Lihim na pinagmamasdan ni Mayumi si Xavier na tahimik pa rin at tila may malalim na iniisip. Hindi ba ito naman ang gusto niya? Ang tuluyang makalaya sa pagkakatali sa kanya?
Noong nakaraang buwan lang, nalaman ni Xavier na may sakit si Ysabel. Nag–book ito ng pinakamagaang flight papunta sa ibang bansa kahit hatinggabi para lang bantayan ang dalaga. Nanatili ito sa tabi ni Ysabel nang tatlong araw na walang tulog. At para mapasaya si Ysabel, nirigaluhan pa nito ng kwintas na milyon ang halaga.
Pagbalik ng Pilipinas ng magaling niyang asawa ay binabanggit pa nito ang pangalan ni Ysabel sa mga panaginip nito kahit pa siya ang katabi sa pagtulog.
Kung ganoon niya kamahal si Ysabel, bakit parang hirap itong pirmahan ang divorce papers nila? Akala ba ni Xavier ay magagalit siya dahil hindi niya makukuha ang pera, kaya lalo itong nandidiri sa kanya?
Tiningnan siya nito nang masama. “Ang pamamahay na ito ay hindi lugar na puwede mong basta pasukin at lisanin ng ganun–ganun lang! You insisted on keeping the engagement back then, and now there’s no way you can just walk away with the money so easily!”
Kumunot ang kanyang noo. “Hindi ba sulit ang perang ‘yan kung makakasama mo naman si Ysabel?”
Sandaling natigilan si Xavier at naguluhan. “Ysabel? Ano ang kinalaman ni Ysabel dito?” nagtatakang tanong niya.
Hindi nagtagal ay narealize niya ang ibig sabihin ni Mayumi. Gusto nitong mag–divorce para magbigay–daan sa kanya at kay Ysabel?
Hindi niya alam kung maiinis o magagalit kay Mayumi. Ngumiti siya nang pait. Kitang–kita namang gusto nitong makipag–divorce para makakuha ng parte ng yaman niya. Pero ang drama nito kunwari ay para magsakripisyo para sa kanya at kay Ysabel.
“You’re just like her mother… calculating and cunning. Parehas kayong manloloko!”
Galit na hinawakan niya ang baba ni Mayumi at marahas iyong tinaas para magtama ang kanilang mga mata.
“Sino’ng nagsabing kailangan natin mag–divorce para maging kami ni Ysabel?” walang emos mata.
sabi niya.
Nakatitig lang si Mayumi sa kanya na parang hindi makapaniwala. Hindi siya kailanman naaapektuhan ng moralidad o kasal. Kahit makipag–divorce siya o hindi, walang kinalaman iyon sa kung gusto nyang makasama si
Ysabel.
Nakita niyang ang pagkunot ng noo ni Mayumi. “Tigilan mo ang mga walang kwenta mong pakana, Mayumi. Ayusin ang asal mo at magiging maayos na Mrs. Valerio!”
Dinampot niya ang divorce agreement sa kama at marahas na binalik iyon sa mga palad ni Mayumi.
“Pag–isipan mo nang mabuti kung ano’ng gusto mong gawin.” dagdag pa niya saka tinalikuran ang asawa.
Napaupo na lang si Mayumi sa kama na tila nanghihina. Narinig pa niyang kinausap ni Xavier si Nora sa labas.
“Nora, maganda ang trabaho mo nitong mga nakaraang araw. Dadagdagan ko ng dalawang libo ang sahod mo next
month.”
Nagliwanag ang mukha ni Nora sa sinabi ng walanghiya niyang asawa. “Maraming salamat, Señorito Xavier! Huwag kayong mag–alala, mas pagbubutihin ko pa ang trabaho.”
Pagkaalis ni Xavi
tumingin pa si Nora sa kanya at ngumisi nang may pangungutya.
Namula ang kanyang mata at nagbabadya ng pag–iyak. Inasahan na niyang pahihirapan siya ni Xavier at handa na
+30 Bonus
siya roon. Pero hindi niya inakala na ganito siya hihiyain. Niyurakan nito ang lahat ng pinaghirapan at isinakripisyo niya sa loob ng maraming taon, tinapakan nang walang awa.
Sa paningin ni Xavier, mas mababa pa siya kaysa kay Nora.
Tumingin siya sa divorce agreement na nasa kanyang kamay. Sa dami ng beses na siya’y nabigo, kakaiba ang naranasan niya ngayong gabi. Alam niya na hindi dahil ayaw ni Xavier ibigay ang pera… gusto lang talaga siyang pahirapan at pagdusahin ng kanyang asawa.
Gaano man ang kanyang pagsisikap na ipaglaban ang karapatan, desidido si Xavier na paalisin siyang walang dala ni isang kusing.
Pero kung hindi naman siya makikipag–divorce, magpapatuloy ang araw–araw na sama ng loob… ang sakit ng alaala sa pagkawala ng kanyang anak. Ayaw na niyang danasin pa ang lahat ng iyon.
At higit pa roon, ang trato sa kanya ni Xavier kanina ay sapat na para maliwanagan siya. Ang manatili sa bahay ng Valerio ay ang pagkawasak ng buhay niya.
Matagal siyang nakaupo lang doon na parang natutulala. Nang sa wakas ay nakapag–isip–isip, kinuha niya ang kanyang cellphone, tatawagan niya ang kanyang abogado para gumawa muli ng panibagong kasunduan.
Pero bago pa man matawagan ang abogado, biglang tumunog ang cellphone niya.
“I heard you’re getting a divorce?”
Sandali siyang natahimik sa pagkagulat sa lalaking tumawag sa kanya.
“Are you interested in coming back?”
Cedella is a passionate storyteller known for her bold romantic and spicy novels that keep readers hooked from the very first chapter. With a flair for crafting emotionally intense plots and unforgettable characters, she blends love, desire, and drama into every story she writes. Cedella’s storytelling style is immersive and addictive—perfect for fans of heated romances and heart-pounding twists.

Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME