Login via

In A Town We Both Call Home novel Chapter 21

“SHE will come around, Jake. Believe me.”

Napatitig si Jake sa kamay ni Lea na umabot sa kamay niya matapos nitong maupo sa tabi niya. May palakaibigang ngiti na makikita sa mga labi nito. Naghirap ang loob niya. For the countless time since he saw her again, he silently wished he could own time or at least, get more of it or be able to control it even for three minutes. Ipagpapalit niya ang lahat ng meron siya para sa tatlong minutong kabaliwan. Para sa tatlong minutong kakayahan na bumalik sa nakaraan kung saan mahal pa siya nito at ng kanyang anak.

He could be the poorest man afterwards. But at least, he would be the happiest poor of all.

Dahil nang mawala sa kanya ang mag-ina, pakiramdam niya ay tinakasan na siya ng saya, ng pag-asa at ng lahat ng positibong emosyon sa mundo. It was a struggle to keep moving every day. Pero kailangan. Pinagbuti ni Jake ang pagtatrabaho sa kaisipang ang hotel niya ang mamanahin ng anak isang araw. Sa nakaraang labing-dalawang taon ay nakapagpatayo siya ng tatlo pang hotel sa karatig-Maynila. Nagkaroon rin siya ng palaisdaan sa Pangasinan. Noong nakaraang taon din ay binuksan na para sa mga tao ang hotel and resort niya roon. Ilang beses nang lumabas sa magazine at iba pang babasahin ang tungkol sa mga accomplishments niya. He was a billionaire.

Pero pera lang ang meron sa kanya. Ang natitirang pag-asa ni Jake na mabubuo pa ang pamilya ay tuluyan nang naglaho. Walang sandaling hindi niya inasam ang pagbabalik ng kanyang mag-ina. Pero ngayong nakabalik na ang mga ito ay hindi niya naman maramdaman. Lalo na ang kanyang anak na mas gugustuhin pang mag-drawing sa sketch pad nito kaysa ang makipag-usap sa kanya.

Araw-araw, dumadalaw si Jake sa rest house ng pamilya ni Lea simula nang magkita sila sa hotel. Bago sila maghiwalay roon ay ipinaalam sa kanya ni Lea ang address ng mga ito. Dahil nagbabakasyon lang ang mga ito sa bansa ay sinasamantala niya ang pagkakataon. But Janna simply wouldn’t let him inside her heart again.

Dalawang linggo nang pinipilit abutin ni Jake ang loob ng anak. Pero sa tuwing inaabot niya ito ay mas lalo naman itong lumalayo sa kanya. Sa tuwing sinusubukan niyang magbukas ng usapan sa pagitan nila ay simpleng tango at iling lang ang isinasagot nito. May mga sugat talagang hindi nagagamot ng panahon. Napatunayan niya iyon sa anak. Madalas ay para bang nakukulitan na ito sa kanya dahil hindi nagtatagal ay nagpapaalam na itong papasok na sa kwarto nito.

It hurts him everytime his daughter walks away from him. But it hurts him more everytime she comes near. Dahil sa tuwing lumalapit ito ay alam niyang hindi iyon bukal sa loob nito. Dahil madalas ay kailangan pang sunduin ito nina Lea at Timothy bago lumabas ng kwarto para harapin siya.

Mas nakakapag-usap pa sila ni Timothy ngayon kaysa sa sarili niyang anak. Ito pa ang mismong nag-initiate na makipaglapit sa kanya. Kailangan daw nilang maging magkaibigan lalo na at malalim ang koneksiyon nila dahil iisa ang anak nila. He must admit, despite his jealousy, Timothy was really a great man. Katulad na katulad ito ni Lea. Parating may kinang sa mga mata sa tuwing nagkukwento tungkol sa pamilya.

Ilang araw na ang nakararaan simula nang umalis si Timothy pabalik sa New Zealand dahil nagkasakit ang ina nito at hinihiling raw na makita ito. Ang alam niya ay nang araw na iyon ang nakatakdang pag-uwi nito.

“Nakita ko ang sketch ni Janna no’ng nakaraang araw.” Mayamaya ay sinabi ni Jake. “It was a beautiful house. Mukhang magiging arkitekto din ang anak natin. Mabuti na lang talaga at sa ‘yo siya nagmana sa lahat ng aspeto.”

Anak natin. Sa ganoong mga salita niya na lang nararamdaman na konektado pa rin silang tatlo. Pamilya natin. Kung alam niya lang na limitado lang pala ang pagkakataon niyang masabi ang dalawang salitang iyon, sana pala ay nilubos-lubos niya na noon.

Ilang sandaling pinagmasdan siya ni Lea bago ito muling ngumiti. Binawi na nito ang kamay nito sa kanya. Pinigil niya ang sariling abutin ang mga kamay nito. Dahil baka kapag ginawa niya iyon ay hindi niya na iyon mabitiwan pa.

“Janna loves you. May isang sketch book siya na sa lahat ng pahina ay mukha mo lang ang naka-drawing. I don’t know what’s holding her back.” Bumuntong-hininga si Lea. “I’ve talked to her a thousand times already. Wala naman siyang sinasabi-“ Nahinto ito sa pagsasalita nang bigla na lang tumunog ang cell phone nito na nasa center table. Sandaling kumunot ang noo nito nang masilip ang nasa screen bago nagpaalam sa kanya.

Tumango lang si Jake. Bahagyang lumayo sa kanya si Lea bago nito sinagot ang tawag. Nakatagilid ito sa direksiyon niya. Nagsikip uli ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito. He was so proud of her achievements. Hindi ito nagkukwento sa kanya. Nalaman niya na lang mula kay Timothy na meron na itong architectural firm at ka-partner ang pinsan ng huli. Hindi siya kahit minsan nagduda sa kakayahan nito. He was proud that she used to be his best friend. He was proud that she was the mother of his child. He was proud that a wonderful woman like her used to love him. Mukhang umayos ang lahat sa buhay nito nang mawala siya.

Kumunot ang noo ni Jake nang mapansin niyang namutla si Lea. Nang mukhang mawawalan pa ito ng balanse ay mabilis na tinakbo niya ang kinaroroonan nito at sinalo ito bago pa ito tuluyang bumagsak sa sahig. “What’s wrong?” Nag-aalala niyang tanong.

“S-si T-Timothy.” Horror filled her lovely face as tears started streaming down her cheeks. “N-nag-crash ang s-sinasakyan niyang e-eroplano.”

Auckland, New Zealand

Six months later…

“I’M having strange dreams the past nights. In case something happens to me and you can have your chance at love again, don’t mind me, sweetheart. Wala akong ibang ginusto para sa ‘yo kundi ang makitang masaya ka sa piling ng taong nagmamahal rin sa ‘yo. Loving you is the best thing I ever did in my life, Lea. Mas marami kaming magmamahal sa ‘yo ay mas mabuti. Kung si Jake man ‘yon, I don’t mind. He’s a changed man now, don’t you think?”

Hindi alam ni Lea kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang kaba habang nagsasalita ang asawa.

“’Wag ka ngang magsalita nang ganyan. Tinatakot mo naman ako, eh. ‘Wag ka na lang kaya umalis bukas? O kaya sa sasama na lang kami ni Janna sa ‘yo-”

“Hindi na. Bakasyon ng bata. Ayokong maputol pa ang pagkakataon niyang makasama ang tunay niyang ama. ‘Wag mo na lang isipin ‘yong sinabi ko.” Ngumiti si Timothy kasabay ng pagyakap sa kanya. Kinakabahan pa ring isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito kasabay ng pagganti ng yakap rito.

“I love you, Tim. I love you so much.”

“I love you, too, sweetheart. More than life itself. I will always be in a safe place wherever I go, guiding you… loving you and our daughter.”

Tinampal ni Lea ang dibdib ni Timothy. “Nakakaasar ka na. Kung makapagsalita ka, parang matagal tayong maghihiwalay.”

“Matagal naman talaga, ah?” Tumawa ito. “Three days din ‘yon. Three hours nga lang, hirap na hirap na ako. Kaya sasamantalahin ko na ‘tong pagkakataon.” Anito bago siya maalab na hinagkan sa mga labi kasabay ng paglalakbay ng mga kamay nito sa kanyang katawan.

Chapter 21 1

Comments

The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home