"SHALL we go?" Madilim ang anyong tanong ni Throne kay Christmas. Pero hindi sumagot ang dalaga sa halip ay nanatili lang na gulat na nakatingin sa kanya, ang mga mata ay tila kay raming gustong iparating, kay raming gustong tukuyin, kaya naglihis siya ng tingin. Dahil siya man ay naguguluhan sa estado ng sariling damdamin.
Hindi niya maintindihan kung bakit kahit tambak ang trabaho sa opisina ay nagagawa pa ring sumingit ng magandang mukha ni Christmas sa kanyang isip. Hindi ito tumawag sa kanya nang araw na iyon na kadalasang ginagawa nito para lang magkwento ng mga bagay-bagay na nangyari rito kapag hindi sila nagkikita. He never thought he would miss her angelic voice, the funny way she laughed and the delight in her voice as she shared her stories that never seemed to end.
Nang hindi na natagalan ay maagang umalis si Throne ng opisina para lang makita si Christmas na may kasamang iba. And for the first time in his life, he was threatened.
"Pero ang akala ko, wala pa siyang boyfriend."
Naniningkit ang mga matang hinarap niya ang guwardiya. "Meron na ngayon. Now, excuse us but Christmas and I have to go. May date pa kasi kami ng girlfriend ko."
"Pero, Throne, nakakahiya naman kay Seth na-"
"At ano namang nakakahiya?" Muli niyang nilingon ang guwardiya. "Okay lang naman sa 'yo, 'di ba? Sa susunod mo na lang siya kausapin," aniya at hinila na palabas ng Brylle's si Christmas.
"Get in," nagtitimping wika ni Throne nang makarating sila sa parking lot. Maagap namang sumakay sa kotse ng dalaga si Rodrigo sa pag-aakalang makakaalis din kaagad sila.
"That was harsh, Throne," sa halip ay tila galit na sinabi ni Christmas. "Mabuting tao si Seth. Hindi mo siya dapat tratuhin nang gano'n."
Hindi napigilan ni Throne ang pagtaas ng kanyang boses. "Bulag ka ba? That man has his eyes on you!"
"At ano naman sa 'yo?" Natawa nang mapakla ang dalaga. "Ah, boyfriend nga pala kita. Huli na pala ako sa balita. Hindi ko man lang nalaman 'yon agad."
He gritted his teeth. "Then forgive me for assuming that we already have an understanding just because we kissed most of the time." Marahas siyang napabuga ng hangin para supilin ang sakit na bigla niyang naramdaman. Heck, he should be the one to inflict pain on her and not the other way around!
"Tell me, Chris," aniya sa nagbabagang boses. "Do you actually do that to every stranger you meet? Hahalikan mo siya, makikipag-date ka sa kanya, pagkatapos ay mag-e-entertain ka ng iba kapag nakatalikod na siya? Ano na nga ba ang kasabihang 'yon? Collect then select?" Sa isang iglap ay umigkas ang palad ni Christmas sa kanyang pisngi.
The pain in her eyes took his breath away. Lalapitan niya na sana si Christmas nang magtatakbo ito at sumakay sa sariling sasakyan.
Nasipa ni Throne ang gulong ng kanyang kotse. "Damn it!"
"YOU MADE her cry? Aba'y bakit para kang nagluluksa? We should celebrate, Throne! Nag-level up ka na."
Humigpit ang pagkakahawak ni Throne sa wineglass na puno ng alak na iniabot sa kanya ni Brylle. Bigla ay gusto niyang pagsisihan na ang bahay ng pinsan ang naisipan niyang puntahan pagkatapos nilang magtalo ni Christmas. But he was lost. Where else could he go? Ni hindi niya makausap si Cassandra bukod sa wala rin siyang ideya kung ano ang ibabalita sa kapatid kung sakali.
Comments
The readers' comments on the novel: Caught Between Goodbye And I Love You