Kabanata 39:
The Twins
______________
Clarity
"Bakit niyo ba ako hinihigit?!"
Tumigil sa paghigit sa akin sila Sho at Tzuoi at sabay na bumuntong-hininga. Tumigil kami sa isang puno at pinaupo nila ako sa ilalim noon.
Nasa bandang huli kase ako kanina kasama ang kabayo ko ng may humigit sa akin. Noong una balak ko na sana iyong patayin pero ng makita ko ang humigit sa akin ay kumunot lang ang noo ko.
"Bakit niyo ako dinala dito?"
Tinitigan nila akong dalawa bago sumagot si Sho, "Kailangan mo ng bumalik sa Gresfet garden, Luna."
Tinaasan ko ng kilay si Sho, "Kung ganon, bakit niyo ako hinila papunta dito?"
"Dahil may kailangan kang malaman."
"Ano 'yon?"
"May dalawang klase ng bampira."
Napabaling ang atensiyon ko kay Tzuoi ng siya na ang sumagot sa tanong ko.
Dalawang klase ng bampira?
Ang alam ko, lahat ng bampira ay iisa lang! Lahat pumapatay kung kakailanganin!
"What do you mean?"
"We're Herkh while your boss is the example of Yerkh vampires. What is the difference between the two? Ang Herkh ay klase ng mga bampira na ang mga kinakain lang ay gulay samantalang ang Yerkh ay kumakain ng tao." Sho paused, "Hindi namin kayang pumatay ng tao dahil iyon ang nakasaad sa tradisyon ng mga Herkh. Pero ang mga Yerkh ay legal ang pagpatay sa taong nais nilang kainin o patayin."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Sho. May klase pa pala ng mga bampira.
"But kuya Mark is Herkh."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tzuoi. Mark? Yung kapatid ba ni Miguel?
"Impossi- Ahh, I mean, how come na siya ay isang Herkh samantalang si Miguel ay Yerkh?"
"Basic, hindi sila tunay na magkapatid."
So, may ampon sa kanilang dalawa?
"Walang ampon sa kanilang dalawa, Luna."
"Wala? Eh paanong hindi sila magka-"
"Itinadhana lang silang maging magkapatid kapag sumapit na ang ika-pitong kaarawan nilang dalawa. Kung sa tingin mo mas matanda si Kuya Miguel, nagkakamali ka, Luna. Pareho lamang sila ng edad. Magkaiba ang kanilang mga magulang. At nabibilang sa Herkh ang mga magulang ni Kuya Mark."
Napatango nalang ako sa sinabi ni Tzuoi.
Kung ganon, mabait talaga si sir Mark? Pero bakit nagpapauto siya kay Miguel?!
"Teka nga muna, bakit niyo ba talaga ako hinigit na dalawa?"
"Para maliwanagan ka, Luna. Nung unang pagkikita kase natin ay parang takot na takot ka. Kaya naisip namin ni Tzuoi na ipaliwanag ang tungkol sa bagay na iyon."
Tumango-tango naman ako sa sinabi ni Sho.
Comments
The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride