Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 17

Lalo pang ikinagulat Xavier nang makita niyang pumapayag talaga si Mayumi.

Naalala niyang matapos pumanaw ang ina ni Mayumi, nagasawa muli ang ama nito, at kailanman ay hindi naging mabuti ang ama at madrasta nito kay Mayumi.

Nang mapansin nitong nagiisip siya, hindi na nagbigay ng paliwanag si Mayumitumango lang ito.

Napagdesisyunan na, kaya hindi na kailangang patagalin pa.malamig na sagot ni Mayumi

Muli siyang napaisiptapos na ang usapin nila tungkol sa divorce at hindi na siya muling kinukulit ni Mayumi tungkol doon. Marahil ay nakapagisipisip na rin ito at napagdesisyunang tigilan na ang kahibangan.

Kaya ba lahat ng ginagawa nito latelydahil dito? Naalala niya ang kakaibang kilos ni Mayumi nitong mga nakaraang araw. Kaya pala nagplano ito ng kung anoanong playing hardtoget. Nagkunyari pa itong magfile ng divorceyun pala natatakot ito na baka tanggihan niya ang hiling na puhunan para sa negosyo ng mga Santillan?

Napatawa siya, tila naaliw.

****

Sandaling hindi naintindihan ni Mayumi ang ipinahihiwatig na galaw ni Xavier. Pero nang makita niyang lumambot ang ekspresyon nito, alam niyang maganda ang mood ng lalaki. Marahil iniisip na pagkatapos ng diborsyo, malaya na itong makasama si Ysabel.

Napangiti siya nang mapait sa isip niya. Sinabi ni Xavier na hindi ito maaapektuhan ng diborsyo, pero halatang- halatasabik na itong matapos ang lahat para maging malaya kay Ysabel.

Inakala ni Xavier na pagsangayon ang pananahimik niya, kaya hindi na siya nagsalita pa. Binalikan nito ang huling pahina at pinirmahan iyon habang nakangiti.

Bukas, sasama ka sa–

Hindi pa siya tapos magsabi ng Family Court,ay inilabas na ni Xavier ang pasaporte nito at itinulak iyon kasama ng kasunduan papunta sa kanya.

Busy ako. Ikaw na ang bahala sa natitirang proseso,malamig nitong sabi. Kung may hindi ka naiintindihan, tanungin mo si Alden.

Sa narinig niya mula kay Xavier, napangiti siya nang mapait. Noong kinasal sila, si Alden din ang kasama niya para asikasuhin ang mga papeles sa halip na ito.

Hindi niya inasahan na maging sa diborsyo, hindi man lang ito maglalaan ng oras. Iniwan pa sa kanya ang marangal na pagtatapos ng limang taon nilang pagsasama.

Sobrang katawatawa ang kasal na iyon, halos hindi niya kayang balikan sa isip.

Sa kabutihang palad, hindi na ganoon kahina ang loob niya tulad ng dati. Kung ayaw nitong sumama, ayos lang…. Siya na lang.

Paano naman ang agreement? Ipapatingin mo pa ba sa abogado mo?tanong niya.

Hindi na kailangan.Walang emosyon ang boses ni Xavier. Nagdesisyon ka na. Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan.

Ang puting liwanag ng fluorescent lamp ay tumama sa mukha ni Xavier, binibigyangdiin ang matalim at hubog na mga tampok nito.

+30 Bonus

Tinitigan niya nang maigi ang asawa, at sa isang iglap, naalala niya ang batang minsan na niyang nakilala.

Una niyang nakilala si Xavier noong anim na taong gulang siya. Dumalo sila ng kanyang ina sa isang marangyang handaan. Dahil bago at nakakaexcite ang lahat, tumakbotakbo siya sa paligid. Doon siya tinukso ng isang batang babae mula sa mayamang pamilya. Hinamak hamak siya nito at itinulak sa pool..

Bumulusok ang tubig sa ilong niya. Hindi siya marunong lumangoy. Takot na takot nya sa mga oras na yun.

Nang malapit na siyang malunod, biglang may kamay na humila sa kanya paahon. Isang lalaking batabasang- basa, nakadikit sa dibdib niti ang suot na damit, at tumutulo ang buhok. Doon niya narinig ang pangalan nito…. Xavier Luis Valerio.

Noon, hindi pa bumabagsak ang angkan ng mga Santillan, at hindi pa umaangat nang husto ang mga Valerio.

At kahit nalaman niya kalaunan ang tungkol sa relasyon nina Xavier at Ysabel, nanatili siyang tahimik tungkol sa nararamdaman niya ukol kay Xavier.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME