CHAPTER 21
Sa mga pinaggagawa ng kanyang pamilya kay Xavier ay isa sa dahilan kung bakit nanliliit siya sa kanyang sarili kapag kasama ang asawa… Hiyang–hiya siya.
“Wag mo nang ituloy, Pa. divorce na kami kay Xavier, wala na tayong koneksyon sa mga Valerio.” mariin nyang
sabi sa ama
“Ano’ng sinabi mo???” Napatigil si Johnny, at biglang tumalim ang tono. “Divorce na kayo ni Xavier?!”
Nilayo niya ang telepono sa kanyang tenga sa sobrang lakas ng pagsigaw nito.
“Yes.” walang emosyong sagot niya.
“Kailan nangyari ‘yan?” Parang ayaw pa nito maniwala.
“Ngayon lang.”
“Si Xavier ba ang nag–initiate?” sumimangot siya sa dami ng tanong nito.
“Hindi… ako. At pumayag siya.”
“KABALIWAN!!!”
May malakas na tunog ng kamay na dumagundong sa mesa sa kabilang linya. Kahit wala siya sa harap ng ama ay ramdam niya ang galit nito.
“Wala ka talagang pakinabang, Mayumi! Bakit ka nakipag–divorce? Paano na ngayon tayo? Isa ka talagang kahihiyan sa pamilya!”
Lihim siyang napasimangot, kahit paano ay nasaktan siya sa mga paratang ng ama. Kung dati ay prinsesa siya nito, ngayon ay wala na itong amor sa kanya. Si Stepahnie nalang ng importante sa kanyang ama.
Naalala pa niya noong may kinasangkutang problema si Stephanie at nagdulot ng milyong–milyong pagkalugi sa kompanya. Buntong–hininga lang ang tanging nagawa ng kanyang ama at tinanong kung kailan ba ito magma-
mature.
Pero kung siya yun… malamang sangkatutak na mura at pag–aalispusta ang maririnig nya hindi lang sa kanyang ama, kungdi pati sa madrasta nyang ubod na kapal ng mukha. Tanging ngiting–pait lang ang kanyang nagawa. “Ang kasal na ‘yan ay binayaran pa ng buhay ng nanay mo. Ganito mo ba siya sinusuklian? Ano sa tingin mo ang kanyang mararamdana kapag andito pa siya, matutuwa ba? Nasaan man siya ngayon, siguradong malungkot siya dahil sinayang mo ang sakripisyo niya?!” pangungunsensya ng kanyang ama
It will surely break her mother’s heart pero hindi alam ng mga ito ang sakripisyo nya… Tama na!
“Puntahan mo si Xavier at humingi ng tawad ngayon din! Tigilan mo ang kalokohan na ito Mayumi, bawiin mo ang pakikipag–divorce kay Xavier Valerio!” utos ng ama.
Bago pa niya masabi ang nasa isip, pabagsak na ibinaba ni Johnny ang tawag.
*****
SANTILLAN RESIDENCE:
Galit na galit si Johnny na binagsak ang telepono matapos makipag–usap sa walang utang na loob niyang anak na si Mayumi. Nanggigigil siya sa galit. Paano na ngayon ang negosyo nila? Saan siya kukuha ng puhunan?
+30 Bonus
asawang si Am
Nakita niyang papasok ang Naka–red gown ito at hindi niya alam kung saan nanggaling. Umiindayog ang balakang nito habang papalapit sa kanya.
Tiningnan niya ang asawa, hindi maipagkakaila na maganda si Amalia. Kabit niya lang ito noong hindi pa namatay ang kanyang totoong asawa na siyang ina ni Mayumi.
“O bakit hindi maipinta ang mukha mo dyan? Is it about Mayumi again?” malambing nitong tanong. “Wag ka na magalit, baka tumaas pa ang alta presyon mo, hon. Sinasabi ko naman sa’yo dati pa na hindi tayo tinuturing na pamilya ng suwail mong anak. Malamang gusto niyang solohin ang mga koneksyon ng pamilyang Valerio para sa kapakanan niya at iniisip na tayo ang sagabal na kailangan niyang alisin.”
Tumayo ito sa kanyang likod at marahang minasahe ang kanyang balikat para pakalmahin siya. “Hindi ka ba tinulungan ni Mayumi para kausapin ang kanyang asawa?” Pumunta ka na lang ulit sa mga Valerio at ikaw na mismo ang kumausap kay Xavier.”
“Hindi lang ‘yon ganun kadali ngayon.” Galit na sabi niya. “Mahirap nang humingi ng tulong sa mga Valerio dahil nag–divorce na si Mayumi at Xavier!”
“What? I don’t believe you!” Tumigil ito sa pagmasahe at umupo sa kanyang harap. “Ano na namang kapalpakan ang pinasok ng walang utang na loob mong anak?” Maging si Amalia ay nagalit na din sa narinig.
“Divorced?” napalunok si Amalia at nanlaki ang mga mata. “Imposible! Everybody knows how Mayumi is madly in love with Xavier! Nakalimutan ba nya ang sakripisyo ng nanay nya para lang makasal siya kay Xavier? Tapos basta na lang niyang tatalikuran?”
“That’s what im telling her too!”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME