Kabanata 14:
Misunderstanding
____
Clarity
*the number you have dialed is unattended. Please try again later. Toot.*
Naibato ko ang cellphone ko sa pader dahil sa matinding galit. Nakakainis na! Kanina ko pa tinatawagan si Kier pero ayaw niyang sumagot!
" Oy bes, anong mukha 'yan? Hindi maipinta. "
Sinamaan ko nang tingin si Celine dahil sa sinabi niya. Dadagdagan niya lang ang galit ko. Nakakainis na talaga!
" Naiinis na ako, Celine! Hindi ko siya ma-contact! "
" Sino ba kase 'yon? "
Tinitigan ko si Celine. Dapat ko bang sabihin sa kanya na si Kier ang tinatawagan ko? Oo nga no, dapat ko nang sabihin sa kanya dahil kaibigan ko naman 'to.
" Si Kier. "
" Aba! Sino 'yon? Boyfriend mo?! Himala, bes! After 28 years, naging dalaga ka na--- "
" Shut up! "
Ginulo ko ang buhok ko! Nakaka-frustrate na siya! Sabi niya may sasabihin siya sa akin tapos nauwi nalang sa wala?! Ginagago niya ba ako?!
" Samahan mo nga ako! "
Tumayo ako at inayos ang damit ko. Pupuntahan ko siya ngayon sa office niya! Secretary niya ako kaya dapat alam ko kung nasaan siya--- fiancee na pala!
" Saan tayo pupunta aber? "
Tumayo siya sa harapan ko at biglang humalukipkip. Tinitigan ko lang siya at inirapan. As if namang kaya niya akong pigilan. Hmp.
" Kay Kier nga! "
" Aba! Dapat ba--- "
" Sasama ka ba o sasama?! "
" Oo na! Sasama na nga! "
____
Celine
Tinitigan ko lang ang likod ni Clarity habang naglalakad kaming dalawa sa mahabang pasilyo. Halos lahat nang mga nakikita kong tao ay ang sasama nang tingin sa akin. Itinaas ko ang gitnang daliri ko sa kanila at bumelat. Bahala kayo diyan!
Mga inosente amp!
" Bes, kanina pa tayo naglalakad! May hangganan pa ba 'tong hallway na 'to? "
" Shhh. Malapit na. "
Bagsak balikat akong nakasunod sa kanya. Bakit ko ba naman kase naisipang sumama pa sa kanya?! Dagdag sakit lang 'to sa paa ko!
" Celine, alam mo ba ang apelyido ni Miguel? "
" Si Sir Migz? "
" Oo. "
Bigla akong napaisip dahil sa tanong niya. Sa tatlong taong pagtatrabaho ko sa kumpanya na pagmamay-ari ni Sir Migz ay hindi ko pa rin alam hanggang ngayon ang kanyang apelyido.
Baka ayaw lang talagang sabihin.
" Nope. Wala pa yatang may alam kahit isa sa mga empleyado niya. Kasama na ako doon. Nakaka-curious kaya 'yon, no? "
Nagkibit-balikat lang sa akin si Clarity. Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Huminto kami sa pintong gawa sa pilak ang yari. Silver.
" Ano? Nandito na ba tayo? "
" Oo. Pasok tayo. "
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng opisina at tumambad sa amin ang malinis na silid. Parang kada-minuto ay nililinis iyon dahil sa wala kang makikitang isang alikabok sa paligid.
" Clarity, baka namili lang tayo ng napasukan. "
Humawak ako sa laylayan ng damit ni Clarity at nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng opisina. Puro mga papel lang halos ng nakikita ko. Mahahalagang dokumento, siguro.
" Paano tayo magkakamali? Eh, dito ako nagtatrabaho? "
Lumingon sa akin si Clarity at tinaasan ako ng kilay. Napanguso nalang ako. Nagtatanong lang naman ako, malay ko ba kung mali talaga 'tong napasukan naming opisina.
" Kier, let's go. May promise ka sa akin diba? "
" Aish. Sarfie, you know that I have responsibility to Clary because she's my bri--- "
" I know. Hindi ko makakalimutan 'yon. Pero yung promise mo sa akin kagabi. "
" Sarf, maybe tomorrow? What do you think? "
" You'll take the consequence? Or nah? "
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride