Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 35

Kabanata 34:

Choices

_____________

Clarity

Agad akong napatakbo dahil sa sinabi ng dalawang batang iyon. Lumingon-lingon pa ako sa likuran ko para tignan sila ngunit wala na sila doon kaya mas lalo ko pang binilisan ang pag-takbo ko.

Napahinto ako sa pagtakbo ng may marinig akong boses sa tenga ko.

"Huwag mo kaming katakutan binibini."

"Hindi kami masama tulad ng iyong iniisip."

Pinilig ko ang ulo ko at nagsimula na ulit akong tumakbo. Bakit ko ba naririnig ang boses nila?

Tumama ang noo ko sa matigas na bagay kaya bumagsak ako sa lupa. Napahawak ako sa noo ko at naramdaman kong parang may bukol iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Kier.

"What are you doing here? This place is not safe."

Tinulungan niya akong tumayo at hinawakan niya ang noo ko. Hinilot-hilot niya 'yon gamit ang kaniyang hinlalaki. Namangha ako sa mukha niya.

"Hey, what are you looking at?"

Umiling-iling lang ako sa sinabi niya at bahagya akong umatras. Napansin kong may dugo ang gilid ng kaniyang labi kaya napangiwi ako, "Ano 'yan?"

"What?"

Nginuso ko ang kaniyang labi at napadaing siya ng hawakan niya iyon. Tinititigan ko lang ang bawat galaw niya. Wala ako sa katinuan.

"It's nothing."

Yumuko nalang ako dahil wala na naman akong sasabihin.

Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman kong dumaan siya sa gilid ko. He's now walking away from me. I smiled. May pag-asa pa ba talaga ako?

"Ate Clarity!"

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Leewier kasama si Hades. Nilingon ko ulit si Kier sa likuran ko at nakita kong wala na siya doon. N-nasaan na siya?

Tinignan ko si Leewier at nakakunot ang noo niya, "May problema ba ate?"

"W-wala. Hinahanap ko lang ang kuya mo."

"Wala dito ang Alpha, Luna. Kasama siya ng Omega."

Napangiwi ako sa sinabi ni Hades. Paanong kasama siya ni Sarfie eh kasama ko lang siya kanina diba? Kung hindi siya 'yon, sino ang kasama ko? Kung si Kier naman ang kasama ko, sino ang kasama ni Sarfie? Ang gulo.

"P-pero kasama ko---"

"Kasama ng Omega ang Alpha."

Napabuntong-hininga nalang ako. Oo, si Kier ang kasama ko kanina. Dama ko 'yon. Hindi ako dapat maniwala sa kanilang dalawa, "Ano bang ginagawa niyo dito?"

"Pinapasundo ka sa amin ni Kuya Kaleb."

Napa-'Aaaaah' nalang ako sa sinabi ni Leewier. Bakit naman ako pinapasundo ni Kuya? Whatever.

Sumama nalang ako sa dalawa. Nasa likuran ko silang dalawa. Napapalingon ako sa kanilang dalawa dahil parang ang tahimik nila pero naririnig ko ang boses nila sa tenga ko.

"What's your problem Hades? Wala akong ginawang masama sa'yo pero bakit hindi mo ako pinapansin?"

"Shhh. Wala lang 'to Leewier."

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride