CHAPTER 25
Alam niya ang ibig nitong sabihin. Hindi niya napigilang mapangiti nang mapait.
Sa mga taong nagdaan na kasal siya kay Xavier, akala ng lahat ay pinakasalan niya ito dahil sa pera.
Habang nakatira siya sa mansion, kailangan ay puro mamahalin ang suot niya… damit, alahas, pati mga gamit, para hindi siya maliitin at hindi mapahiya ang pamilya. Kaya gumagastos nang malaki si Xavier para ipagawa sya ng mga designer na damit at bags. Anumang alahas ang gusto niya, sasabihin lang niya sa assistant ni Xavier at darating kaagad.
Sa paningin ng iba, marangya at maginhawa ang buhay niya, pero sa katotohanan, hindi siya pinapayagan ng mga Valerio na magkaroon ng kahit anong trabaho, para lang siyang display doon na walang kwenta.
Dati, si Xavier pa ang nagbibigay ng allowance sa kanya sa pamamagitan ng assistant nito. Pero dahil sa isang pagkakataong nagalit ito sa kanya, pinaputol nito ang allowance niya.
Gayunman, may mga gastusin din siya sa mansion. Noong una, kaya pang sagutin ng ipon niya. May kaunti siyang perang naipon dahil maganda naman ang trabaho niya bago siya nagpakasal kay Xavier.
Isa siyang certified public accountant. May firm silang tinayo ng kaibigan niyang si Kiel na pinangalanan nilang MK Accounting Firm and Business Solutions.
Nang lumaki ang kompanya at nakakuha ng magandang partnership sa ibang bansa, nilipat doon ni Kiel. Pero nagpaiwan siya dahil nga magpapakasal siya kay Xavier. Pero nagrereport pa rin naman ito sa kanya from time to time. Isa pa din naman siya sa may-ari ng kompanya.
Pero paubos na nang paubos ang ipon niya. Idagdag pa ang mga gastusing medikal at pagpapaayos ng sasakyan niya na naaksidente noon… sobrang bigat.
Ngayon, halos wala na siyang pera, tatlong digit na lang ang laman ng account niya.
Tiningnan niya ang presyo ng renta na nakalagay sa papel, na mas mataas pa sa laman ng bank account niya, at napangiti na lang nang alanganin. “Huwag na… hindi naman ako mapili sa tirahan.”
Hindi niya kayang sabihin na kapos siya sa pera habang naka-designer dress na libu-libo ang halaga.
At kahit sabihin niya, pakiramdam niya walang maniniwala kahit na iyon naman ang totoo.
Naalala pa niya minsan, nang sobrang nagalit si Xavier sa kanya, pinatulog siya sa labas ng bahay nang isang linggo. Simula noon, nasanay siyang hindi magreklamo kung saan man siya mapadpad.
Tulad ng inaasahan, nanigas ang ngiti ng ahente matapos siyang marinig. Pilit itong tumawa, pinupurt kuno ang pagiging praktikal niya, ngunit halatang nag-iba ang pakikitungo sa kanya.. nawala ang paggalang
Nang matapos ayusin ang unit at mapirmahan ang kontrata, halata nang malang ang ugalt ng ahente Nakatiklop ang mga braso nitong nakikipag usap sa kanya. “Ganito talaga ang presyo ng mga hunang luma na apartment Pinili mo na ito kaya magtiis ka nalang
Hindi na siya kumibo
Pagkatapos niyon, pumunta siya sa grocery para bumili ng toiletries at nilinis ang buong apartment mula taas hanggang baba Malapit ng mag gabi, pagod na pagod siyang bumagsak sa sola, nakatitig sa kabuuan ng malut at humang luma na apartment
Nakatitig siya sa bintana at nakita ang paglubog ng ataw Napangiti siya, hindi man kasing ganda ng mansion ang bahay niya ngayon, may kakaiba naman siyang nararamdamang kaginhawaani
Doon niya napagtanto, ito pala ang pakiramdam ng muling pagbangon ng kalayaan. Huli man niyang na realize iyon, at least naumpisahan na niya.
+25 Bonus
Ang gusali ng Valerio Group ay tila nababalutan ng mabigat at madilim na ulap. Sa mga mataas na palapag, tahimik at tensyonado ang mga empleyado. Alam ng lahat na masama ang timpla ni Xavier ngayon.
Kahit ang assistant na si Alden ay kabado habang nagrereport. Tiningnan nito ang malamig na ekspresyon ng presidente nila, huminga siya ng malalim, at nag-ulat…
“Sir, may natuklasan kami. Si Johnny Santillan ay nanghihikayat ng maliliit na investors gamit ang pangalan ng Valerio Group. Sa ngayon, lima o anim na kumpanya na ang sumali, at may dalawa pang nagtatanong tungkol dito. Gusto n’yo po bang makialam kami?”
Lalong uminit ang ulo ni Xavier sa narinig mula sa kanyang asssitant. “Simula ngayon, ikaw na ang bahala sa lahat ng may kinalaman sa mga Santillan. At ayokong marinig ang pangalang ‘Mayumi Santillan! Nakakairita pakinggan. Kasing kairita ng pangalan ng ama niyang si Johnny Santillan!”
Napupuno na siya sa mag-ama. Bakit pa ito tinutulungan ni Mayumi na makakuha ng investment sa kanya, samantalang hindi naman ito pinapatunguhan ng maayos ng pamilya nito?
Samantalang ang maliit na bagay na pagtira ni Ysabel sa bahay nila ay ginawa nitong big deal at lumayas pa para gumanti sa kanya?
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME