na nakapunta ito sa Enchanted Kingdom. Para sa anak-mayaman na tulad nito ay kabigla-bigla ang bagay na iyon kay Chryzelle. Wala silang rides na pinalampas ng asawa. Lahat ay sinakyan nila. Sa loob ng ilang oras ay parang mga bata sila na naglaro lang, nabasa, tumakbo, naaliw, at parehong natensiyon sa horror house at na-thrill sa iba pang rides na sinubukan nila. Ang Ferris wheel ang huling ride na nila para sa gabing iyon. Nagpalit muna sila ng mga biniling damit na mula sa souvenir stores bago sila pumila para sumakay sa Ferris wheel.
The rides were a great distraction. It distracted Chryzelle from her pain. Most of all, it brought back the child in her. Nakalimutan niya na kung kailan siya huling tumawa na katulad ng kanyang pagtawa ilang oras pa lang ang nakararaan.
Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Chryzelle nang magsimula ang fireworks. It was magical. Taon-taon ay nasisilayan niya iyon, pero ngayon niya pinakapinahalagahan. Siguro ay dahil na rin sa kanyang kasama. Tuwing Bagong Taon ay mas magaganda pa sa nakikita niyang nagpuputukan sa langit nang gabing iyon ang kanyang nasasaksihan sa tapat ng kanilang bahay na pinagkakaabalahan sa tuwina ng mga kasambahay nila.
But she had never felt that fascinated. Because during fireworks display every New Year, Calix was in the library, dealing with some documents that she would never understand.
"Tama ka," naibulong ni Chryzelle. "Kapag nagmamadali ka, lahat ng bagay, parang ordinaryo lang; walang halaga, dahil ang atensyon mo ay nakatuon doon lang sa iniisip mong dapat gawin. Pero kung hihinto ka saglit, regardless of what you feel-whether you're happy or sad-you'll notice that things are beyond ordinary. Just like the fireworks." She sighed. "Dati ko pa alam na maganda silang pagmasdan pero ngayon ko lang na-realize na higit pa pala sila roon. The thrill while watching the fireworks now, I've never felt that before."
"Tama ka," narinig ni Chryzelle na halos bulong ni Calix. "But I wasn't really referring to the view, or the fireworks. I was referring to... you. I've always known I married a lovely woman but I failed to realize that she's beyond that until this moment."
Hindi alam ni Chryzelle kung ano ang mararamdaman bago ibinalik ang tingin kay Calix na nahuli niyang nakatitig pa rin sa kanya.
"I only noticed now that your hair is shorter." Hinawakan nito ang kanyang buhok. "And it fits you better. But for the past years, I never noticed your laughter. Siguro dahil hindi ko na 'yon naririnig mula sa 'yo. Ngayon na lang. Hindi ko na rin napansin ang mga ngiti mo. And I... I regretted being too busy." Napayuko si Calix. "I'm sorry."
Chryzelle breathed heavily. Kahit na tinatamaan siya sa mga sinasabi ni Calix, ayaw niyang maging malungkot ang asawa. She couldn't afford seeing him sad, not when she was trying her best the past days to make him smile. Gusto niyang sulitin ang mga araw nilang magkasama bago ito sumalang sa chemotherapy. Kung siya ang masusunod ay gusto niya na itong magamot kaagad. Pero iginiit ni Calix na bigyan pa raw niya ito ng ilang araw pa bago sila pumunta sa ospital. And she agreed.
She couldn't say no-not to a person who was suffering from cancer... even if it was the same person who caused her to shed so many tears before.
"Your laughter was the highlight of my day, Chryzelle. Ibinalik ako ng masiglang mga halakhak mo sa mga bagay na nakalimutan ko sa loob ng ilang taon. Mas nag-enjoy ako dahil sa tawa mo." Muling nag-angat ng mukha si Calix. "And your smile, it was more than fireworks." Ngumiti ito. "It was like a bomb-surprising, explosive... and it boomed my heart." Inabot nito ang mga kamay niya. "You are so beautiful, baby."
Napatitig si Chryzelle sa asawa, kasabay niyon ay umihip ang malakas na hangin. Lahat sa mga oras na iyon ay perpekto-ang tanawin, ang kinaroroonan nila, ang oras, ang ekspresyon sa gwapong mukha ng asawa, at ang mga linya nito na tumagos sa kanyang puso. Her heart skipped a beat, but she knew she could have felt more than that... had she not known about his cancer that scared her so damn much every single moment.
Bigla ay sumagi sa isipan ni Chryzelle ang dahilan kung bakit sila naroroon...
"WHAT are you doing?" nagtatakang tanong ni Chryzelle sa asawa apat na araw na ang nakararaan. Naabutan niya si Calix sa master's bedroom na abala sa pagsusulat ng kung ano sa isang maliit na notebook. Dala niya ang tray na naglalaman ng almusal nito. Ini-research pa niya ang mga pagkaing inihahanda para rito na aakma sa kalagayan nito. Everyday, she would serve him fresh fruits, slightly cooked green vegetables, and ginger drink.
Alam niyang ayaw ni Calix sa luya, pero wala itong reklamo. Kung ano ang ihain niya, kinakain at iniinom nito na ikinatutuwa naman niya dahil ibig sabihin niyon ay gusto din nitong gumaling.
"I'm writing my wish list."
Nanginig ang mga kamay ni Chryzelle. Naramdaman niya ang pagkatensiyon ng buong katawan, dahilan para kaagad na mailapag sa bedside table ang dalang tray. Apat na araw na mula nang muli siyang bumalik sa kanilang bahay sa pakiusap na rin ni Calix na samahan niya ito, kahit isang buwan lang.
Hindi naging madali ang pagpapaalam ni Chryzelle sa ate Celeste niya. Pero nang ipagtapat niya ang tunay na kalagayan ni Calix ay napapapayag na rin ito. But since she came back, she only stayed in the guest room. Dalawang kwarto ang nakapagitan sa mga kwarto nila ni Calix. Pero sinisiguro niya pa ring palagi siyang nasa tabi nito.
Comments
The readers' comments on the novel: Wish List Number Ten: Love Me Again