Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 17

Kabanata 16:

Sweetness

_______

Kley

" Hey dude! Enjoy this fucking moment! "

" Shut up, Hades! I have a big problem! "

" Stop it dude! Huwag mo munang isipin si Leewier. Remember, malakas pa yun sa malakas. Just enjoy. Don't miss this moment! "

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Hades at ininom ko nalang ang vodka na nasa harapan ko. Nandito kaming tatlo nila Crius sa Brikstry Bar. Hindi ko nga alam na may nag-eexist na ganto dito.

" Hey Kley, come on! Maraming girls na naka-abang! "

Tinanguan ko lang si Crius at pinatuloy ko nalang ang pag-iinom ko ng vodka. Maya-maya ay tumabi sa akin si Hades na may kasamang babae.

" Kley, ipagpapatuloy pa ba nating tatlo ni Crius ang pagpapanggap na studyante para malaman kung sino ang sumusunod kay Leewier araw-araw? Fuck! Nakakapagod kayang mag-aral and also, nakakapagod magtago sa mga girls. "

Nilingon ko si Hades na kumindat lang sa akin. Tsk. Ang landi talaga nitong gagong 'to. Kaya naging busy ako nitong mga araw dahil inaasikaso pa naming tatlo ang paghahanap sa lalaking sumusunod lagi kay Leewier.

" Tingin mo, may gusto 'yon kay Leewier? "

Ngumiwi ako sa sinabi ni Hades. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bar hanggang sa may mahagilap ang mga mata ko. Isang babae.

" Kley, do you like her? Pwede kong itanong sa management ang pangalan niya. "

Nilingon ko si Crius at umiling nalang ako sa kanya, " No need. I'm not interested. "

Humigop nalang ulit ako nang vodka at umiwas ng tingin sa babaeng 'yon. Nakaka-agaw ng atensiyon ang maskara niyang kulay pula. As far as I know, pwede kong gamitin ang kapangyarihan ko para malaman kung sino ang babaeng 'yon pero gusto kong malaman ang pangalan niya dahil sa paghihirap ko. Weird.

" Miss, come here! "

Nagulat ako nang tawagin ni Hades yung babae. Oh fuck! Naka-ngiting lumapit sa amin yung babae habang may dala siyang papel at ballpen.

" Y-yes Kley--- sir? W-what's your order? "

Tumikhim yung babae pagkaraan ay ngumiti. Napangiti ako nang wala sa oras. Kilala niya ako. Hmm. Kailangan kong malaman kung sino siya.

" Isa pang vodka para sa kaibigan naming mukhang tanga! And miss, pwede bang malaman ang pangalan mo? "

Biglang humagikhik yung babae kaya kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa? " A-ang bilis niyo sir. Well, that's too ahm... confidential. "

Bigla akong napangisi dahil sa sinabi ng babaeng nasa harapan ko. Tsk. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang pangalan niya. That's what we called, 'Kley Slay'.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nilingon ang babae, " Hmmm. Nice to meet you... "

Ngumiti sa akin yung babae kaya ngumiti rin ako sa kanya, " ... Samantha. "

Mistulang kwago ang mata niya ng banggitin ko ang pangalan niya. Tsk. Samantha?! Panget ng pangalan niya. Hindi bagay sa katulad niyang mukhang paa.

_____

Clarity

Pinagmamasdan ko lang si Kier na naghahain nang pagkain sa harapan ko. Kanina pa talaga ako naguguluhan sa mga inaakto niya. Hindi ko alam kung may nakain ba siyang kakaiba or what.

" Dumpy, kakain na. "

Isa pa 'to, hindi ko rin alam kung bakit siya nagtatagalog. Hindi naman kase siya sanay, diba? Sudden change of mind? Why is that?

" Kier... ahm... napapansin ko lang na parang... ano... nagbabago ka na. Hehehe. Ano nakain mo? "

Imbis na samaan niya ako ng tingin ay nginitian niya lang ako kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang mga inaakto niya. Hindi ako sanay. Sana bumalik na lang siya sa pagiging isnabero niya.

" Wala. Gusto ko lang kumilos ng ganito. Masama ba? "

Ngumiti na naman siya kaya hindi ko nakita ang mga mata niya. Napangiwi nalang ako. Hindi talaga ako sanay sa mga kinikilos niya eh.

Tinignan ko ang mga nakahain na pagkain sa lamesa. Nandito ang paborito kong ulam na tapa kaya mas lalo akong nasasabik. Pero, hindi ko alam kung paano niya nalaman na iyon ang paborito kong ulam.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride