Login via

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME novel Chapter 20

STEPHANIE’S POV:

Hindi niya inaasahan na sasagot si Mayumi sa kanya kaya namula siya sa pagkapahiya, pero hindi siya pwedeng magpatalo sa bruhang si Mayumi!

Sino naman ang gugustuhing maging kapareho ang dugo mo, aber?nakangising sabi niya at naghalukipkip pa. Hindi siya pwedeng mapahiya sa harap ng kanyang kaibigan.

Right,tipid na sagot ni Mayumi sabay tango. Magkaiba nga naman ang dugo natin. Yung iba kasi d’yan, dugo ng ama ko at ng kabit niya.

Nanlamig siya sa sinabi ni Mayumi. How dare you, Mayumi! How dare you say that about my mother?! Are you crazy?!

Akmang sasampalin niya ito nang mabilis nitong hinawakan ang kamay niya at winaksi iyon palayo. Muntik pa siyang matumba sa lakas ng pagwaksi ni Mayumi.

Ano bang sinabi ko? May sinabi ba akong kabit ang nanay mo?ngumisi ito nang nakakaloko. Hindi ba’t ikaw mismo ang umamin?dagdag pa nitong kalmado ang tono.

Hindi siya makapagsalita. Nakita niyang nagulat din ang kaibigan niya at nagiba ang tingin sa kanya. Ang alam kasi nito ay anak siya ng negosyanteng si Johnny Santillan pero walang nakakaalam na kabit lang ang nanay niya. Matapos marinig ang palitan ng salita nila ni Mayumi, at inabot ng kanyang kaibigan ang mga pinamili nila. Ahm, sismauna na pala akomay gagawin pa pala ako,sabi nitong parang nadidiri sa kanya. Hindi na nito hinintay na magsalita siya at kumaripas ng alis.

/Sis, wait! Come back here!Hiyanghiya siya sa kaibigan. Ang matagal niyang pinakatagong sikreto ay lumabas na. At kasalanan ng lahat ng iyon ni Mayumi! Binalingan niya ito nang may galit sa mukha, pero hindi man lang ito nangpatinag sa kanya at iniwan din siya doon.

YouYouMayumi, how dare you bully me? Just you wait, I’ll tell Dad and Mom!Nagpadyak pa siya ng paa na parang bata.

Nakita niyang hindi man lang lumingon si Mayumi habang papalayo, tila wala itong pakialam sa pananakot niya. Kaya lalo siyang nagngitngit sa hiya at inis. Wala na siyang maisip para makabawi sa bruhang si Mayumi.

Paalis na sana siya nang bigla siyang mapahinto. Napatingin siya sa sign na nakasulat kung saan lumabas si MayumiFamily Court.

Marriage Court? Ano’ng ginagawa ni Mayumi dito?nagtatakang tanong niya.

MAYUMI’S POV:

Pagdating niya sa parking kung saan ang kanyang kotse ay bigla siyang napaisip. Nasa bahay pa kaya nila si Ysabel? Kung gano’n, ay hindi pa ito ang tamang oras para umuwi…. Pero saan siya pupunta?

Simula ng mamatay ang kanyang ina, untiunting lumayo ang mga kamaganakan nila. At nang ikinasal siya kay Xavier, mas lalo pang kumonti ang mga kaibigan niyasaan ba siya pupunta ngayon?

Habang malalim siyang nagiisip, biglang tumunog ang cellphone niya. Ang ama niyang si Johnny Santillan ang tumatawag.

+30 Bonus

Napasimangot siya, malamang nakapagsumbong na si Stephanie at ito ang dahilan kaya tinawagan siya ngayon ng kanyang ama…. para pagalitan siya. Hindi niya inasahang tatawag ito nang ganito kaaga.

Hello, Pa?walang ganang sagot niya sa telepono.

Pero sa kanyang pagkagulat, mahinahon ang kanyang ama. Hindi ito nagalit o nagbanggit ng tungkol sa away nila ni Stephanie kanina.

Kamusta ka na, anak? Kamusta kayo ni Xavier lately?

Naguluhan siya kung bakit ito nangangamusta. Simula nang magkagalit sila ng ama dahil mas kinakampihan nito ang maginang Amalia at Stephanie kaysa sa kanya, bihira na itong tumawaglalo na para magpakita ng concern tungkol sa relasyon nila ni Xavier. May naamoy siyang kakaiba sa galaw ng ama.

Hindi siya sumagot. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na diretso,walang emosyon nyang sabi

Well, maliit na bagay lang namantawa nito na medyo pilit. Narinig ko kasi na ang mga Valerio ay magbubukas ng bagong negosyo, at sakto, tugma doon ang bagong project na inihahanda ko. Kung mababanggit mo sana kay Xavierimbes na maginvest siya sa iba, baka p’wedeng sa akin na siya makipagpartner

Lihim siyang napasimangotHindi pa man natatapos ito sa pagsalita, alam na niya ang pakay nito.

Noong bagong kasal pa lang siya, ilang beses nang ginamit ng kanyang ama ang koneksyon niya sa mga Valerio para kumuha ng investmentsna ang ilan ay nauwi sa malalaking pagkalugi.

Minsan na niya itong kinausap tungkol dito, pero palagi lang nauuwi sa sagutan.

Sa laki ng pera ng mga Valerio, maliit na bagay lang ang pinalugi ko. Hindi yun makakatinag sa pera nila. At saka, pamilya na tayo dahil kasal kayo!galit na sabi nito.

Hindi lang naman para sa akin ang hinihingi kong capital sa kanila. Para to sa pamilya natin. Nagkataon lang na mali ang pinasukan kong negosyohindi naman palaging lugi.dagdag pa ng ama nyang hindi man lang kinapitan ng hiya.

Pero sa realidad, halos lahat ng investment mula sa mga Valerio ay nalugi dahil sa ama niyapaulitulit na lang. Palibhasa umaasa ito na muling mamamakuha ulit sa kanyang asawa.

+30 Bonus

CHAPTER 21

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME