Noong una, naunawaan pa niya ang muling pag–aasawa ng kanyang ama. Para din daw naman yun sa kanyang kapakanan.
Pero sa kalaunan ay nagiging target na siya ng pambubully ni Stephanie, madalas nitong kunin ang mga laruan at damit niya. Ang kanyang ama ay palaging kampi kay Stephanie, sinasabi pa nitong ibigay na lang niya ang mga iyon.
Kahit hindi siya masaya, at labag sa kanyang kalooban ay inintindi at tinatanggap pa rin niya. Umaasa siyang sa kanyang pagpapakumbaba ay magdadala sa pamilya ng pagkakaisa.
Limang taon ang nakakalipas, nang madulas si Stephanie sa isang pag–aaway nila, nalaman niya ang totoo… hindi pangalawang asawa ng kanyang ama si Amalia, kundi kabit ito. Ang babaeng matagal nang tinatago sa kanyang
ina.
At si Stephanie, hindi anak ni Amalia sa ibang lalaki, kundi illegitimate child ng kanyang ama at totoong kapatid niya.
Nang malaman niya ang katotohanan, labis siyang nagalit at nagwala. Histerikal niyang ipinagsisigawan na paalisin ng ama ang kabit at anak nito sa bahay nila.
Ngunit bago pa siya matapos magsalita, sinampal siya ng kanyang ama. At doon niya tuluyang naranasan ang masakit na katotohanan. Ang tahanang dati’y tinuring siyang parang pinakamamahal na hiyas, hindi na sa kanya.
Ang amang nagmahal sa kanya nang buong puso ay wala na at nalibing na kasama ng kanyang ina… ibang Johnny na ngayon ang nasa harap niya.
Ngayon, kay Stephanie na ang bahay na iyon, at siya ay wala nang puwang sa pamilya. Para na lang siyang unwanted visitor.
Noong una, naging maunawain siya. Palagi siyang nagbibigay–daan kay Stephanie, tinitiis ang yabang nito para lang hindi mabigatan ang ama niya. Pero kalaunan, naging usapin na iyon ng sariling kaligtasan.
“Stephanie, sino siya?”
Bumalik ang kanyang alaala sa kasalukuyan nang marinig ang kasama ni Stephanie.
Napatingin siya sa dalawa. Bagong kaibigan na naman ito ni Stephanie dahil hindi pa niya ito nakikita dati.
“Oh right, I know her! Sya, si Mrs. Valerio, di ba?”
Humalakhak si Stephanie nang nakaka–insulto. “Siya nga. Pinilit niya ang kanyang sarili kay Xavier Valerio na pakasalan siya. Napahiya ang pamilyang Santillan dahil sa kagagawan niya!”
Sa totoo lang, hindi naman talaga naapektuhan ang mga Santillan sa pagpapakasal niya kay Xavier. Sa katunayan, maraming napakinabangan ang mga ito mula sa koneksyon sa pamilyang Valerio.
Si Stephanie at Amelia mismo ang nagpapakalat ng balita na plano na noon pa man ng kanyang yumaong ina na ipakasal siya kay Xavier, pero wala man lang pakialam si Xavier sa kanya kahit pa asawa na siya nito.
Ang totoo ay naiinggit lang si Stephanie dahil siya ang kinasal kay Xavier at hindi ito. Sigurado siyang kung si Stephanie ang pinakasalan ni Xavier, iba ang kinalabasan.
Humugot siya ng malalim na hininga. Sanay na siya sa mga insulto at panunulsol ni Stephanie. Kaya hindi siya gaanong nag–react. Tiningnan lang niya ito sandali bago tumalikod para umalis, pero hinarangan siya nito.
430 Bonus
“Saan ka pupunta, Mayumi? Ni hindi ka man lang mag–he–hello? Wala ka talagang manners?” sabi nito sabay irap sa kanya.
“Why don’t you help me with my bags!” Sabay pilit na inabot ang mga pinamili sa kanya, pero hinayaan nya lang iyon sa hangin saka umatras na ikinagalit ni Stephanie.
“Hayaan mo na, Stephanie,” natatawang sabi ng dalaga. “After all, asawa siya ni Xavier. Siya si Mrs. Valerio.”
Lalo iyong nagpagalit kay Stephanie. Lumalim ang kunot ng noo nito, binitiwan ang mga paper bags sa sahig at sumigaw,
“Mrs. Valerio? Isa lang siyang lintang gold digger! Kahit pa napangasawa niya si Xavier, hindi niya mababago ang katotohanang isa siyang walang kwentang basura!” galit na galit na sabi ni Stephanie.
Tuwang–tuwa naman ang mga kasamahan nitong kaibigan sa pagpapahiya sa kanya. Lumaki ang ngisi ni Veronica. Tila proud na proud ito sa ginawa.
Ngumiti lang siya at tiningnan ang mga ito isa–isa, ni hindi siya affected sa pang–iinsulto ni Stephanie.
“Magkapatid tayo sa ama, Stephanie, at iisang dugo ang dumadaloy sa atin. Tinawag mo akong basura… ano ngayon ang tawag mo sa sarili mo?” sabi nyang ngumisi ng nakakaloko. Halos sumabog si
Cedella is a passionate storyteller known for her bold romantic and spicy novels that keep readers hooked from the very first chapter. With a flair for crafting emotionally intense plots and unforgettable characters, she blends love, desire, and drama into every story she writes. Cedella’s storytelling style is immersive and addictive—perfect for fans of heated romances and heart-pounding twists.

Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME