Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 10

Tahimik na pinagmasdan ni Mayumi si Xavier, napansin niyang ilang minuto na itong nakatigil mula nang makita ang mga dokumentoMasaya ba ito dahil sa wakas ay pumayag na siyang makipag divorce?

Siguro nga, bulong niya sa sarili. Kapag pinirmahan ni Xavier ang mga papeles ay hindi na siya nito kailangang pakisamahan at maaari nang maging hayagan ang relasyon nito kay Ysabel.

Kung wala ka namang tutol, pirmahan mo na.sabi niya habang inaabot kay Xavier ang ballpen.

Hindi nito kaagad kinuha ang ballpen. Hinila nito pababa ang kurbata. Sseryoso ka?

Oo.Matatag na sagot niya.

Tinitigan ni Xavier nang matalim si Mayumi, para bang hinahanap ang kahit anong pahiwatig ng pagdadalawang- isip sa mukha nito. Pero sa kaniyang pagkadismaya, nanatiling payapa ang ekspresyon ni Mayumi, isang uri ng kapayapaang hindi niya inaasahan.

Kung meron mang kakaiba sa mukha nito, iyon ay ang gaan ng loob. Masaya ba itong makalaya mula sa kanya? Lalo lamang ikinagalit ni Xavier ang napagtanto niya. Pilit niyang pinigil ang sarili at muling tumingin sa papeles. Sa wakas, tumuon ang paningin niya sa bahagi tungkol sa paghahati ng ariarian.

May problema?muling pukaw ni Mayumi

Sumimangot siya habang itinuro ang bahagi ng paghahati ng mga ariarian. Hindi ko maalalang tinalakay mo sa akin ang tungkol dito.

Napatigil si Mayumi, bahagyang nagulat sa tanong ni Xavier. Bilyonaryo ang mga Valerio. Kahit madalas siyang tratuhin nang masama ni Xavier, hindi siya nito kailanman pinagtipiran pagdating sa pera. Sa katunayan, noong pilit niya itong pinapapirma sa diborsyo noon, mas malaki pa ang alok nitong kapalit kaysa sa hinihingi niya

ngayon.

Pero hindi na niya iyon inisip. Pinaliwanag niya kay Xavier kung bakit siya humihingi ng parte bilang sweldosa pagaasikaso niya sa pamamahay nito, pati ang kalkulasyong inihanda ng kanyang abogado.

So sinasabi mo bang talo ka nung nagpakasal sa akin?Napangisi si Xavier nang may pangungutya.

Mayumi, sa kakayahan mong yan, limang libo kada buwan nga, baka hindi mo kayanin kitain. Saan ka kumuha ng kapal ng mukha para itakdang dalawampung libo ang buwanang sahod mo? At isa pa, nariyan si Nora para mag asikaso ng bahay. Bilang spoiled na Mrs. Valerio, saan ka kumukuha ng lakas ng loob para sabihing dapat kang bayaran sa gawaing bahay?

Namutla si Mayumi. Hindi dahil sa pera, kundi dahil hindi niya inasahan na lahat ng sakripisyong ginawa niya para kay Xavierang mga taong inialay niya sa pagaalaga, pagaaruga, at pagunawa, ay walang kahit katiting na halaga sa paningin nito.

Kinagat niya ang kaniyang labi, bumibigat ang paghinga. Hindi niya kayang patunayan ang sarili sa kahit anong paraan, pero hindi siya bastabasta susuko.

Matagal ko nang inaasikaso ang bahay

Aasikaso?putol ni Xavier sa kanya.

Malamig itong tumawa, hinawakan siya sa braso. Pilit siyang nagpupumiglas pero sadyang malakas si Xavier. Hinila siya nito papunta sa balkonahe. Ipinagduldulan siya sa railing, hawak ang kanyang ulo, pilit siyang

+30 Bonus

pinapatingin sa ibaba. Sa magulong salanandoon si Nora, nakayuko at nagwawalis sa sahig. Madam, ttinatapos ko na po ang paglilinis sa mga kalat mo.sabi ni Nora, sabay yuko na kunwari’y magalang nang makita siya.

Lalong tumalim ang tingin ni Xavier sa kanya. Mayumi, ito ba ang bahay na sinasabi mong ikaw ang namamahala? At ano ang ginagawa ngayon ni Nora? Hindi ba’t nililinis ang kalat mo?!

Akma pa lang siyang magsasalita para magpaliwanag nang tawagin nito si Nora.

Nora, ikaw na ang magsabi sa akin. Matagal ka nang katulong dito, at palagi kayong magkasama ni Mayumi. Sabihin mo sa akin kung ano ang ginagawa niya sa mga nakaraang taon.

Tumigil si Nora sa pagwawalis at biglang umiyak. Sir, wala namang ginagawa dito sa bahay si Madam kundi matulog at magkalat. Pero huwag n’yo pong awayin si Madam, ayaw ko pong magalit siya sa akin dahil sa pagsasabi ko sa inyo ng totoo. Gagawin ko po ang lahat, lilinisin ko ang lahat ng kalat niya. Huwag n’yo lang po akong paalisin. Marami po akong pinapakain na pamilyahindi po ako puwedeng mawalan ng trabahohuhuhu

Humagulgol ito nang todo.

Tinitigan nya si Nora nang masama. Kung hindi niya lang ito kilala, baka naniwala din siya sa drama nito.

Ano, Mayumi? May masasabi ka pa ba?tanong ni Xavier, may ngiting nanunuya sa labi.

Ano pa bang dapat sabihin? Wala na.Mapait siyang ngumiti. Maliwanag na hindi siya pinaniniwalaan ni Xavier. Mas pinipili nitong paniwalaan ang ibang tao kaysa sa kanya na nakasama nito ng limang taon.

Kung gano’npaano ang gusto mong hatian?Muling tanong nya kay Xavier habang tinitigan ito nang diretso

sa mata.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME