Kabanata 18:
Now that I know
___________
Clarity
" Baby... "
Napalingon ako sa pintuan ng opisina ko ng bumukas iyon. Tumambad sa akin ang masayang mukha ni Kier habang may dalang bungkos ng bulaklak.
Itong lalaking ito, immortal? How come? Kung tititigan ang mukha niya ay para siyang anghel na bumaba sa langit, pero anong nangyari?
Inilapag niya ang bulaklak sa table ko at kinuha niya ang swivel chair malapit sa akin. Nakatingin siya sa akin habang nakatingin naman ako sa PC ng computer.
Nakakailang ang mga titig niya sa totoo lang.
" Hey, what's wrong? Why are you ignoring me? "
Nilingon ko si Kier pero binalik ko rin kaagad ang tingin ko sa PC. Hindi ko siya kayang titigan lalo na't alam kong hindi ko siya kauri. He's not a human.
" Clarity, look at me. Do we have a problem? "
" Do we have a problem, Kier? "
Binalik ko ang tanong sa kanya. Isa lang ang problema ko. Yun ay ang pagsisinungaling niya sa akin! Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya dahil natatakot ako. Natatakot ako sa kanya.
" Do we? "
Iniling ko nalang ang ulo ko at binalik ang tingin sa harap ng computer. Hangga't maaari gusto ko nang makaalis sa kwartong ito.
Akmang tatayo ako nang pigilan niya ako gamit ang kamay niya, " L-let me go Ethan! "
" Call me Kier... Please. "
Pilit kong binabawi ang kamay ko pero sadyang malakas talaga siya. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya.
" Ethan, let me go! "
" W-why? Did I do something wrong "
" Just let me go! "
" Tell me, what's your problem?"
Tinigilan ko na ang pagpumiglas sa kanya dahil sinasayang ko lang ang enerhiya ko doon. Hindi ko alam kung ano ang hindi niya maintindihan sa salitang 'let me go'?
" I don't have problems... I'm just s-scared..."
" Scared of what?"
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride