Login via

In A Town We Both Call Home novel Chapter 19

AGAD na napatayo si Jake nang matanaw ang isang partikular na babaeng kapapasok pa lang ng restaurant, ang isang babaeng tinangay ang lahat-lahat sa kanya nang umalis na lang bigla dalawang taon na ang nakararaan nang wala man lang paalam, ang isang babaeng kung saan-saan niya na pinahanap pero hindi niya natagpuan, ang isang babaeng pakiramdam niya ay ibinabalik na uli ang lahat ng nawala sa kanya sa oras na nasilayan niya na ang mukha nito.

Ang mukhang sa araw at gabi sa nakalipas na mga taon ay ipinagdasal niyang makita. Pakiramdam niya ay huminto ang lahat ng bagay sa mundo at ang nananatili na lang na gumagalaw ay ang babaeng papalapit sa kanya ngayon. Everything else went blurry. All that was clear to him was… her.

She was glowing. Dati niya nang alam na maganda si Lea pero mas maganda ito ngayon. Ang mga mata nito ay nangingislap. At nang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito ay sandaling nahigit ni Jake ang hininga. Kasabay niyon ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Just the mere sight of that beautiful smile and he was back to the land of the living. Hindi niya alam kung anong gagawin kung hindi pa ito biglaan na lang tumawag sa kanya noong nagdaang araw para makipagkita. At hindi na siya nakatulog pa simula niyon. Kung pwede lang ay hatakin niya na ang oras o di kaya ay sunduin na mismo ang kanyang mag-ina ay gagawin niya.

But Lea insisted that they just meet at the restaurant inside his hotel. Isasama raw nito ang kanilang anak pero mauuna na muna itong haharap sa kanya. Pagkatapos niyon ay malaya niya na raw makakausap si Janna. And he had to abide to her conditions even if what he really wanted was to see them as fast as he could. Nang huminto sa harap niya si Lea ay nag-init ang mga mata niya.

He knew that very instant that the Lea he once knew was gone. The one in front of him was a changed woman. Sandaling kumuyom ang mga kamay niya. He wanted to hold her. Take her into his arms. And kiss her. Para siyang masisiraan sa matinding kagustuhang iyon na bumabalot sa kanya. Pero ngayon na lang sila uli nagkita. Nag-aalala siyang baka masira niya ang magandang ngiti sa mga labi nito sa oras na ikulong niya ito sa mga bisig niyang parating naghihintay sa pagbabalik nito.

God, Lea. I miss you so much.

Pero sa halip ay ibang mga salita ang lumabas sa bibig ni Jake. “Kamusta ka na?” Halos sabay pa nilang naitanong. Kahit paano ay napangiti si Jake nang marinig ang pagtawa ng dalaga. He had yearned to hear that laughter again.

“Remember the old times?” Nakangiti pa ring tanong ni Lea. “’Yong kung iisa lang naman ang tanong natin para sa isa’t isa, sabay nating sinasagot? ‘Wanna do it again now? Pagbilang ko ng tatlo, sabay tayong sasagot.”

Napatango si Jake. Sa isip niya ay nagbibilang rin siya habang ina-analyze kung ano ang eksaktong isasagot. Dahil sa nakalipas na mga taon, ang tanong na iyon ang naging isa sa pinamahirap na sagutin para sa kanya. One… two, three.

“I’m married.”

“I love you.”

Natigilan sila pareho.

“SO, how did it go?”

“Good news!” Masiglang tumawa si Jake kasabay ng pagtanggap sa wine glass na inabot sa kanya ni Near. Gaya ng dati ay kumpleto sila nang mga sandaling iyon sa Rack’s Bistro. Katatapos lang tumugtog roon ni Ross. Agad itong lumapit sa mesa nila at nakisaya. “Tinanggap ako ni Lea uli. She was happy and so was our daughter. In two months’ time, we’ll fix everything and get married.”

“I knew it!” Malakas na tinapik siya ni Trevor sa balikat. “Congrats, man! This calls for a celebration!” Sinenyasan nito ang waiter na mabilis namang lumapit sa kanila at nagpadagdag pa ng panibagong makakain at maiinom sa mesa nila. Kanya-kanya na ring bati at tapik sa kanya ang iba pang mga kaibigan.

“But you haven’t heard the bad news yet.” Mayamaya ay mahina nang sinabi ni Jake.

“Oh? May bad news pala?” Ani Milton na nagsalubong ang mga kilay.

“What is it?” Tanong rin ni Ross.

“Bad news: tumunog ang alarm clock. I woke up and found out that everything’s just a dream.”

Chapter 19 1

Comments

The readers' comments on the novel: In A Town We Both Call Home