Kabanata 26:
Versus
_____________
Kaleb
"Anong ginagawa ng lapastangan na yan dito sa palasyo?!"
Napapitlag si Clarity dahil sa sigaw ni Tita Estrella. Hinawakan ko ng mahigpit ang pulsuhan ni Clarity at hinapit ko siya palapit sa akin.
"Dito siya nararapat, Estrella."
Lumingon kaming dalawa ni Clarity sa nagsalita at nakita namin si Ina. Tinignan ko ang reaksiyon ni Clarity at maluha-luha siya.
"M-mama..."
Nagawi ang atensiyon ni Ina kay Clarity pero tinuon niya ulit ang atensiyon kay Tita Estrella, "Huwag na huwag mong sisigawan ang aking anak, Estrella. Wala kang karapatan!"
Padabog na umalis si Tita Estrella kaya naman lumapit na sa amin si Ina. She cupped the face of Clarity then they hugged each other. Humihikbi si Clarity kaya hinagod ni Ina ang kaniyang likod.
Umalis na ako sa kinatatayuan ko at lumabas ng palasyo. Pumunta ako sa paborito kong lugar at naglabas ng cihfril. Humithit agad ako pagkalabas ko noon.
"Kuya Kaleb, anong ginagawa ng Luna dito sa palasyo?"
Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko si Leewier kasama si Kley. Umupo silang dalawa sa pagitan ko. Kumuha si Kley ng cihfril sa bulsa ko at binuksan iyon. Akmang kukuha rin si Leewier ng tapikin ni Kley ang kamay niya.
"Inutusan ako ni Ama, wala akong karapatang suwayin siya."
"May posibilidad bang magkita sila ni Kuya?"
Lumingon ako kay Leewier at tumango, "Oo."
"Paano naman si Sarfie?"
"How about her, Kley? She can handle herself now. Kung tutuusin ay mas malakas pa siya kay Clarity, why bother?"
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagtagpo ang landas nilang dalawa. May posibilidad na mamatay si Clarity kung gagamitin ni Sarfie ang kapangyarihan niya.
"Yeah, you have a point Kuya Kaleb... Pero paano naman si Clarity?"
Napalingon kaming dalawa ni Leewier kay Kley ng bigla siyang tumayo. Nilingon niya muna kami saglit bago siya naglakad palayo. Tinignan ko si Leewier at nagkibit-balikat lang siya.
Ayaw talagang pag-usapan ni Kley ang kapatid ko.
"Hey!"
Nilingon ko si Leewier ng hampasin niya ako, "Anong problema mo bubwit?"
"Yaaahh! I'm not bubwit kaya! Prigsana!"
Pinaghahampas niya naman ako kaya sinasalag ko nalang iyon. Ang isip bata talaga. Eventhough she's the Delta here, she's still immature.
"Kuya kase, paano na nga si Clarity kapag nagtagpo ang landas nila ni ate Sarfie? We both know na mag-aaway lang sila, diba? Ano nang gagawin natin? Kahit naman sinaktan ni ate Clarity si Kuya, napalapit na ang loob ko sa kanya. Ayokong may mangyaring masama sa kanya, so, what are we going to do?"
Ano nga bang gagawin ko kapag nakita kong nahihirapan na ang kapatid ko? Napalingon ako kay Leewier ng may sumagi sa isipan ko, "We need to teach her how to defend herself and also how to use her own power."
____________
Clarity
Pumunta ako dito sa labas ng hardin pagkatapos naming mag-usap ni mama. Napangiti nalang ako sa kawalan ng maalala ko ang pinag-usapan naming dalawa kanina.
*Flashback*
"Ma, I thought you're dead."
"I'm not. Nandito lang kaming dalawa ng iyong ama para magtago sa pamilya ng mga Drekys..."
"H-huh? You mean, yung boss ko?" She nods.
Napaisip ako dahil sa sinabi ni mama. Bakit sila nagtatago sa pamilya ng boss ko? Ano bang kailangan ng boss ko kayla mama?
"Bakit kayo nagtatago sa kanila, mama?"
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride